Bumaba ako sa kwarto at hinanap si nanay. Narinig ko naman agad ang tunog na maingay kapag naidadampi sa semento ang walis tambo.
Agad akong lumapit kay nanay na nagwawalis sa harap ng bahay. Hindi na kami nagtagal sa pagpapaalam dahil baka malate pa raw ako.
Pumunta ako sa waiting shed ng barangay para sumakay ng tricycle. Iyon ang sasakyan ko dahil wala namang maghahatid sa'kin.
Oo nga at iisa lang na sasakyan ang ginamit nila Dreyze pero 'di naman ako marunong magdrive ng mga kotse n'ya.
Naabutan ko naman ang mga mamang tricycle driver ng barangay namin na nakaparada roon. "Saan ka Shayn?" Maganda ang bungad na ngiti ng nasa unahan ng pila.
"Diyan lang po sa bayan, Keioxe Café." Sagot ko at sumakay na sa side car ng tricycle n'ya. "Arkila ko nalang po tito." Pahabol ko para 'di na kami maghintay pa ng kasama.
Naisip na dapat ako ang naghihintay sa labas ng café at 'di sila. Kailangan kong magpaimpress at maging responsable sa magiging trabaho.
Buti nalang at mas malapit ang pupuntahan kong Café kaysa sa paaralan namin. Lagpas pa ng bayan ang school namin.
Nang makarating kami sa Café ay nagbayad ako ng 60 pesos kay titong tricycle driver. Pagbaba ko ay tumingin agad sa relo at saktong 9 na.
Hindi pa nabubuksan ang Cafe at sa tingin ko ay bubuksan palang. Umupo muna ako sa upuan sa labas ng Café habang hinihintay na magbukas sila.
As I waited, inisip ko ulit kung bakit nga ba 'tong café ang napiling applyan.
Una, masarap ang pakiramdam sa lugar na 'to, dito kami dinadala ni nanay at pinapakalma ako ng atmosphere rito.
Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang pagbukas ng Café.
Agad akong tumayo at tinulungan ang nagbubukas. Binaliktad ko ang nakalagay sa pintuan na sign para maipakita ang "widely open" mula sa "we'll be back".
Nang mabuksan na nang maigi ang Café ay tumingin sa'kin ang babae, siguro ay taga-linis dito. "Ano ang order n'yo ma'am?" Nakangiti n'yang tanong sa'kin.
"Ah 'di po, ako 'yung mag-aapply na cashier dito."
"Ganon ba? Halika at samahan na kita sa office ni manager." Tumango lang ako at nagpasalamat. "Kailangan din talaga rito ng cashier dahil si assistant manager ang substitute kapag may klase 'yung cashier."
"Ay ganon ho ba? Mahilig po sila sa cashier na student ano ho?"
"Oo at mas fresh pa raw ang utak na magkwenta-kwenta. Lalo na pag marami ang customer, kailangan talaga ng mabilis." Napangiti naman ako.
Hindi naman sa pagmamayabang pero magaling ako sa mathematics.
Pero tunay na marami talagang pumupunta rito. "Salamat po sa tips n'yo." Nakita ko na ang pintong may nakasabit na "manager".
"Okay sige iha good luck, napakabait mo at gusto kita makatrabaho rito." Ngumiti ako sakan'ya.
Parang kaedad lang naman s'ya ni nanay at pareho silang malakas pa ang pangangatawan.
Kumatok ako sa manager's office nang tatlong beses. Agad din naman akong nakarinig ng responde galing sa loob na pumasok daw.
Pagpasok ko ay agad nalanghap ang ibang amoy ng aircon sa loob ng silid. Inilibot ko ang paningin at ibang-iba 'to sa itsura ng Café.
Mas maganda ang disenyo. Sobrang manly.
"Ikaw ba 'yung alaga ni misis Degamo?" I looked at the man sitting on the swivel chair, he's in mid 20s. Tumango lang agad ako sa tanong n'ya. "Take a seat."
YOU ARE READING
Concealed Feelings
Teen FictionLiving together in the same ceiling at the age of 5. They aren't blood linked. Not even ancestry friends. He adopted her. She act in accordance with all he wants. He's obsessed with her. While she was totally numb. The start of his Unseen Feelings f...