Hindi ko na matandaan kung ano yung pagkakasunod-sunod ng pagkikita namin no'n.
Gaya nga ng sabi ko, hindi ko pa siya crush nung mga panahong 'yon, kaya naman hindi ko pa masyadong pinapahalagahan ang mga detalye ng pagkikita namin.
Kung tama ang pagkakaalala ko, may isang beses na nagkasalubong kami at napatingin ako sa kanya kasi mukha siyang familiar at inaalala ko pa kung san kami nagkita, tapos habang nakatingin ako sa kanya, tumango siya sakin. Yung tipo ng tango na parang nag-'Hi.'
Nagulat ako nun kasi hindi ko ineexpect na tatanguan niya ako. Week/s na rin kasi yata ang nakalipas since nung una kaming magkita e. Tapos, gabi pa no'n kaya hindi ko na in-expect na makilala pa niya ko.
Pero, ano nga bang malay ko?
Malay ko ba kung ako nga yung tinatanguan niya? Pwede naman kasing ibang tao, 'di ba? Tapos, nagf-feeling lang pala ako na ako yun.
But there was something about that incident that made me happy.
At may isang beses din nung nasa may Scramble stand kami sa square nang napadaan siya. Galing yata siya sa dorm? Ewan ko, wala akong idea. Malay ko ba? Basta, napadaan siya at napatingin ulit ako sa kanya. Naka-PE uniform siya nun at nakasabit sa shoulder niya yung sling ng bag niya. Ang tagal kong nakatitig sa kanya no'n, ewan kung bakit. Inaalala ko yata kung bakit ang familiar niya e. Then again, tumango siya with a half-smile on his face. Kasama ko mga ka-block ko nun kaya naman nginitian ko lang siya. Hindi naman kasi kami ganun ka-close para mag-Hi ako ng sobrang lakas sa kanya with matching kaway pa noh.
Pero, kung tama ang pagkakaalala ko (ulit), kahit na tinanguan niya lang ako... ngumiti ako sa kanya with matching kaway na konti lang. Napataas nga din siya ng kamay nun eh, pero hindi kaway. Hindi ko matago ang saya ko nun (halata naman sa pagngiti ko sa kanya e), siguro dahil napansin niya ko. Pwede ring dahil sa naaalala niya pa ko. Ewan.
Basta ang alam ko lang no'n, masaya ako.
Masaya ako dahil sa kanya.
Hindi ko masasabing dun nagsimula yung pagkagusto ko sa kanya. Pero sigurado akong no'ng mga panahon na yun nagsimula yung pagiging masaya ko sa tuwing makikita ko siya. Sa tuwing napapansin niya ko. Sa tuwing tatanguan niya ko. At sa tuwing ngingitian niya ko, kahit pa half-smile lang yun.
No'n nagsimula yung feeling na ang saya mapansin ni Matt.
Pero wala pa kong napagsasabihan ng nararamdaman kong saya no'n. Usually kasi makwento ako at talagang kinekwento ko lahat. Lalo na kapag masaya ako. Pero pagdating sa kanya, wala akong pinagsabihan. Di pa nga sya kilala ng mga kaibigan ko e.
Siguro kasi gusto ko pang itago. Yung sasarilinin ko muna yung saya.
Baka kasi mawala rin agad.
BINABASA MO ANG
Para Kay Matt
Non-FictionSana dumating yung pagkakataon na malaman mo kung gaano ako kabaliw sa'yo.