Chapter 16 : Happy, Sad, Tragic

52 4 1
                                    

I am Moriseth Abueva. I once fell in love with a girl named Alexandra Ventura. At first, I was confident because I was hoping she would like me back. And I am holding on to that small hope as each day passes. But everything became a blur when I saw how exactly he looked at her. I guess I know now why she never held my hand the way I held hers, so tight. But she deserves all the happiness in the world, I thought. Yes, but not in front of me.

Sometimes, life leads you down to a different road when you're holding on to someone that you gotta let go. Someday you'll see the reasons why. Yeah, sometimes there's good in goodbye.

"Seth ilang araw ka ng tinatawagan nitong babaeng to, ah? Bat di ka pa pumayag makipagdate?" Pagrereklamo ng kabanda kong si Gab.

"Hayaan mo siya. Magsasawa din yan." Pabalik kong sagot.

Nandito kami sa studio namin. Chilling. Nakakabored dito at wala akong mapagtripan. Ang sarap mambully ngayon kaso tinatamad ako eh. Ang sarap lang manapak.

"Pasindi nga nito." Sabay abot ko kay Gab ng Cigars ko. Nakakawala talaga 'to ng stress. Kaya mahal na mahal ko 'to eh.

Nagbakasyon ako ng 2 months sa New York dahil may bahay kami dun. Nandon sila lahat. Sila Mama pati mga kapatid ko. Doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. At sinisigurado kong pagbalik ko ng Pilipinas, hindi na ako yung dating Seth. Hindi na ako yung dating kinakawawa nila. Para sa sarili ko 'tong ginagawa ko. Marami akong na-realize sa loob ng 2 months sa New York. Pero nung bumalik ako at nakita ko ulit silang dalawa na magkasama, shit! Para akong unti unting nabibiyak ulit. Feeling ko ako yung taong nadaya sa isang laro at umuwing talunan. Pero kailangan kong ipakita na matatag na ako. Na kaya kong ipagpatuloy ang buhay ko kahit wala sila.

Hindi naman kasi lahat ng bagay na gusto mong mangyari ay mangyayari. Hindi mo pwede ipilit. Oo hindi mo sya pwedeng pilitin na mahalin ka, pero pwede mong ipamukha sa kanya kung sinong sinayang nya. Kaya ko ba 'yon? Kaya ko bang patunayan 'yon? Alam ko sa sarili ko na makita ko lang sya, baliwala na lahat ng pinaghirapan ko. Move on? Fuck that word! Lolokohin ko lang sarili ko kung sakaling gawin ko 'yon.

"Seth papicture naman!"

"Seth pakiss naman one time lang!"

"I love you Seth! Pakasal na tayo!"

Nakakairita yung mga babaeng andito sa loob ng Resto Bar. Kala naman nila papansin ko sila. Kahit sa school andaming babaeng tumatawag sakin di ko naman sila kilala. Kaya minsan napapaaway ako eh. Sumusugod yung mga boyfriend nila sakin. Kasalanan ko bang magustuhan ako ng mga girlfriend nila?! Mga gago. Isang babae lang ang pwedeng maka-agaw ng atensyon ko. Pero hindi na mangyayari 'yon.

"Seth bakit di mo pinapansin yung mga fangirls mo? Nagpapapicture oh kawawa naman." Sabi ni Mel na kabanda ko din.

"Yaan mo. Makakalimutan din ako ng mga 'yan." Walang emosyon kong sagot.

"Bitter." Pagsagot ni Gab. Di ko nalang sila pinansin. Totoo naman yung sinabi ko.

Nagtaka ako nang sabay sabay silang tumingin sa isang table don sa resto bar. Si Alex.. wala syang kasama. Parang may hinahanap. Nagtama ang paningin namin at agad syang ngumiti. Damn I'd give up everything just to see that smile everyday.

"Seth, can we talk?" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya akin. At.. niyaya nya akong makipag usap!

"About what?" Walang gana kong sagot sa kanya.

"About us. About everything." Sagot nya. Ayoko. Ayokong balikan ulit lahat. Lahat ng sakit na naramdaman ko noon. No, I won't talk to her.

"What now Alex? Are you playing push and pull with me? Nakita mo lang na may mga naghahabol sakin now you're declaring na bumalik ako sayo? You are so impossible."

"No, Seth. Mali yang iniisip mo! I badly want to talk to you, really." Nakita ko ang mukhang nyang papaiyak na. Kaya tumango ako. Lumabas kami sa garden malapit sa isang resto bar.

"Alex, alam ba to ng boyfriend mo? Ni Fitz?" Tanong ko sa kanya.

"What? He's not my boyfriend Seth! Magkabanda pa rin kami. No strings attached."

Nagulat ako sa sagot nya. Buong akala ko sila na ni Fitz. I thought they're living the best of both worlds. I felt those butterflies again in my stomach. Fuck. Now I hate butterflies!

"Seth I am still confused. I missed you so much." Niyakap nya ko pagtapos nyang sabihin 'yon. Kung ako pa rin ang Seth noon, siguro bibigay ako agad at tatanggapin sya. Pero hindi. I'm pretty sure of where will this end kaya pinigilan ko ang sarili ko.

"No, Alex. I can't be with you." Sabi ko at tinanggal ang pagkakayakap nya.

"I missed us, Seth. I missed you. I don't know why I'm feeling this but please be with me again. I can't stand you being cold Seth. I know deep down you're still you. Please Seth be with me again."

Niyakap ko sya pagtapos non. Shit. I love this girl so damn much! This time, I'm really gonna own her. You are so wrong Fitz. She's mine to begin with.

George Fitz Quinto's POV

"Jazz have you seen Alex?" Tanong ko sa kanya. Kanina ko pa hinahanap si Alex. Sabay kami lagi umuuwi pero ngayon nawala sya bigla. Nandito kami ngayon sa Resto bar nila. Pagtapos namin magperform ay umalis sya. Saan pumunta 'yon?

"Baka naman umuwi saglit. Napagod." Sagot ni Jazz. Hindi. Hindi pwedeng umuwi bigla si Alex ng di nagpapaalam sa amin.

"Nabanggit nya kaninang pupunta sya sa kabilang resto bar. Kakausapin yata si Seth." Singit ni Johan na nakikipagusap sa mga babae nya.

Shit! Pinuntahan ko agad ang bar na sinasabi ni Johan pero napatigil ako nang makita ko sila. Nasa garden sila nung resto.. magkayakap. Ganito din yung pwesto kung saan binigyan ko ng kwintas si Alex noon. Ginagantihan nya ba ko? Sinasadya nya ba? Shit. Kung ako ba yung nawala ako ba yung pipiliin nya? Fuck! I hate this life.

Lumapit ako sa kanila kaya natigilan sila sa paguusap.

"I'm sorry Fitz. I'm really sorry." Yun lang ang sinabi ni Alex pero hindi ko alam kung bakit biglang gumuho ang mundo ko. I guess life isn't really fair.


Finally, they already have the happy ending they've been waiting for.

Heartbreak GirlWhere stories live. Discover now