Prologue

380 8 4
                                    

Nakangiting nakatingala ako sa maaliwalas na kalangitan habang sinasamyo ang malamig na simoy ng hangin.

Nasa may burol ako at tinatanaw ang maaliwalas na paligid at kalangintan, masarap ang simoy ng hangin at hindi gaanong masakit sa balat ang sikat ng araw dahil umaga pa naman.

"Ang sarap ng hangin." marahang usal ko.

"Amaury... Umuwi kana..." napilingon ako sa baba ng burol saka napangiti ng makita ang tiyahin ko na tinatawag ako.

"Opo..." kinuha ko ang isang bayong saka bumaba sa burol.

Ako si Amaury Fuego, labing walo na ako at nakatira sa bayan ng Juliana nag iisang anak lang ako sinasabi ng iba na ulila na ako pero ang totoo nyan iniwan ako ni Nanay at sumama sa isang lalaki sa Syudad.
Kapatid nya ang tiyahin ko at pinunan nila ni Tiyo ang mga pagkukulang ng mga magulang ko.

Sa simpling buhay ay masaya na ako, hindi na ako nag aaral dahil narin sa sobrang hirap ng buhay namin.

May konting tindahan si Tiya pero sapat lang iyon para makakain kami sa araw araw.
Masaya naman ako at nakapagtapos ako ng Highschool.

"Kumain kana dyan at paroroon pa tayo sa bayan." usal ni tiya ng makarrating ako sa bahay.

Nakangiti akong lumapit sakanya saka niyakap ang braso nya.

"Hihi... Tiya kailan tayo bibisita kay Lola?" nakangiting tanong ko tinignan nya ako saka napailing.

"Hindi muna sa ngayon dahil wala pa tayong pera papuntang Sta. Laura." nilingon ko si Tiyo na nagsisibak sa labas.

"Hala segi na kumain kana mayroong konting gulay dyan, hihintayin nalang kita." nagmadali akong kumain sa maliit naming lamesa.

"Kumain napo ba kayo ni Tiyo?" inaayos nya ang mga libro sa may tabi saka sandaling tumango.

"Nauna na kami dahil kanina pa kita hinahanap... Ano ba naman kasi ang ginagawa mo sa burol?" takang tanong nya saakin kaya matamis akong ngumiti sakanya.

"Tiya... Gusto ko lang po talaga doon, alam nyo namang hilig ko ang pag punta doon." nakangiting sabi ko sakanya kaya nakita ko ang malakas nyang pagbuntong hininga.

"Ikaw talagang bata ka.. Baka madulas ka doon at bumagsak sa ibaba, mag iingat ka sa pag akyat baba doon at may mga malalaking bato doon." pangaral nya saakin kaya tumango tango ako kay tiya habang malapad na ngumiti sakanya.

"Opo Tiya.. Segi na po.. Susunod nalang ako mamaya sa bayan." napailing nalang sya saka ako tinitigan.

"Sumunod ka agad.." bilin nya saakin saka lumabas at nakipag usap kay Tiyo.
Narinig ko pa ang huling paalam nilang dalawa bago naging tahimik ang buong paligid.

Masaya akong kinain ang mga pagkaing niluto ni Tiya, wala man akong kinagisnang tunay na ina ay hindi ko naman yon kailanman naramdaman dahil sa labis labis na pagmamahal at pag aalaga nila saakin ni tiyo.

Nakangiti kong pinagmasdana ang magandang tanawin mula sa bintana.
Malamig ang simoy ng hangin at nag aawitan ang mga ibon sa labas kaya mas natutuwa ako.
Sa simpling buhay dito sa bayan ng Juliana ay kontento na ako.

Bata palang ako ng magawi sa bayan ng Sta. Laura dahil masyado itong malayo sa Bayan ng Juliana at maypagkamoderno narin ang pamumuhwy doon kaya naman hirap kaming makipagsabayan sa pamumuhay sa bayan na iyon.

Naligo muna ako at nagbihis, sinoot ko ang puting damit at ang dilaw kong saya at tinali ang mahaba kong buhok.
Tumingin ako sa may kalumaan naming salamin at banayad na ngumiti doon.

Marami akong oangarap sa buhay at isa na roon ang mabigyan ng magandang buhay sila Tiyo at Tiya hindi dahil malaki ang utqng ng loob ko sakanila at gusto kong bayaran yon kondi dahil mga magulang ko sila at isa akong anak na nangangarap mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Amorous ProbinsyanaWhere stories live. Discover now