Crush kita! Noon (part 1)

177 3 2
                                    

Crush kita! noon..,,,

Hindi ko alam kung bakit ako nagka crush sayo?

Grade six palang tayo nuon, ng magka crush ako sayo!

Napaisip-isip ako! siguro nagkacrush ako sayo kasi. Hindi ka lang gwapo,makulit,maganda ang boses,at tsaka mabait,mapagkaibigan.parang mapakanta kana na nasayo na ang lahat,!

Ahh!! naala ko na pala!

Yung,,,,yung kumanta ka ng kanta ng Joe Jonas Brothers na "when you look me in the eyes"!

Alam mo ba na napatigil ako nun sa paglalakad nung kumanta ka,, tapos sumilip pa ako sa may pinto,tapos nakita kitang ikaw talaga ang kumanta.

Kaya simula non na LSS ako nun at naging paborito ko nalang rin yung kantang kinakanta mo.

Tapos nung papunta na ako sa simbahan ay nakita kita na naglalaro ng basketball! At napatingin ka sa akin,, nahiya ako at mukhang iniiwasan kita,, siguro nagpapahalata ako! at naiinis ako sa sarili ko nun! >.<

Hindi ako nahihirapan na makita ka kase, choirmate kasi tayo,, minsan nga eh! nakakausap kita pero hindi na ngayon nung nalaman kung nagkacrush na pala ako sayo.
Eehh!! kasi sa nahihiya na akong lumapit o makausap ka! ang weird diba! ni wala ka namang malay na may crush pala ako sayo!

Nung time na nag eensayo tayo ng mga awitin ay, sabi ng nagtuturo sa atin na lalaki at babae yung pagtatabihin ,tapos narinig kitang nag YES! at napatingin ako sa gilid kung san ka nakaupo at hindi ko akalain na sa akin ka pala napatingin, kaya umiwas agad ako at kinalma yung sarili ko! baka kasi nag assume lang ako na na ako yung tiningnan mo.

Pero alam mo ba na naiinis ako non kasi hindi natuloy yung pairing up natin, eh kase nagdadaldal ka kasi ayan tuloy napagalitan ka tuloy dahil sa ka likutan mo at kakulitan,mo , alam mo ba na ikaw yung nagbibigay good vibes sa grupo natin ,,ehh kasi ang lakas ng sense of humor mo,, isa na rin siguro yan sa mga nagustuhan ko sayo,,tapos ang takaw mo pa ! hahaha natatawa ako nung naiimagine kung kumakain ka ,parang ako yung nahihiya sayo sa taga subo mo.

Alam mo ba nung feel kung lumalapit ka sa akin, ay ako yung umiiwas,, ehh kasi nahihiya ako sayo.Siguro nahalata mo na yun na parang iniiwasan kita o iniwasan talaga kita!

Kaya hindi ka narin nagpumilit pang lumapit pa sa akin, pero lage parin kitang nakikita na napatingin sa akin, pero mali pala ako, hindi ako yung tiningnan mo! si Shiela pala,

Naalala ko pa ning pumunta tayo sa ibang church para sa meet up tapos deretso na sa pagpapractice ng itatanghal natin. alam mo ba na masaya ako nun kasi, nakatabi kita sa pag upo sa jeep tapos dikit pa tayo ng dikit kasi marami tayo nun. At tsaka wala ka naring choice nun kung san ka uupo ehh, kasi ang tagal mo sumakay kaya ayun , dun ka sa tabi ko pinaupo maliit kasi ako kaya napag tripan ng grupo,Sana nga ehh ,,hindi na natpos yung oras nayun,na kahit dun man lang sa jeep ay natatabihan kita.

Nung dumating na tayo sa paroroonan ay, syempre bumaba natayo, ako yung huli na bumaba, ehh kasi ang liit ko !

Tapos nung pagkababa ko na nakita kita na nagtatakbo para kang bata na walang alam !hahaha tapos , sinita ka ni ate Lyn na huwag tumakbo, ang kulit kulit mo talaga, tapos ang cute mo rin kasi inaasar mo si ate Lyn, nagtawanan nalang kani nun.
Malapit ng maghapon eeh, wala naman tayong masyadong ginagawa. naisipan kung mag libot-libot muna sa gilid ng simbahan malaki kasi itong simbahan natong pinuntahan namin kesa dun sa simbahan namin sa ibang lugar.

