May 17

2 0 0
                                    



Hinding hindi ko talaga ito makakalimutan, nakatatak sa akin ang bawat pangyayari.

Actually ngayong araw na ito double purposes birthday kase sa isa naming kaibigan may pasabog kami sakanya, tsaka hindi namin sya pinapansin para kunwari walang naka alala sa birthday nya!!

Yung isang event pa ay may socializing kami! hindi naman sa maaga ako dumating talagang timing lang talaga na madami dami narin yung mga taong nagsidatinangan.

Matagal tagal pa para magsimula ang event!
Sa totoo nyan ang tagal dumating nung iba kung mga kasamahan naging loner ako kaya naisipan ko munang maglibot libot muna! hanggang sa nakita ko si Grace yung may birthday! Actually sa amin ako lang talaga ang pumapansin sa kanya baka kase makahalata sya na iniiwasan namin sya!!

Naging busy na ang lahat malapit na kasing magsimula ang event at heto ako nakatayo lang sa may puno! ng dumating na si Tork! tsaka ang di ko inaasahan ay may kasama pala sya na hindi talaga ako makapaniwala o nanaginip lang ba ako!

Kasama nya kase si Jay! yung pinsan nya nanaging crush ko 6 years ago!

Pagkababa nya ng kotse syempre tinititigan ko talaga sya naniniguro lang din ako kung sya ba talaga yun, alam mo ba kung ano yung naaramdaman ko that time parang nag slow motion ang lahat tas basta hindi ko maexplain! mixed emotions kumbaga basta weird feelings stike me that time.

Hindi ko alam kung bakit nandun na ako! sa may gilid mo! ang dami kasing bumati sayo to think na minsan kana rin naming naging kaibigan at kasamahan, maraming tumitungin sa grupo natin kase yung mga kasamahan ko ay binabati ka. Ang daming ngang nagtaka kung sino yang nilalang yang dumating kung akala mo artista!
Kung salubungin, kulang nalang papicture at autograph kunin!

Ang weird ko talaga kase di ko alam kung ano ang sasabihin ko nakisabay nalang ako para hindi awkward! tapos ang weird ko talaga as in kase sinusulyapan kase kita ng tingin! nakakainis hindi mo ba ako na naalala! kaya ang ginawa ko nalang ay pumunta kay Aileen tas ano humiram ako sa bata ng bike at dun ko binuhos lahat ng nararamdaman ko sa pagbabbike! muntik na nga ako ma aksidente that time panay naman sigaw si Aileen dahil sa kaba! pero ako parang wala lang sa akin ang nangyayari!

Napasabi nalang ako sa isip mo na ang laki na talaga ng pinagbago mo!

Kase feeling ko d mo ako nakikila!

To be continued......
-kanra7

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush kita! Alam mo ba yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon