Chapter 27

1.4K 64 7
                                    

A.N of PV: Salamat po sa pagbabasa ng story ko at sa mga nagvote. :)

Dedicated to Jenn_ARU. Salamat kasi napasaya mo ako sa message mo.


 

Wallace's POV


Nagulat ako sa ginawa ni Tiffany, bakit naman niya ako niyakap? Dapat kay Harrence na lang gustung-gusto naman ng mokong eh. Pero sa tono ng pananalita niya, at sa emosyon na ipinapakita niya, parang ayos lang na yakapin niya ako. May parte sa akin na nagsasabing itulak ko siya palayo, tinignan ko si Hyacinth at nakita ko saglit sa kanyang mga mata ang lungkot. Dahil ba iyon sa akin? Itulak ko na kaya tong si Tiffany?



Aish bwisit! Hindi sana ako nalilito sa kung anong gagawin ko kung si Hyacinth ang yumakap sa akin—, nevermind. Tumingin ako kay Harrence at tumataas-baba ang kilay ng mokong, alam ko na sinasabi niya sa utak niya na ang swerte ko dahil may bababeng yumayakap sa akin.



"Tiffany? Bi-"panimula ko, gusto kong bitawan na niya ako. Masama naman kung itutulak ko siya kaya sasabihin ko na lang sa kanyang bitawan mo ako.



"Hayaan mo na lang muna siya, kailangan niya yan"sabi ni Hyacinth na halata ang lungkot sa boses.. Nakokonsensya tuloy ako na ewan, baka kaya lang siya malungkot kasi naaawa siya kay Tiffany.



Hinayaan ko na lang muna si Tiffany at biglang may humatak sa kanya palayo sa akin, si Tristein, ang pinsan niya.



"Sorry kung nayakap ka niya, salamat sa pagbati niyo sa kanya"sabi niya.



"Sorry pala, hindi ko sinasadya"sabi ni Tiffany at tinanngap niya ang ibinigay naming pagkain at inumin. Tapos umalis na sila, buti na lang at hinatak siya ni Tristein.



"Nice one, ang swerte mo dude"sabi ni Harrence at kinotongan ko naman siya, loko eh.



Tinignan ko si Hyacinth na mukhang malungkot, parang gusto ko siyang yakapin, pero nakakahiya. Ang bakla naman, yakap lang naman, may kakaiba kasi akong nararamdaman sa kanya. Napansin ko ng nakatingin siya sa akin, kaya hindi ko na napigilang yakapin siya. Wala na akong pake sa magiging reakyon ng baliw na si Harrence.


Hyacinth's POV

Buti na lang at hinatak ni Tristein papalayo si Tiffany kay Wallace, para hindi na tumagal ang pagyakap niya kay Wallace. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin.


Bigla akong sumaya dahil doon at may kakaiba na naman akong naramdaman sa tiyan ko. Nagwawala ba yung mga sawa ko sa tiyan dahil sa gutom?



"Let's stay like this and hug me back. Ayokong makita kang nalulungkot, sana mapasaya kita sa yakap na ito"sabi niya. Kusang gumalaw ang mga kamay ko at niyakap ko rin siya kahit na nakakahiya, kasi nandito pa sina Yeisha, Harrence, at Terrence. Hindi mo lang alam pero napasaya mo na ako sa yakap mo. Pero nakakahiya kung sasabihin ko pa. Yung pakiramdam na parang kaming dalawa lang yung tao dito, tapos naamoy ko pa siya. Ang bango, amoy lalaki siyempre, *sniff* para akong sniffing dog.

Her First Love in Jail [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon