Chapter11- Ingatan

13 4 0
                                    

Chanel POV

"Ano ba problema mo!?" Angal ko agad.

"Nasasaktan nako! Ang totoo kasi niyan, kaya ako lumayo kasi.....

Ah wala! Nevermind."

Sabi ni raffy, pagkasabi niya non ay umalis na siya. Napaupo na lang ako at hinilot ang sentido ko.

Ano ba talagang nangyayare?

Sa ginagawa ni raffy lalo akong nagkakaroon ng rason na layuan siya.

***

*riiiiingggggggg*

Tunog ng bell.

"Class dismissed."

Agad akong tumayo at hinatak si patricia. Tumayo din agad ito at nag-aya sa isang tea-shop malapit dito sa school namin.

"Bessy, tea-shop muna tayo!" Aya sakin nito. Napa-iling nalang ako.

"Libre mo?" Tanong ko agad.

"Oo naman." Sagot niya.

"Uh, sure sure!" Sabi ko, "clifford! Tea-shop muna kami ni patricia ah? Una kana. Ingat!" Sabi ko naman kay clifford pagkakita ko sa kanya na nasa likod kona. Tumango naman agad ito. At ngumiti.

Naglalakad kami ni patricia ngayon.

"Nga pala bessy, kamusta kayo ngayon ni lanz?" Tanong ko dito. Napangiwi naman ito.

"Ah eh, bilisan mo nga maglakad chanel." Yun lang ang sagot niya at nagmamadaling maglakad.

Pagkadating namin sa tea-shop ay naghanap agad kami ng pwesto, pagkaupo namin ay umorder muna siya. Pagkaorder niya ay umupo na siya, ako ang nag-umpisa ng pagtatanong.

"Patricia, sabihin mo nga yung totoo? Ano nangyari sa inyo ni lanz?" Tanong ko nang nakatingin sa kanya, umiwas ito ng tingin at napabuntong hininga.

"K-kase, nag-away kami." Malungkot na sagot niya.

"What? Bago pa lang kayo diba? Away agad!?" Gulat na tanong ko.

"Aish! Siya naman may kasalanan e, hayaan na nga siya." Sabi niya habang iniinom yung tea niya.

"Ayaw mo magsorry?" Tanong ko.

"Bakit naman ako magsosorry!? Eh siya nga may kasalanan e~!" Naiiritang tanong at sagot niya.

"Jolol! Ikaw man may kasalanan o siya, kahit sino may kasalanan sa inyo magbaba kana ng pride. Pag pinatagal niyo yang away niyo baka break up hantungan niyan. Sige ka!" Sabi ko sa kanya, agad naman siya tumunghay.

"Sige bessy, una nako ah? May gagawin pa pala ko. Labyu byeee!" Sabi niya at agad na tumakbo paalis. Inubos kona lang yung tea tyaka fries tas umuwi na din.

Complicated Love [[ON-HOLD]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon