Chapter 3: The Wendigo's Attacked

90 66 28
                                    

Warning: This chapter contains explicit language, graphic violence, and disturbing horror elements. Reader discretion is advised.

Third Person's POV

It was a chilly afternoon. Norn is silently sitting on her chair in front of a study table. Ang mga mata niya ay gaya ng langit sa gabi ngunit walang kislap, walang bituin o buwan man lang para magbigay liwanag. Her eyes were lifelessly staring at a family picture.

Litrato nila ito ng kaniyang pamilya. Sa harap ito ng bahay kinunan nung siya ay Eksaktong pitong taong gulang. Naka-akbay sa kaniya ang kaniyang kapatid na siyam na taon naman ng mga panahon na yun. Nasa likod nila ang kanilang mga magulang.

Naka-ngiti siya sa litratong ito bago sila umalis nun papunta sa downtown. That was the sweetest smile you would ever seen from her. She was hugging her brother and showing how she love him as much as he does.

Inabot niya ng kaniyang kamay ang litrato at marahan itong itinaob sa lamesa. Matapos ay tumingin siya sa may kakapalang sulatan. Para lamang itong libro ngunit wala nga lamang mga sulat sa loob. Kulay pula ito at may tila belt ang nagbibigay sarado rito. She get the quill pen. It's a writing tool which is made from a flight feather of a large bird. Kumiha siya ng ink mula sa lagayan nito at saka nagsulat.

Isa itong pagtatala ng pangyayari sa kaniyang buhay ngunit, maaari mo rin itong makita sa parang tila ay sinusulat niya ito para isang tao. Pero, hindi tayo sigurado. Hindi siya sigurado.

Isinarado niya ang kwaderno at tumayo. Matapos ay naglakad siya sa palabas ng kwarto upang pumunta sa kusina at uminon ng tubig.

Nang hapon na iyon ay lumabas si Norn ngunit hindi kasama si Misha dahil may pagtitipon itong kailangan puntahan. Isang tradisyonal na gawain ng mga faerie at pag-usapan ang kondisyon o pamumuhay ng bawat isa. Nagtungo si Norn sa downtown upang uminon muli ng wine sa Tavern. Tulad ng dati ay pumwesto siya sa lagi niyang inuupuan at nagsimulang magbasa ng libro.

"Hoy. Narinig mo na? Umaatake raw ang mga wendigo sa bungad ng bayan." wika ng isang may edad na lalaki mula sa katabi niyang lamesa.

Wendigo. Fearsome beast that stalks and eats humans or as a spirit that possesses humans, causing them to turn into cannibals. Their skin's pulled tightly over its bones. With its bones pushing out against its skin, its complexion the ash-gray of death, and its eyes pushed back deep into their sockets, the Wendigo looked like a gaunt skeleton recently disinterred from the grave.

"Mga wendigo? Seryoso ka? Nitong nakaraang taon lang ay hinuli na silang lahat, hindi ba? Dapat nga ay pinaslang na lamang sila dahil pumapatay at nangangain sila ng tao." tugon naman ng isa na tila ay nagulat sa nabalitaan.

"Shh. Hinaan mo lang. Totoo ang mga sinabi ko. Nagtataka nga ang lahat kung paanong nagkaroon ulit samantalang wala namang nakatatakas sa kulungan. Pero hinala ng marami ay may pinagtataguan ang angkan ng mga ito at patuloy na nagpaparami!" naiiling na anito.

"Kung ganun, ngayon, nasaan na sila?" tanong ng lalaki ngunit bago pa man makasagot ang kasama ay may narinig na silang sigawan sa labas.

The Eternity's Lie 1: Knight's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon