No Boyfriend Since Birth
ano nga ba ang dapat kong isipin?
advantage ba o disadvantage?
advantage kasi ndi ko naranasan ang masaktan?
hindi umasa sa pangakong habang buhay?
na magpakailanman na akala mu matagalan pero pag nag away e parang katapusan n ng mundo,
na pati kapaligiran mo ay madadamay pa sa away niyo.
at disadvantage naman kasi
hindi ko naman naranasan matuwa,
bigyan ka ng chocolate,
nakaka pagpangiti ka kapag malungkot.
masasandalan kapag inaantok ka,
magpapagaan ng kalooban mo kapag may problema ka,
bakit ba mas madami pa ako naisip sa negative side?
Masaya din naman being single a?
less problem,
no worries,
walang pagseselosan,
walang makulit,
hindi ako masasakal sa higpit,
andyan naman mga friends ko
yan na lang ang mga iniisip ko
habang kinakausap at hinihimas ang likod ng bestfriend ko
brokenhearted kasi siya
at nandito kami sa bar,
medyo nakakahiya kasi pinagtitinginan na kami..
hindi naman na kami bawal dito dahil 2nd year college n kami at parehas kaming 19yrs old.
pero syempre hindi lang kami nasa bar kasama din ang tropa
kaso nasa dance floor ang mga loko..
saka maganda na din yun dahil hindi naman makakausap ng maayos yung mga yun pag dating sa lovelife at lalo na kapag brokenhearted.
Jezyl: Ema, wag ka na umiyak dyan kaya mo yan.. lalaki lang yan,
Ema: bakit kasi ganon, kulang pa ba ako para tumingin siya sa iba?
Jezzyl: eh malay ko, baka masyado ka ng sobra para sakanya kaya nag hanap siya ng iba yung tipong… basta..
Ema: eh bakit ndi mu sabihin?
*tumingin ng masama sa akin habang namumugto ang mata*
Jezyl: aba’t hoy kakampi mo ako dito…
Ema: . . . .
Jezyl: hay naku… ndi ko alam jan sa Boyfriend mo kung bakit may iba…
Ema: *umiyak*
Jezyl: oh bakit? Sorry naman ex pala…
madami na din ako nasabi sa kanya nun,, kaya tumagay muna ako…
ng juice
uu nakikisama ako sa mga barkada kong umiinom pero hindi naman required sa barkada na kaylangan mong gawin lahat ng ginagawa nila.
kung alam naman nila na nakakasama sa akin yun e
bakit pa nila ako pipilitin,
kaya sa kanila ako sumama…
open minded sila. .
Ema: sige Ezyl, kakalimutan ko na siya, kaylangan ko ng kalimutan yung lalaking yun..