Chapter 2: Nevin's Departure: I'll wait for you

113 72 51
                                    

Third Person's Pov

There ya go! 2 giant steins of beer!”

“Is there any room for anymore?”

“Miss, isang special meat pie dito!”

“Yes! Special meat pie, coming right up!”

Dinig na dinig ni Norn ang ingay ng ibang costumer sa loob ng tavern na iyon. Kaunti lamang ang naririto kaya halos mag echo sa buong taberna ang boses nila. Samantalang ang mga tagasilbi o taga kuha ng mga pabili naman ay nagmamadali sa pagkuha ng nais ng mga ito dahil sa lalakas nilang kumain at uminom ng alak.

Walang limitasyon ang taberna na iyon. Ang mga kagamitan nila ay purong gawa sa bakal at kahoy. Konting mga suki mapa babae at lalaki. Ang ilan ay dumadayo upang kumain habang ang iba ay upang magsunog-baga.

Ngunit meron namang pumupunta duon na hindi ganun ang dahilan. Naparuon si Norn upang muling tikman ang masarap na wine na siyang bihira para sa isang taberna na ipagbili. Labing-pito pa lamang siya pero hindi naman yun ganun kahalaga dahil para sa kanya ay wala ng saysay ang edad kaya hindi na iyon ang basehan niya sa araw-araw niyang buhay.

Hawak ang librong kaniyang kasalukuyang binabasa ay naka-upo siya sa pang-isahang taong pwesto. Katabi ito ng bintana kung saan matatanaw mo ang iba pang mga tindahan na nasa labas nito at ang kalsadang dinadaanan ng mga tao.

Nine Lives’ yun ang pamagat ng librong binabasa niya. A book about lives that no one had ever thought that it would turn them asking: who would die next? It was a good story indeed.

“Ang ibang mga tao talaga, hindi mo alam kung anong pumapasok sa isip nila para magkaroon ng lakas ng loob na magdesisyon sa magiging kapalaran ng isa pang tao.” wika ng isang babae kasunod ng pagpatong ng isang platito ng tinapay sa lamesa ni Norn.

Inangatan niya ito ng tingin. Isang babae na mas matanda sa kaniya, subalit hindi nalalayo ang edad ang siyang sa kaniya ay nakangiti.

"Al-haia." Mahinang banggit niya sa pangalan nito. Kilala niya ang babae. kilalang-kilala rin siya nito. Halos nasaksihan na rin ni Al-haia ang paglaki niya.

Pinanood niya itong lumakad paalis at kumiha ng iba pang pagkain bago ito dalhin sa isang grupo ng mga kalalakihan. Apo ito ng may-ari ng taberna. Ipinamana lamang rin ito ng lolo ni Al-haia dito na siguradong ipamamana rin sa ama ng babae.

Kinuha ni Norn ang bote ng wine at isinalin sa baso ang natitirang konti nitong laman. Ininum niya iyon habang nakatingin sa mga taong nasa labas at tila may tinitingnan sa isang direksyon na hindi na abot ng kaniyang tingin dahil sa bintana.

Huy, nandyan ang mga Sirius. Mukhang magkakasiyahan na naman sila rito sa downtown. Takaw atensyo na naman mula sa atin.” agad na wika ng isang lalaking bagong dating sa tatlong lalaking nag-iinom.

“Ang mga Sirius Knights? Ayos! Masisilayan ko na naman ang mapuputi at makikinis na katawan nilang lima.” manyak na wika ng isang kabayong lalaki. O kahawig nya lang?

“Pero bakit kasama pa ang mga lalaki? Sagabal lang sila sa magandang tanawin.” wika naman ng lalaking siguro ay may lahing toro.

Norn stood up and put the book she's holding inside her messenger sling bag. Naglakad siya at lumabas ng bar. Nagkakagulo pa rin ang mga tao ngunit walang paking nagpatuloy lamang siya sa paglalakad.

The Eternity's Lie 1: Knight's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon