Aking siniko si Dreyze nang 'di s'ya makagalaw sa sinabi ni nanay. "Aminin mo nga nak, bakla ka ba?" Natawa ako habang s'ya naman ay napaupo ng maayos.
Tinuro n'ya ang sarili. "Sa kisig kong 'to nay? Bakla? No way." Defensive n'yang sabi habang umiiling-iling pa. Natawa ako at nakisawsaw.
"Hindi ko rin masasabing bakla 'yan nay kasi ang dami n'yang babae sa campus." Singit ko naman habang tumatawa pa.
"Stop it, basta nasisigurong 'di ako bakla. Maghintay ka lang nay at mapapasa'kin din s'ya." Tumingin s'ya nang malalim sa'kin.
"Bakit ka gan'yan tumingin sa kapatid mo? Don't tell me tinatago n'yo sa'kin ang mga kasintahan?" Nagtatampo ang tono ni nanay.
Pati naman ako ay nagulat sa tingin ni fugly. Kilala ko kaya 'yung sinasabi n'yang babae? Bakit parang ayaw n'yang ipaalam sa'kin?
"No, it's not like that nay—"
"Here's your order ma'ams, sir. Enjoy your lunch." Natigil kaming tatlo sa pag-uusap at agad na natakam sa pagkain na niserve.
Nagbigay pa 'to ng mga chopsticks at tissue. Walang fork at spoon ang binigay kaya nakabusangot na naman si fugly ngayon.
"Wala ba silang utensils dito?" Pagrereklamo n'ya. "Waite—" pinigilan ko agad s'ya sa pagtatawag ng waiter. Inabutan ko s'ya ng chopsticks.
"Diba ang sabi, tuturuan ko kayo?" Sinamaan ko s'ya ng tingin para medyo matakot ng kaunti. "Ilagay mo ang chopsticks sa—"
Tahimik lang silang dalawa habang nanonood sa ginagawa ko. Mukhang interesado si nanay habang kabaliktaran naman kay fugly.
Nang matapos, sila naman ang pinagtry ko. Unang try palang ay napangiti ako sa sarili dahil sa galing magturo. O siguro madali lang sila matuto.
"Ganyan nga! Very good kayo sa'kin." Masaya rin si nanay pero si fugly ay nag 'tss' lang pero kumain din naman gamit non.
Pagkatapos kumain ay busog kaming tatlo. Tinignan ko naman si fugly sa nanghahamon na tingin. "Ano? Akala ko ba ayaw mo rito?"
Buti nasa washroom si nanay. Hindi n'ya matutunghayan ang bardagulan namin. "I don't like the place at first, but I never expected their food would be this good."
"Alam mo kasi Dreyze, karamihan sa masasarap ang luto ay nasa mga simpleng lugar lang. Iyong ibang restaurant ay puro pa ganda sa lugar pero 'di naman nakakabusog."
"I agree, they do it for pictorials and not foods. Millennials love to take aesthetic pictures tho." He shrugged. Facts, alam naman pala n'ya 'yun e.
"Pero muntik ka na mang-iwan kanina a, buti naman at napilit kitang tumuloy?" Tudyo ko. "Akala ko ba ay dapat ikaw ang nasusunod?"
"Yeah, I must be the one. But I guess you're the boss. The real boss." Natigilan ako sa sinabi n'ya. Anong ibig n'yang sabihin?
"Anong pinag-uusapan n'yo?" Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni nanay. "Tara na?" Aya n'ya nang walang marinig na tugon mula sa'min.
Tumayo naman kami ni fugly at sumunod kay nanay patungong exit. Walang ni isa sa'min ang bumasag sa katahimikan.
Siguro ay kagaya kong awkward din kay fugly ang sinabi. Halatang 'di n'ya sinasadyang masabi 'yun. Bungangero kasi.
Hindi pa kami sa daan pauwi tumahak. May iba pa kaming importanteng bibisitahin. Nasanay na kaming pagkatapos ng misa ay pupunta roon.
Dumaan pa muna kami sa isang flower shop na malapit lang din sa pupuntahan namin. Pero sa sobrang init ay si fugly nalang ang lumabas.
YOU ARE READING
Concealed Feelings
Novela JuvenilLiving together in the same ceiling at the age of 5. They aren't blood linked. Not even ancestry friends. He adopted her. She act in accordance with all he wants. He's obsessed with her. While she was totally numb. The start of his Unseen Feelings f...