VANESSA SANTIAGO
Dahan-dahan kong binuksan ang maliit na drawer. Hindi ko alam kung matutuwa ako o makakahinga ako ng maluwag dahil sa laman ng maliit na drawer na nakita ko.
I saw different kind of pills inside. I don't mind which or what kind I picked. It's okay as long as I can get it.
Kinuha ko ang dalawang bote ng pills at hindi na ko nag-abala tingnan kung anong klaseng pills ang nakuha ko.
Nanginginig ang buong katawan ko habang hawak ko ang dalawang bote ng pills at unting-onting umupo sa kinatatayuan ko rin mismo.
Walang emosyon kong pinagmasdan ang buong kuwarto na kinalalagyan ko ngayon.
Bawat sulok, kisame na nahahalata na ang alikabok, ang kama, mga gamit na nandito, at ang mga papeles na nakakalat sa kama.
I want to end things. . . Between us, myself.
Binuksan ko ang isa sa mga bote ng pills na hawak ko. Pagkatapos ay binuhos ko sa aking kamay ang lahat ng laman nito.
Ilang minuto ko rin itong tinitigan. Hindi ko pa ito nalalagay sa bibig ko, pero wala na kong nararamdaman.
Masakit ang buong katawan ko dahil sa pasa at sugat. Masakit din ang tiyan ko, pero nakakapagtakang hindi pa rin ako nawawalan ng malay kahit na halos hindi na ko makahinga. Higit sa lahat, kumikirot ang puso ko, pero walang luha na lumalabas sa mga mata ko.
Bigla na lang bumalik ang lahat ng alaala na nais kong kalimutan.
Bakit ba lahat na lang ng pinaglalaban ko, binibigo ako?
Isang tanong ang patuloy na umiikot sa aking isipan.
Ayo'ko na. . .
Ayo'ko na.
Pinikit ko ang aking mga mata at sa huling pagkakataon ay dinama ko ang hangin sa aking kuwarto.
If only I could change the past. I rather choose to avoid him. To not meet him at all.
BINABASA MO ANG
IN THE NAME OF LOVE
RomanceAkala ni Vanessa Santiago ay isang mala-fairy tale ang kahihinatnan niya nang sumama siya sa lalakeng kaniyang minamahal na si Vderick Riel at piliin ito laban sa kaniyang magulang na tutol sa kanilang pagmamahalan subalit naglaho ang masasaya niyan...