Nung naglibot-libot ako hindi ko akalain na biglang umulan ng napakalakas- lakas, medyo nababasa narin ako kasi wala akong masyadong nasilungan at tska nasa gilid ako ng napakalaking pader na may maliit na mukhang bubong!
Dun ako nag palipas hanggang sa tumila yung ulan, pero mukhang matatagalan ako pa nito,, kaya naisipan kung tumakbo nalang papunta dun sa mga kasamahan ko. At hindi ko akalain na pag dating ko dun ay nag alala kayo sakin kung san ako nagpupunta, tapos nakita kitang parang nagulat kung bakit ang basa-basa ko na. Salamat nalang at pinhiram ako ng damit ng may malapit n bahay dun, tapos alam mo ba halos mahulog nayung puso ko dahil pinahiram mo ako ng yung jacket na color green na stripe! alam kung paborito mo yun kase lagi kitang nakikta na dala mo yun!
Nagmukha na nga akong tanga ehh, kasi nakasmile ako tapos inamoy amoy ko pa yung jacket mo na ang bangu-bango.
In short! kinikilig ako sa concern mo sa pagpapahiram ng jacket mo sakin.

Natapos yung hapon na yun at umuwi na tayo nun, tsaka babalik naman tayo sa susunod na araw pa. Tsaka ko narin ibinalik yung ipinahiram mong jacket sakin.tapos nagpasalamat ako sayo, at nagtango kalang at nag smile na makalaglag eyeballs,,alam mo ba na mas gumwapo ka pa sa paningin ko at sa mga pinaggagawa mo rin ay mas lalong akong nagkagusto sayo.
Kasi ang bait bait mo talaga!

Hindi maalis alis ang ngiti ko hanggang sa nakuwi na ako at hanggang sa pag higa ko, at pinagdadasal ko rin na sana! sana hindi pa matapos tong mga magagandang,masasayang araw na nakikita kita.

Nitong mga nagdaang araw!! ang weird ng mga ikinikilos ko saamin!

Ay ehh hindi! pala pati narin pala sa kaibigan ko na,, lagi nalang akong nababatukan kasi, kanina pa pala siya ng talak ng talak ni hindi pala ako nakikinig sa mga pinagsasabi nya!
Ehh!! kasi 3 days na nung simula nung nangyari! eehh!!,,, sa hindi pa ako nakaget over dun!!
Ehhh ang weird ko talaga!!
Alam mo ba na mas lalo pa kitang nakilala ehh! kasi itong kaibigan ko ay pinsan mo pala ni hindi pa matagal ko pa rin nalalaman!iehh kasi ang bruha isinisekreto pa sakin kaya! pala lagi silang magkasama nitong mga nakaraang araw! at tsaka naiinis ako sa tuwing magkasama sila!! ehh kasi loner ako nun!! At tsaka hindi kaya ako nagsisilos!
At hindi ko alam na pinsan pala sila!!! Ehh kasi sekreto daw!! sort of some reasons!! ang weird din kasi ayaw rin sabihin ni helen kung bakit,,kaya hindi na rin ako nagpumilit,,kasi privacy narin nila yun!! wala akong magagawa nyan!!
Kaya nung nalaman ko na pinsan sila , lagi ko na siyang kinukulit na magkwento about Jay! oo Jay ang pangalan ng crush ko!! Dibah ang cool ng name niya! kasing cool rin sya sa pangalan niya!,,

Nagkukwento nga siya tungkol kay Jay! pero heto naman ako,,lagi nalang akong sinasamaan ng tingin ni Helen!i ehh kasi hindi ako nakikinig sa mga pinagsasabi niya!!! ehhh kasi dumaan kasi si Jay kaya naging 18O* degree yung ikot ng leeg ko!! at alam mo kung ano pa ang nakakainis!! nakita ni Helen na nakatingin ako kay Jay kaya walang humpay nya akong tinutukso .at deny na deny naman ako!
Sabi pa nya sakin kung crush ko raw ba yung pinsan nya!! agad naman akong napailing ng todong todo ehh!! kasi sa ayaw ko talaga na may nakakaalam na crush ko sya,,tapos sa pinsan ko pa nya ipagtatapat!! baka maloka na ako nyan!!

Ang weird ko kasi pati crush ko pinaglihim ko sa kaibigan ko,!! eeh kasi kahit na crush lang yan! para sakin big deal yun!!

To be continued!!

Crush kita! Alam mo ba yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon