Chapter 4 - Sampo
Rumi's Point of view
Tahimik akong nakarating sa dorm ko. Limilinga-linga pa ako sa paligid ng makataas ako dito. Nakita ko sa di kalayuan si Rain, kumakatok ito sa pintuan ko, aalis na sana ito ng tawagin ko sya, nakangiti syang humarap saakin, kahit na binabalot pa akong ng pangingilabot ay ngumiti na rin ako pabalik.
"Saan ka galing? Alas-otso na ng gabi, delikado sa labas paano kung liparin ka ng manananggal?" Marahang akong tumawa sa sinabi nya.
Pumasok na ako sa dorm ko at sumunod naman sya. Nagpalit muna ako ng damit sa kuwarto ko at nang pagkalabas ko ay nakaupo sya sa sofa habang nagbabasa ng magazine
"Saan ka galing at huli kang nakauwi?" Sandali naman akong napairap sa kawalan. Nang makaupo ako sa kabilang sofa ay napatingala ako.
"Woi." Tumingin naman ako sakanya at itinaas ang kilay ko
"Bakit?"
"Lutang ka ba? What happened to you?" Napatingala ako sa kisame at ipinikit ang mata ko, muli ko nanamang naalala ang nasaksihan ko kanina.
Napamulat ako ng mata dahil sa pangingilabot na nararamdaman ko, pumapasok bigla-bigla sa isipan ko kung paanong sasaksakin nya ang lalaki na halos bumuka na ang tiyan at ang ginawa nyang pagbaon ng kutsilyo sa mata ng kanyang biktima.
"Are you okay? You look pale." Napaharap naman ako sakanya
"You said, you study here because of curiosity right?" Tumango naman ito.
"What makes you curious here?" Tanong ko muli sakanya, nakaharap ito sa book shelves na nasa harapan namin ngayon, ngunit kita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.
"Nothing, i just feel that there is something special about this school. that the school is hiding something. Cool right?" Damn, this is not cool, because what I witnessed earlier made me almost sick.
Wala akong balak sabihin sakanya ang nakita ko kanina, dahil sa nakikita ko sakanya tiyak na lalabas pa sya para alamin kung totoo ang sinasabi ko, Baka malagay pa sya sa panganib at hindi iyon kakayanin ng konsensya ko.
"By the way what section you are? Nakalimutan kong itanong sayo. Tulog ka pa ata kanina nung kumakatok ako."
"Last section. Section Zero." Napaharap ito bigla saakin, nanlalaki ang mata habang nakaawang ang bibig ang kanyang kamay ay nakalagay din sa kanyang dibdib.
"What?! I've heard so many rumors about that section." I know those are just insults for them. I am sure that section is not doing anything wrong.
"What rumors?"
"Na patapon ang section na yan, basagulero, walang pinagaralan at mga walang modo. You are not safe there Eizlyn they are all boys what if they harm you? Boys are dangerous, we don't know what's running in their mind. You want me to talk to the principal? Gusto mo bang ipalipat kita?" Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa Section Zero. Nasisiguro akong binabahiran lamang nila ng dumi ang images ng mga ito.
"I can handle my self, besides I can also protect my self, you dont need to worry about me." Nakangiti kong ani.
"Basta kung may mangyaring masama ay sabihin mo kaagad saakin." I can sense the seriousness in her tone.
Walang mangyayaring masama saakin doon, kahit na ilang oras pa lang kami nagkasama kanina ay alam kong mabubuti ang loob nila, at hindi nila kayang manakit ng taong walang atraso sakanila. At isa pa naroon ang mga pinsan ko, hindi nila ako pababayaan.
YOU ARE READING
La Nueba Unibersidad: Last Section
Mystery / ThrillerUpon returning to the Philippines the family's hidden secret will be discovered.