Captured Memories

102 6 2
                                    

"Bes naman eh!" Nakapikit kong maktol habang patuloy siya sa paghatak sakin paalis ng kama ko.

"Bumangon kana kase. Everyday nalang ba tayong maghahatakan para bumangon ka?" Sagot niya habang hindi pa binibitawan ang braso ko.

"Ang aga-aga pa---"

"Shut up shitface! 10:45 na." Putol na sa sinasabe ko. Sumimangot ako ng finally ay nanalo siya, as always, sa "hatakan" namin. Inis na tinali ko ang buhok ko. May magagawa pa ba ko?

"Alam mo. Hindi ko talaga alam kung babae ka ba o lalaki." Napatingin ako sakanya sa tinuran niya. Mataman siyang nakatingin sakin habang naka-cross arm.

"What?" Inis na tanong ko pagkatapos ay tiningnan ang sarili ko. Anong mali sakin?

"Wala kang boobs." Seryosong saad niya habang nakatingin sa harapan ko.

Nagsalubong ang kilay ko pagkatapos ay binato siya ng unan na nasalo din naman niya. Ugh. Nakakainis siya.

"21 kana pero wala ka pang boobs. Hindi ka ba dumaan sa puberty stage?" Pang-aasar niya habang nakasunod sakin papuntang kusina.

"Sorry ah. Ipinamana kase sakin ng tatay ko yung laki ng boobs niya." Asar kong sabe. Humagalpak siya ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sige lang. Mag-enjoy ka lang.

Kinuha ko ang mug ko para magtimpla ng kape. Weird kase mag-tatanghali na pero magkakape pa ko. Wala eh. Para sakin maaga pa.

"Alam mo--"

"Not a word Nash." Asar kong putol sa sinasabe niya. Alam kong aasarin lang niya ang boobs ko.

"Pikon ka talaga kahit kelan Jaz." Naiiling na tumabi siya sakin at naki-inom ng kape ko. Ang kapal ng mukha ng lalaking to.

Yup. Lalaki po ang kausap ko. No, I mean minsan lalaki madalas baboy. Hindi ko siya boyfriend. Iw lang ha. Hindi ko type yang baboy na yan. Sa kasamaang palad bestfriend ko siya. Opo. Bestfriend ko ho siya. Hindi ko nga alam ba't bestfriend ko yan. Ang sama pa naman ng ugali. Ay teka. Alam ko pala ba't bestfriend kame. Kase lagi niya kong ni-lilibre sa school pati pag gagala kaming dalawa. Wala eh. Yun lang talaga ang silbi niya sakin.

Pero syempre hindi yun totoo. Naging mag-bestfriend kame dahil sa bestfriend kong babae na ex niya. Oo ex na niya. At sa ngayon wala siyang girlfriend. Kalandian marami.

"Oh my gosh Nash! Did you just--- fart?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Well, hindi naman na first time na umutot siya habang magkasama kame. Actually madalas. It's just that kumakain ako ng paborito kong peanut butter sandwich.

Nakangising nagkamot siya ng batok at tumayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makapasok siya ng banyo.

"Kadiri ka talaga! Baboy!" Sigaw ko at tanging halakhak lang ang isinagot niya sakin.

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain. Hindi na bago samin ang mga ganoong pangyayari. Hindi normal samin pag walang kababuyan na magaganap sa loob ng isang araw. Minsan nga inaaya niya pa ko sumama pag tatae siya. Ako daw maghuhugas ng pwet niya. Iw lang ha. Mga pangarap niya. Gago kasi yun. Pero kahit ganun yun mahal ko yun. Oo mahal ko siya higit sa bestfriend lang. Matagal na. About two years ago ata? Pero alam ko naman na hindi pwede. Una, hindi ako maganda tulad ng mga ex na. Alam ko hindi basehan ang mukha pero hindi ko maiwasan mainsecure. Hindi kase mawawala yung maikukumpara ang ex at present. Ayoko mapahiya siya dahil sakin. Hindi kasi ako yung type niya. Pangalawa, hindi niya kayang hindi lumandi. Yup. Malandi ho yang lalaking yan. Kahit may girlfriend na pag may natipuhan siya hindi niya to papalampasin. Paano ko alam? Dakilang bestfriend here. Pati sex life nga niya alam ko eh. Wala eh. Lahat sinishare namin. Lastly, mas pinapahalagahan ko ang friendship namin. Okay na ko sa bestfriend lang ako. Atleast walang break-up. Atleast kahit mag-aaway kami alam kong at the end of the day susuyuin niya padin ako para maging okay na kami. Masaya na ko dun.

Captured Memories (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon