Chapter 1: Human

158 76 72
                                    

Third Person's POV

Sa gitna ng malalim na gabi, makikita ang isang bilog na lawa. Kumikinang ang asul na tubig nito dahil sa mga alitap-tap na lumilipad sa paligid at dumadapo sa mga punong matatagpuan sa palibot ng lawa.

Maririnig ang kalansing ng maliliit na sleigh bells na tila ay polseras na siyang nakadikit sa mga ring na gawa sa bakal. Suot ito ng isang dalaga sa bawat kamay at paa niya.

Sa ibabaw ng tubig, ang mga talampakan niya ay marahang tumatapak ng hindi lumulubog. Tila isa siyang dahong sumasayaw sa ibabaw nito at masayang nanonood sa kaniya ang buwan at mga bituin.

Dala ng hangin at paggalaw niya, sumabay ang hanggang binti niyang makapal, malambot at napakagandang puting-pilak na buhok. Dumagdag pa ang bistida niyang kulay puti na umaabot sa kaniyang talampakan at bahagyang bumubukadkad sa tuwing siya ay iikot.

Nakapikit ang mga mata ng dalaga at dinadama ang katamtamang init at lamig ng hangin. Ang mga alitaptap ay nakikisabay rin sa kaniya. Isang napakagandang tanawin kung titingnan. At napakagandang tunog ng mga kalansing kung pakikinggan.

Ngunit nakapikit man ay alam at nakikita niya ang imahe ng nasa paligid niya. Malinaw na naririnig ng kaniyang mga tenga ang mahihina at mararahang ingay sa paligid.

Isang maliit na nilalang ang nanood sa kaniya. Babaeng may patusok na tenga at maliliit na tattoo ng mga dahon at bulaklak sa tapat ng sintido. Ginagaya nito ang sayaw ng dalaga na nasa gitna ng lawa habang siya ay nasa damuhan. Wala itong pakpak ngunit siya ay nakalilipad.

Muling maririnig ang kalansing ng mga sleigh bells. Ang ilang mga petals na nagsipaglaglag sa lupa ay umangat sa ere at lumipad patungo sa dalaga. Ang asul na petals ay umiilaw na asul.

Umikot sila sa babae at maya-maya ay biglang nagbago ng anyo. Ang asul na mga petals ay naging mga tubig na hugis faeries. Mahihinang tumatawa ito na tila ba ay kay sasaya nila.

Kay ganda nilang masdan ng magkasama. Tumunog muli ang mga sleigh bells. Sa isang iglap ay biglang kumalat sa himpapawid sa dalawang grupo ng maliliit na nilalang. Hinarap ng mga ito at linipad ang patungo sa isat-isa.

Kumalansing muli ang sleigh bells. Nagbunggo ang dalawang grupo at sumaboy sa ere. Ang pinagsama nilang mahika ay naging tila maliliit na kristal na umiilaw. Dinampian ng ilan sa mga kumikinang na iyon ang ilang bulaklak, dahon ng mga puno, at damuhan. Maging sa tubig ay sumisid din ang mga ito at tila ay naging basbas sa buong lawa.

Tumunog ng huling beses ang sleigh bells at tumigil sa pagsayaw ang dalaga. Dalawang segundo ang lumipas ay nagbitaw ito ng hininga. Kalmado niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Makikita duon ang asul na asul na kulay na animo'y may kalaliman na parte ng dagat.

Ipinitik niya ang kaniyang mga daliri at biglang nawala ang mga liwanag na nagkalat kanina lamang. Matapos ng ginawa ay tumingin siya sa maliit na nilalang na kanina pa siyang hinihintay na matapos.

NAGLALAKDA ang dalaga at kasama nitong nilalang na matatawag na isang Faerie. Ang paligid ay bahagyang pinaliliwanag ng mga hindi kilalang animoy alitaptap sa paligid. Ngunit ang mas nagbibigay ng linaw sa paligid ay ang lamparang hawak ng dalaga.

"Masyadong maliwanag dito." wika ng dalaga. At kung hindi lamang siya kilalang-kilala ng kasama ay baka nawalan na ito ng boses dahil sa nakakakilabot na lalim at lamig mula sa boses nito.

The Eternity's Lie 1: Knight's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon