Rhona's POV
"Ah yan ba si rhona? single yan." kwento ng kaybigan ko na si ema kay- hindi ko kilala.
"Weh?" hindi makapaniwala niyang tanong sa kaybigan.
"Oo nga! ayaw kasi maniwala." kamot ulo na sagot ni ema sa kausap.
Hay nako, ano naman ngayon kung single ako? wala naman akong pake sa bagay na iyon at isa pa mas mabuting mag aral nalang kesa mag lovelife noh.
Mas gusto ko pa mag aral e."Hindi kasi... Maganda naman siya, ah?"
Ako? maganda? hindi totoo yon.
Ano kaya ang nakain ng isang to? o baka hindi siya nakain ng kalabasa dahil malabo ang paningin niya."Walang pakialam yan sa lovelife niya, kaya wag mo na subukan pa. Jael." sabi naman ni ema sa jael.
Ano naman ang susubukan niya? diko gets yon ah. Teka, kelan ba ako naka gets ng ganon na bagay? never.
Jael pala ang pangalan niya, classmate namin. Sa tingin ko ay hindi na ako mag ka-kameron ng lovelife, bakit ko ba ito iniisip? wala nga sabi akong pake sa lovelife e!
Pero ano ba kasi ang feeling ng ma inlove? masakit ba o masarap sa pakiramdam? sabi nila nakakabaliw daw ang pag mamahal iyong handa kang gawin ang lahat o kahit ano para lang sa tao mo na mahal, ganon nga ba ang mag mahal?
May nag sasabi rin na walang forever o nag tatapos ang pag mamahal, siguro nga ay tama sila pero minsan ay hindi, may mga tao parin naman na matino at mapag mahal tapos hindi nangiiwan... yun nga lang mahirap hanapin. Ang swerte siguro ng makakahanap ng ganong klase na lalaki, minsan na lang talaga makahanap ng matinong lalaki ngayon.
Ang iba kasi ay loko-loko e. Hindi naman sa pang huhusga pero sang-ayon naman siguro ang lahat na ang ibang lalaki ay loko-loko.
Eh itong si jael kaya? matino? Hindi ko alam! ni hindi ko pa nga siya na kakausap o tignan manlang dahil wala akong pake sa kanila. Focus lang ako sa pag aaral ko e kaya hindi ako subrang mahilig makipag usap sa iba kong classmates.
Si ema na nga lang ata ang kilala ko rito sa room at wala ng iba e, thankful rin naman ako dahil ka klase ko ang isang to. Ayaw ko maging lonely sa room.
"Hi rhona," bati niya sa akin "jael nga pala."
Should i say hi or just ignore it? ang bastos ko naman siguro kung hindi ko siya papansin, pero lagi naman akong ganon, hindi namamansin. Hindi ko alam kung bakit ko nilingon ang isang to pero nandito na kaya bakit tatalikod pa ako?
"Hi, bakit mo alam ang pangalan ko?" tanong ko sa kaniya kahit alam ko naman na si ema ang nag sabi sa kaniya.
"Ah dahil kay ema." sagot niya sa akin, wow honest.
"Ganon ba." sabi ko naman ang tumango tango lang sa kaniya.
"Sabay tayo mag lunch mamaya?" pag aaya niya sa akin, eh? bakit naman kami sabay mag lu-lunch e kaya ko naman mag isa.
"Sige."
Bakit nga ulit ako pumayag? hindi ko rin alam e, tumingin ako kay ema at gulat siyang nakatingin sa akin, para siyang nakakita ng multo sa lagay niya ngayon. Ano naman kaya ang nangyari sa isang to?
"Seryoso!?" gulat na tanong ni ema sa akin. Seryoso saan?
"Ha?" inosente kong tanong sa kaniya, hindi ko kasi makuha ang iniisip niya.
Ah- Ohhh! dahil pumayag ako kay jael, tama iyon nga.
"Kasama ka." simple kong sabi kay ema, na gets niya naman agad iyon at agad na nakampante, ngumiti pa siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Loving you endlessly (Ongoing)
RomanceA highschool girl named Rhona Jane Villamore. She hate two person, her step-mom and her step-sister. Treating her like a nobody, and a trash. Instead of telling her dad about it she just keep her mouth shut dahil nag babanta ang kaniyang step-mom t...