CHAPTER ONE
SHANI
Matapos mai-send kay Kuya Thaddeus ang location kung saan nya ako susunduin ay halos magulat ako ng makitang nasa kabilang kanto na ng kalsada ang sasakyan na dala ni Kuya Thaddeus. Naka tayo itong nakaabang sa mismong tabi ng kanyang sasakyan habang abala ito sa pakikipag kuwentuhan sa kung sino man ang kasama nito.
Nang tuluyang makatawid ako mula sa kabilang kanto ay halos bumagal ang paglalakad ko ng muli na namang makita ang isang pamilyar na imahe ng isang lalaki na batid kong kanina lamang ay kasama ko.
Nang mapansin nito ang pagdating ko ay agad na bumaling sakin ang mga mata nito, kasabay nun ang muling pagtingin nya sakin mula ulo hanggang paa. Ayun na naman ang mga tingin nyang animo napakalaki ng kasalanang nagawa ko sa kanya para batuhan nya ako ng napaka samang tingin. Saglit niya akong tinitigan ng ganun bago muling tumingin saking pinsan.
Hindi pa ako mapapansin ng sarili kong pinsan kong hindi nya pa nasundan ng tingin ang kasa-kasama niyang kaibigan. At nang tuluyang makita ako agad na sumalubong ang mga kilay nitong nakatingin sakin ngayon. Kung kaya't pakiramdam ko ipapahiya pa ata ako ng pinsan ko sa harap ng magaling niyang kaibigan.
"San kana naman ba galing at palaging huli kana kung umuwi sa bahay huh?" muli na namang tanong nya sakin.
"Ah, d-diyan lang Kuya~"
"Saang diyan lang Shani? Sabihin mo nga sakin... May kinikita ka bang lalaki huh?" tanong nya sakin na nagpalaki ng mga mata ko.
"Huh? W-Wala noh! Ano kaba Kuya Thaddeus! Bakit ayan agad ang iniisip mo?" hindi ko na maiwasang magsalita.
"Kung ganun bakit ka late ng umuwi? tapos kahit sila Sachi at Allora na mga kaibigan mo hindi alam kung nasan ka? So ano sa tingin mo ang iisipin ko huh? Segi nga?"
"Wala kong kinikitang lalaki, okay? Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin."
"Bakit? Mukha bang polluted ang lugar ng Almagro Shani?" tila wala na sa mood na ani ni Kuya Thaddeus.
Agad akong natahimik ng balingan ko ng tingin ang paligid naming napapalibutan ng mga puno sa paligid. Well this is a province so ofcoarse sariwa talaga ang hangin dito Shani! Ghad naman! gagawa kana lang ng excuses mali pa!
"Ah basta! Hindi ako nanlalaki noh!" ani ko agad.
Saglit ko pang nahagip ang paninitig ni Nedrick saming dalawa na magpinsan habang nagtatalo sa harapan niya, kung kaya't nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya agad kong binaling ang sarili ko sa mga bitbit ko na mga gamit bago ito ipinasok sa loob ng kotse.
Nang makapasok na rin sila pareho ni Nedrick ay agad na inumpisahan ni Kuya Thaddeus ang pagmamaneho pauwi ng bahay. Pero bago pa man ito umandar may kung ano na namang salita ang binitawan nito sakin.
"Ayusin mo ang mga pinag gagawa mo Shani, dahil sa oras na malaman nila Tito na may kung ano-ano kana namang ginagawa. Sinasabi ko sayo baka dika na ulit makabalik pa ng Almagro." ani ni Kuya Thaddeus bago tuluyang paandarin ang sasakyan.
Kita ko mula sa front view mirror ng sasakyan ang pagdapo ng tingin ni Nedrick sakin matapos sabihin sakin ni Kuya Thaddeus iyon. Agad akong nagiwas ng tingin, At nagkunwaring nagbibilang ng mga punong madadaanan namin. Damn! Muntik na niya kong mahuli!
YOU ARE READING
DATI
Teen FictionMay mga Dati na mahirap ng balikan. Mga Dati na magsisilbi na lamang alaala mula sayong puso't isipan. At Mga Dati na sa huli, ay magsisilbi na lamang isang nakaraan.