tinignan ko ng masama yung tuta
para makita niyang ayaw ko sakanya.
wala lang nag titigan lang kami..
hindi sya natakot sakin,
pumasok ako sa gate naming
tinignan ko kung aalis na yung tuta
pero hindi wala nagpapacute parin sakin
pumasok ako ng bahay
sinarado ko ng malakas yung pinto
--- end of part 1----
Mama: Jezyl anak anak ikaw naba yan? wag mu ilakas ang pagsarado baka masira ang pinto
Jezyl: opo nay, pasensya nap o
maya maya ay
tumatahol yung tuta..
“aw aw aw aw”
nag antay pa ako ng ilang Segundo
hindi pa din tumigil
hindi ko na napigilan ang inis ko
lumabas ako ng bahay,
at sumigaw..
Jezyl: “aAAAaAAaAawWWwwWWww!!”
biglang tumigil ang tahol ng tuta.
naawa ako sa kalagayan niya
halos magkanda ipit ipit sya sa gate naming sa kagustuhang pumasok
lumapit ako at binuksan yun
ndi ko napigilan ang luha ko
Jezyl: ano ka ba? sinabe ko naman ayaw ko sayo.. dahil sainyo namatay ang kuya ko
nakatingin lang siya sakin
para akong sira umiiyak ako sa harap ng isang tuta
hinawakan ko sya at pinasok sa bahay
naupo ako at nilagay sa harap ang tuta
nakatingin lang ako sa kanya
habang ang tuta ay tinitignan ang buong paligid ng bahay
Mama: ano bay an Jezyl, akala ko ba ayaw mo sa aso?
Jezyl: si Aron po mama e,eto ung niregalo sakin saka mama tuta daw to.
Mama: abay magkaiba pala ang aso at tuta? O siya mag ayos ka na aat kakain na tayo.
iniwan ko yung tuta sa sala
nakaupo lang sa sala
dahil magbibihis muna ako
ng matapos ako mag ayos ng sarili ay binalikan ko ang tutang un,
ganon pa rin ang pwesto niya
behave siya
ramdam niya kaya na ayaw ko sakanya kaya ganon nalang ka behave?
dumiretso na ako sa kusina naming
habang kumakain ako ay lumapit sakin ung tuta
Jezyl: Mama, bigyan mo nga din po ung tuta
Mama: alaga mo yan kaya ikaw ang responsible dyan
Jezyl: mama naman e,
Mama: nung nag boyfriend ka ano sabi mo?
Jezyl: . . .
Mama: na huwag akong magalala kasi malaki ka na. Kaya Jezyl alam mo na doon muna ako sa sala manonood muna ako.