Desire Between the War - 2

14 0 0
                                    

"A penis with the ball, huh..." mapanuyang sabi niya habang nakangisi.

Mas humigpit ang hawak ko sa spray paint. "Hindi nga ako ang may gawa niyan." malamig kong sabi.

Nag-uumpisa na akong mainis sa kanya. Inilapag ko ang spray paint sa hood ng kotse niya. Humalukipkip ako at nilaban ang kanyang mga titig.

Natutop ko ang bibig nang mas ngumisi pa siya. Tila ay inaasar pa ako sa pamamagitan ng mga panunuyang ngisi sa kanyang labi.

Sino ba ang lalaking ito? Napakayabang. Akala mo kung sino.

"Hindi ko na problema kung ayaw mong maniwala."

Inirapan ko siya na ikinawala ng ngisi sa labi nito. Tila ay mas dumilim ang mukha niya. Kasing dilim ng gabi. Nagbaba ang aking paningin sa nakakuyom na mga kamao. Ang mga ugat sa mga iyon ay unti-unti ko ng nakita. Para siyang nagtitimpi na suntukin ako. Sa itsura palang niya, alam ko, basagulero siya.

Hindi ko pinansin ang matalim na titig niya sa akin. Sinadya kong banggain ang braso niya pagkadaan ko sa kanyang gilid pero halos mahigit ko ang hininga nang hawakan niya ako sa aking braso. Napapasong iniwas ko ang aking braso pero mas humigpit ang hawak niya.

Marahas akong lumunok. "B-bitawan mo ako!" kinakabahan man pero nagawa kong sigawan siya.

Hindi niya ako hinarap. Bagkos, nagsalita siya na ikinatigil ko.

"Sa susunod na talikuran mo ako habang hindi pa tayo tapos mag-usap, pagsisisihan mong isinilang ka sa mundong ito." Mariin niya munang hinigpitan ang aking braso bago ito bitawan at mabilis na pumasok sa kanyang kotse bago paharurutin ng takbo. Malakas na tumalsik ang spray paint na nakalagay kanina lamang sa hood ng kanyang kotse.

Habol ko ang hininga nang makaalis siya. Pakiramdam ko, mauubusan ako ng hininga. Nangangatog ang mga binti at napaupo sa gilid. Bigla akong nahilo. Ipinikit ko ang mga mata.

Relax, Quincy. It's not helping!

Sinuntok-suntok ko ang dibdib kung saan nakalagay ang aking puso. Mabilis ang pagtibok no'n. Parang ngayon lang ako kinabahan ng malala, gayong wala na ang lalaki.

Hindi ko na magawang makatayo. Pakiramdam ko, sa hilo ko, mahihimatay ako. Tenext ko na lang si Anna na umuwi na kami.

"Quincy!"

Malakas ang sigaw nito habang tumatakbo papalapit sa akin. Umupo siya, kapantay ko.

"W-what happened?" mangiyak-ngiyak na siya.

Umiling ako. "Umuwi na lang tayo. Masama ang pakiramdam ko..."

"Sorry talaga... pinilit pa kita. Sumama tuloy ang pakiramdam mo, wah!"

Tsk. Parang bata kung umatungal.

"Para kang bata." Inis na akusa ko.

Ngumuso siya. Nangingilid pa ang luha sa mata. "We are just nineteen! Still not old!"

"Yeah. Yeah. Still not old but not a baby. Too immature."

"Says who na feeling matured!"

Napahilot ako sa sintido. Mas sumasakit ang ulo ko sa kanya!


"Kamusta ang drag race?" tanong ko kay Anna habang kumakain kami ng almusal.

Kaming dalawa lang ang nandito dahil may business trip daw si tito Arvin kasama si Tita Nerisa. Hindi na rin masama ang pakiramdam ko. Siguro ay dahil lang iyon sa pagod sa byahe kahapon.

"Hindi naman natuloy. Baka next week daw. Hindi kasi nakapunta si Airson. Ewan ko kung bakit." Dismayadong sabi niya pero ngumisi din. "Pero ok lang. Nakita ko naman si Xion my love ko." binuntunan niya iyon ng tawa.

Tamad ko siyang tinignan kaya ngumuso na lang siya.

"Oo nga pala. Tutuloy ka ba mamaya sa Isla ng mga Monterealez?"

Tinanguan ko siya. Nagulantang ako ng bigla na naman siyang tumili.

"Wahh!!! Sasama ako! Baka nandoon si Xion my love ko!" Tila naghugis puso ang mga mata nito.

Huh? Again?

Kunot-noo ko siyang inasikan. "Tigilan mo, Anna." Diin na turan ko.

Ngumuso lang siya. "Pinsan ni Xion si Airson. Ung Mommy ni Airson is Pinsan ng Daddy ni Xion kaya bale mag-second cousin sila. Parati din silang magkasama. Parang magbest friend kaya sure ako na nandoon 'yon! At-"

I just rolled my eyes. "I'm not asking."

"Sungit..." bulong pa nito pero narinig ko naman.

Tumikhim ito. "Sabi ni Daddy, do'n muna tayo sa rest house nila sa Isla habang hindi mo pa daw tapos lakarin ung titulo sa bahay ninyo doon."

Tinanguan ko siya. Iyon naman talaga ang plano ko- namin kaya napauwi kami. Lately lang rin kasi namin nalaman na may binili palang lupa si Daddy sa Isla ng mga Monterealez. May bahay na daw iyon. Regalo sana ni daddy ang bahay na 'yon sa akin kapag nag-eighteen birthday ako, pero...

May kung ano ang nagbara sa aking lalamunan. Napainom ako ng tubig at pagkatapos ay humugot ng malalim na hininga.

Nalaman namin iyon sa araw ng aking kaarawan, no'ng isang taon. Hindi lang ako nakauwi kaagad dahil mas inuna ko ang mga gawain sa school sa America.

'Huwag kang maglalapit sa mga Monterealez, anak. Mapanganib sila. At isa pa... family friend sila ng mga Toscano.'

Mariin kong naipikit ang mga mata nang maalala ko ang bilin sa akin ni Mommy.

Kung sakali man, kung may makasalubong ako na isang Toscano sa lugar na iyon, hindi ako mangingiming magpa-api. lalaban ako.

'A revenge will do...'

Desire Between the War (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon