hi, i'm back after almost two years.
enjoy.
****
"Uy, Ans!" tawag sa kanya ni Dan nang makarating siya sa 2nd floor lobby ng CAL. Anya stopped in her tracks and did a double take. She was surprised to see Andreau, Dan, and Badz outside their classroom three minutes bago ang KAS 1 recit nila that afternoon. "Tara sama ka sa 'min," nakangiti nitong aya sa kanya.
She shot the three guys with a confused look. "Huh? Saan naman? May klase ta-"
"Grabe naman talaga si my friend, ang studious!" natatawang sabi ni Dan sa kanya. "Free cut tayo ngayon sabi ni Sir Tamayo."
Napasilip tuloy siya sa classroom nila and to her surprise, wala ngang tao sa loob. That was weird. Nagsasabi naman si Sir Tamayo a few hours before the class kung free cut sila for the day, at kung tama ang pagkakaalala niya, wala namang pinost ito sa kanilang Facebook group. But still, she turned to Andreau for confirmation.
"Di nga?"
Andreau nodded in reply. "May family emergency daw siya. Kaka-announce lang ng student assistant niya 10 minutes ago."
Oh nice. Nakahinga nang maluwag si Anya sa balita. Blessing in disguise pala itong free cut this afternoon. Sa wakas, mapapaaga ang uwi niya today at makakapag-nap pa siya sa dorm bago ang pinaplano niyang all-nighter for her long quiz on Friday. Hindi na niya kailangang umabsent pa bukas sa unang lecture class!
Anya sighed at inayos niya ang pagkakasukbit ng tote bag sa balikat niya. "Ah great! Thanks ah. Pa'no, una na-"
"Oy ba't uuwi ka kaagad?" pigil ni Badz sa kanya, offended sa reaksyon niya sa free cut. "Sama ka na sa 'min."
"Magre-review pa a-"
"Ans my friend naman! Sama ka na sa 'min, dali!" pagpupumilit ni Dan sabay hawak sa tangkay ng tote bag ni Anya, a lame attempt para pigilan siyang umalis. "Minsan na nga lang magpa-free cut si Tams! Abusuhin mo na!"
She suddenly felt uneasy. Bilang lang sa isang kamay ang beses na umabsent niya sa tanang buhay niya-all of which were due to illness-at kahit na free cut ito, it kinda felt wrong umalis siya para gumawa ng non-academic stuff. "Saan naman tayo pupunta?" maingat niyang tanong.
"Saan pa ba e 'di sa Araneta!" nakangiting sagot ni Badz, at muntikan nang matawa si Anya dahil nagniningning ang mga mata nito sa excitement. Nagpalitan pa sila ni Dan ng excited na tingin. "May game sina Lee ngayon, 'di ba?"
Anya couldn't help but grimace at that. Two years na siyang estudyante ng unibersidad pero hindi pa rin niya mahanap ang pake niya sa UAAP. "Oh, right," she said slowly, eyeing her friends with regard. "Uhh kayo na lang manood. Hindi naman ako mahilig sa basketball eh."
"Nyay nasaan ang school spirit mo, Ans?"
"Mananalo naman ba?"
"Aba malay mo manalo tayo mamaya, lalo na pag nakita ka ni Lee sa audience." Dan smirked, wiggling his eyebrows. "Ano, tara na? Pahinga ka muna sa review mo. Ikaw naman ang magta-top dyan for sure."
There was that weird unsettling feeling in her stomach again nang marinig niya ang pangalan ni Lee sa isang sentence na kasama siya sa context. Sa puntong ito ay dapat hindi na bago kay Anya ang pang-aasar ni Dan sa kanila ni Lee, but after that thing at the library last week, nag-iba ang pakiramdam niya sa sitwasyon na 'to. All she could remember was the sad smile on Lee's lips after niyang i-reveal na si Dan ang sa tingin niyang tipong lalaki ni Anya. Bihira siyang ma-bother sa micro expressions ng ibang tao, but damn, she couldn't shake off that frown for some annoying reason. Yeah, annoyed siya kasi duh, magsu-suggest ng gano'n tapos may lungkut-lungkutang effect pa!? Ano bang gustong ipahiwatig ng epal na 'yon, ha? Fine, she hasn't had much experience with guys and romance, but she knows mind games when she sees one. If that was Lee's way to get under her skin...sobrang effective no'n at hindi siya amused. At all.