chapter 6

68 11 0
                                    

9 pm na nakauwi si jake kagabi, nauna nadin siya ngayon sa trabaho niya. Kinuha ko ang susi ng kotse at ang papel ng CBR (cakebaker) sumakay ako ng kotse at inisip muna kung may naiwan ba, pero mukhang wala naman.

Sinimulan kong paandarin ang kotse at mabilis na nagmaneho. Nakarating ako sa company ni papa at kinuha ang bank account ko.

Nang makuha ko naman ay mabilis din akong nagpaandar papuntang cake baker.

Nang makarating ako ay tumango ako sa mga trabahador bilang pagbati. "Welcome sa cake baker amanda chesney." Pagw-welcome sakin ng bakla naming amo.

"Salamat." Saglit kong inilibot ang mata sa malaking bakery. Napakaganda dahil puno ng pailaw. Pinapatugtog din nila ang paborito kong kantang, lips of an angel

"Naninibago kaba?" Tanong niya habang sumasabay sa paglalakad ko. "Don't worry, masasanay kadin. Pasalamat ka dahil may maganda at mabait kang amo." Napangiti ako sa sinabi niya. "Oo nga pala dzaii....gusto mo ba na dalhin kita sa pwesto mo?" Yaya niya sakin.

Dahil sabik nadin akong makita ang pwesto ko ay tumango tango ako. Hinawakan niya ako ang kamay at dinala sa pwesto ko.

"Eto ang pwesto mo dzai.." hinarap pa niya ang kamay niya sa pwesto ko. Wala akong emosyon sa nakikita. "Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong niya.

"Super delicate, malawak at maganda ang pwesto ko dito tita benz...maraming salamat." Ngumiti siya sa sinabi ko.

"So i thought that this place is so unseemly in your eyes, akala ko ay napapangitan ka...masaya kanab diro dzaii?" Tanong niya ulit.

"Huo naman tita benz, maraming salamat."  Tumango siya at hinawakan ako sa balikat.

"Maiwan na muna kita, aalis din ako dzaiii dahil madami pakong aasikasuhin na bagong trabahador. Hindi lang kase ikaw ang nag pa signature sakin, dumadami nadin ang may gustong mag trabaho dito."

Pasimple akong tumango at pinagtuunan ng pansin ang pwesto ko. Kumikinang ang design nito. Umupo ako at dinama ang saya sa loob ng lugar nato.

Ang sarap tagambayan, pero kailangan trabaho ang gawin ko rito lalo na't malaki ang sweldo rito. Nang may lumapit saking costumer ay hindi ko alam an gagawin.

"Isa pong yemma cupcake." Tinaas ko ng sabay ang kilay. Hindi ko alam kung kanino ako magsasabi sa mga ka trabahador ko.

"Wait lang po, ahhh...." napakamot ako ng batok. "Medyo hindi ko papo kase alam 'tong gawa ko dito." Napansin ko an pag-irap ng babae sakin.

"Nagtratrabaho ka tapos di mo alam gagawin mo?" Mataray niyang saad. Fyi lang sana, bago lang ako dito tapos ganito na ang bungad sakin ng costumer?

"Bago lang ako dito miss, kakarating ko lang kanina. Kani-kanina lang. 'Staka hindi sakin naka assign ang hinihingi mong cupcake." Mahinhin pero diin kong sagot.

Hinayaan niya ako at umupo siya sa harapan ng table ko. Lumapit ako sa iba kong kasamahan at nag tanong. "Saan dito yung sa department ng cupcake?" Tanong ko.

Lumingon siya sakin at tumigil sa pagpupunas ng lamesa. "Sa thirdfloor pa 'yon. Mag eelevator kapa. Bakit? Anong gagawin mo don?" Tanong niya sakin.

"Kase may costumer, sakin niya hinahanap ang cupcake, tinarayan pako dahil nagtrabaho padaw ako kung hindi ko alam ang gagawin ko."

"Haynako, pasensya na....pumasok ka muna sa office ng manager. I aassign ka non kung saan ka mag s-stay na depart, kung sa cake ba o cupcake." Sagot naman niya. "Nasan ba yung babae?"

"Andun siya." Turo ko. Pumunta siya at kinausap ang babae.

"Miss, ang department po ng cupcake ay nasa thirdfloor pa, kailangan niyo pang sumakay ng elevator para makaakyat." Madiin na saad ng katrabahdor ko.

A mandatory love (1st Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon