okay eto na! Enjoy! Sana magclick to.
-----
Naglalakad ako pauwi galing sa school ng mapadaan ako sa basketball court.
"Hmm.. Maaga pa naman. Makatambay nga muna." Sabi ko sa sarili ko.
Naupo na ko doon sa may bleachers dun sa may court.
Ako nga pala si Marie Ann Sebastian. Tahimik lang. Pero pag may nagtangkang bumunggo sakin, yung tahimik na ako ay nagiging monster. Hahahaha!
Ayoko kasi ng ginugulo ako e.
16 years old na ko. Simple pero masayang buhay ang meron ako. Hindi kami mayaman, hindi rin naman mahirap. Average lang. :))
Teka? Bola ba yon? Ay.. Ba't parang lumilipad ata papunta sakin?
"Tangshet! Miss yung bola!!"
Tangshet nga! Tatama na pala yung bola sakin! Hinarangan ko ng dalawa kong kamay yung ulo ko habang natili ako.
BOOOGSH!
"Aray! Aww!" Huhuhu. Ang kawawang si ako ay natamaan ng bola! :(
"Hala Miss! Sorry! Binalaan na nga kita e." Sabi nung lalaki habang nakamot sa ulo.
Aba at ako pa ang may kasalanan?!
"Hoy! Ikaw na nga tong nakatama sakin ng lintek na bolang yan tapos ako pa may kasalanan!?" Sigaw ko dito.
"Hala miss! Wala akong sinasabing ikaw ang may kasalanan! Nagsorry na nga ako e!" Sabi nito habang nakataas pa ang dalwang kamay. Yung parang pag may hinuhuli yung pulis tas ipapataas yung kamay. Basta yung ganung klaseng taas ng kamay! Bwahahah
"Hmpf! Kahit na! Parang ganun din yun e!" Sabi ko.
"Hahahahahhaa" Aba at tumawa pa?
"At ano namang nakakatawa aber?" Taas kilay at nakapamaywang kong tanong.
Habang hawak na nya ulet yung bola.. "Miss.. Basketball ka ba?" Tanong nya.
"Ha?"
"Just ask why." Iritado nyang tanong.
"Psh. Why?!" Iritado ko ding pagtanong.
"Pfft-- Kasi--Hahahahaha!--Kasi para kang bola! Ang taba mo! hahahaha!" Sabi nya na halos mangiyak na sa kakatawa.
Hindi naman ako mataba! Yung pisngi ko lang. :( Huhu!
"Makaasta ka parang macho ka ah! Patpatin!" Sabi ko.
Actually hindi ganong totoo yun. Hehe. May maiasar lang.
Umakto syang iaangat yung jersey nya.
"H-hoy! Anong gagawin mo?!"
"Ipapakita ko lang naman ang PATPATING katawang sinasabi mo!" He said emphasizing the capitalized word atsaka nya hinubad ng tuluyan yung jersey nya.
O.O
*.*
*o*
OMOOO! Ang hot! E pano ba naman kasi may abs sya kahit mapayat! Sinabayan pa nung tumutuling pawis sa katawan nya. Pati na rin yung buhok nya basa ng pawis kasi nga diba kakalaro nya lang non.
Bigla syang lumapit sakin.
Lapit..
Lapit..
Yung muka ko *o* ganyan pa din.
Bigla nyang hinawakan yung chin ko. Ngumiti sya ng nakakaloko..
Omg. Eto na ba? Sya na ba ang first kiss ko? Hala! (O///O)
BINABASA MO ANG
Basketball Ka Ba? (One Shot)
Teen FictionNang dahil sa tama ng bola, nagkakilala silang dalawa. Sabay tanong, basketball ka ba? :)