ix. halos umamin
s o f
───────────────
Sobrang nakakailang humarap sa lola ni Edwin dahil sa tatlong dahilan: 1. puro siya puri. 2. sabi niya, bagay raw akong maging misis ni Edwin. 3. kinailangan kong magpanggap na girlfriend ni Edwin dahil lilipad na raw pala ang lola niya paibang bansa at gusto niyang mapanatag ang loob na may girlfriend na ang kaisa-isa niyang apo.
"Salamat at sorry talaga, Sof," sabi sa 'kin ni Edwin habang pabalik kami sa sala. 'Yung lola niya kasi ay nasa kwarto niya sa third floor pa. "Sorry. Gusto ko lang talagang matahimik na siya sa kakakulit kung kailan ako magkaka-girlfriend."
"Ano ba, okay lang," sabi ko. "Wala 'yun. Mas nakakahiya nga sa 'yo, ako lang napakilala mo. Hindi totoong girlfriend."
"'Di mo pa ako sinasagot e."
"Edwin . . . " Medyo uncomfortable ako kapag bini-bring up niyang hindi ko siya sinasagot. Siya naman kasi 'tong makulit na ligaw nang ligaw kahit sinabi ko nang ayoko at wala akong balak sagutin siya. "Hindi mo 'ko magu-guilt trip. Isa pa, hindi cool 'yun."
"Oo. Sorry. Joke lang."
Pagbaba sa sala, wala si Sav kaya hinanap ko siya. Lugmok na naman ako kasi nakita ko siyang katabi si Gabby; galing talaga, nawala lang ako saglit. Pero wala dapat akong karapatang mag-complain kung pumapayag nga akong magpakilalang girlfriend ng manliligaw kong wala akong balak maging boyfriend. Huminga na lang ako nang malalim saka naki-videoke ulit.
Kinakabahan pa rin ako para sa prom bukas nang gabi. Parang make or break na kasi 'yon ng kung ano mang meron kami ni Sav, although hindi pa ako sure sa 'make' part dahil naduduwag pa rin akong umamin. Shit talaga, ga-graduate na kami't lahat hindi pa rin ako umaabante. 'Di kaya sinasayang ko lang ang oras ko?
Gusto ko siyang masayaw bukas. Gusto ko siya na lang para kami na rin hanggang college at sa mga susunod pang parte ng buhay namin pagkatapos no'n, para masunod na namin 'yung promised dare namin noon, para matahimik na 'ko. Kung sana gano'n lang kadali ang mga bagay bagay.
Pagkatapos kong magparinig sa kinakanta ko, kinalabit na ako ni Sav. Nilingon ko siya dahil kinalabit niya ako mula sa likod, tapos nakatingin siya sa 'kin nung sinabi niyang, "uwi na tayo".
Siyempre, dahil siya nagsabi, tumayo na lang din ako agad saka nagpaalam na sa mga kaklase ko at Edwin.
"Tara na," ani ko kay Sav.
--
Tahimik lang kaming naglalakad dalawa sa street sa labas. Medyo malamig saka tahimik na ang kalsada kasi wala na halos mga tao at sarado na ang mga tindahan. Mabigat na rin nang kaunti ang mga mata ko. Sa sobrang tagal naming magkasama, feel ko pati ritmo ng paghinga niya alam ko ang ibig sabihin kaya ngayon, medyo malakas ang feeling ko na inaantok na rin si Sav.
"Gusto mo mag 7-11?"
Hindi nakatingin sa 'kin si Sav sa 'kin nung tinanong ko 'yun, kaya pumunta ako sa harap niya saka doon naglakad nang patalikod.
"Hoy, tumingin ka sa dinaraanan mo," sermon niya.
"May moment kayo ni Gabby kanina a," sabi ko. "Musta?"
"Ako pa ang may moment? Ako ba ang pinakilala sa lola?"
"Wala 'yun, 'no! Meaningless favor lang ni Edwin." Pinaliwanag ko sa kanya 'yung dahilan. "Kaya hindi importante. 'Wag mo nga lipat sa 'kin 'yung usapan."
"E 'di meaningless din 'yung sa 'min kanina ni Gabby."
"Ows," sabi ko. "Kailangan pa ba kita sundutin para may mahita ako sa 'yo?"

BINABASA MO ANG
pareho tayong halos
Romancesav and sof. sof and sav. magkadikit na halos ang mga pangalan. laging magkasama. laging sabay umuwi. pero hindi sila. hindi sila sigurado kung gusto nila ang isa't isa, o kung takot lang silang masira ang pagkakaibigang nabuo nila. pero paparating...