"I've given you all enough time to do this task, this very very simple task, and months have passed since I gave you this, yet even one of you couldn't hand me this project?? Graduating na, mga iresponsable pa. I am very disappointed!" It was one in the afternoon and I feel like dozing off, all I can hear was this voice of hers, scolding.
"ma'am someone has already done the project but is shy to approach."
"why?"
Ang arte naman nitong si ma'am. Filipino ang subject namin sa pagkakaalam ko e.
"oh why daw, why?" nagtutulakan pa sila sa likod ko, nagtuturuan kung sino ang lalapit. Meron na rin naman akong maipapasa pero hinihitay ko pa kung sino ang mauuna para hindi masiyadong mapag-tuunan ng pansin 'yong gawa ko. Ako nanaman ang gagawing bida ngayon pag nagkataon.
nainis na ako nang ilang minuto na ang lumipas e nagbubulungan pa rin 'tong mga nasa likod ko. Kaya sa inis ko ay ako na ang naunang lumapit at doon sila saka sabay sabay na nagtakbuhan palapit. Andami pala namin at talagang nag-papakiramdaman lang sa kung sino ang unang mag-papasa.
"Oh tignan mo! andami naman palang may gawa, mga nag-hihintayan lang, aba bakit? kakagatin ko ba kayo? sows!" pinag-compile niya na isa-isa 'yong mga papel at saktong tumunog ang bell. naghiyawan pa 'yong iba kaya napagalitan sila at pinaglinis ng room.
Break-time na namin kaya naman halos mag-unahan na sa paglabas ang mga kaklase ko. Pumunta lang ako ng field para sana maghilamos, nakakain na naman kasi ako bago 'yong class kanina. Sinadya ko talaga 'yon kasi baka may biglaang training kami nila coach, edi may 2 hrs before training, natutunaw na mga kinain ko. Natigilan ako nang may biglang tumawag sa'kin mula sa malayo. Si coach pala.
Agad kong nasalo ang bola nang ihagis niya 'yon sa'kin, Ibig sabihin may training nga kami mamaya after class. "3 pm" aniya saka ako tinalikuran.
hinanap ko na lang ang mga kaibigan ko sa field nang wala akong mapag-tuunan ng pansin. "dito elias!" hinagisan nila ako ng tubig na nasa plastic bottle nang palapit na ako. Mainit kasi ngayon, tirik na tirik ang araw kaya naman binigyan nila ako.
"may chix oh!"
"saan?" binatukan nila ako agad nang umakto akong hinahagilap ko nga kung nassan ang tinutukoy nila. "saan ang pake ko?" nagtawanan sila pero ako hindi. seryoso lang ang mukha ko. Normal na 'yon.
"oo nga pala, si sharmaine? yung shota mo wendell? kumusta kayo?"
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Quarterback
RomanceElias Camiro Alejo, an athlete from the football field has always been eager and determined to his goal and would be willing to fight just to claim what he set his goal for. Will he give up after realizing how life goes on after he met Ylona Amara G...