Tahimik akong naka-upo sa likod na hilira ng mga upuan sa room namin. Ayaw ko ng may katabi kaya naman ay lagi akong na pupunta sa likod. Science class namin ngayon at tungkol ito sa magnetism. Nasa kalagitnaan na ng report ang aking mga kaklase ng biglang pinatigil muna sila ni Ma'am."Class, I want you all to meet this boys. They are transferee." Sambit ni ng aming titser.
Inangat ko ang aking tingin at nakita ang apat na lalaki na naka tayo sa gilid ni Ma'am. Napabusangot ako dahil alam kong sa tabi ko sila uupo dahil ito nalang ang natitirang bakante.
"Pwede na kayong maupo sa likod." Saad ni Ma'am sa mga lalaki.
Naihiga ko naman ang aking ulo sa braso ko dahil sa kaba na nararamdaman. Naamoy ko ang napaka-bangong amoy nang may umupo saaking tabi.
"Hi."Bati nito saakin. Hindi ko ito pinansin dahil ayoko talagang may katabi sa klase.
Hindi ko sila binigyan ng kahit isang tingin hanggang sa uwian na namin. Inaayos ko ang aking gamit at nilagay sa bag ng may humawak sa aking braso.
"Hi." Sambit nito saakin.
"W-what do y-you n-need?" Utal kong pag tanong. Kaya ayaw ko talagang kinaka-usap ako dahil sa nauutal ako.
"Gusto ko lang makipag-kilala." Ngiti nito saakin. "I'm kio, what's your name?" Tanong nito.
"Kylie." Simpleng sagot ko at iniwas na ang tingin. Iniabot nya saakin ang kanyang kamay kaya napatingin ako sakanya bago ito inabot.
"Taga saan ka?"
"S-sa kabilang k-kanto l-lang."
"Sabay tayo?"
"S-sige."Pag payag ko.
Nilagay kona ang aking bag sa likod ko at nag simula nang maglakad. Nasa ikatlong palapag kami kaya naman ay kailangan pa naming bumaba. Nakakapagod ito para saakin dahil sa takong nang aking sapatos.
"Gusto mo bang palit tayo?" Tanong nito saakin ng makitang naghihirapan ako sa paglalakad. Tiningnan ko naman kung anong suot nya at dali-dali akong napa-iling nang makita ang tatak ng kanyang sapatos.
"H-hindi. O-okay lng ako."
"Natatakot kaba saakin? Bakit wala kang mga katabi kanina?"
"A-ahh, k-kasi a-ayaw ko ng m-mga... k-katabi."
Tumango ito at nag patuloy na kami sa paglalakad. Nang tuluyan na kaming nakabasa sa building ay may tumawag sa kanya.
"Nariyan na pala si Manong." Aniya. "Mauna na'ko, see you tomorrow
Kylie."Tumango lang ako rito at Tumalikod na. Naglakad nako patungo sa Gate ng dumaan sa gilid ko ang sasakyan nila kio. Kumaway ito saakin kaya naman ay Kumaway rin ako rito at sinamahan ko ng maliit na ngiti.
'Bye' Sambit ko saaking isip.
Naglakad naako patungo sa labas ng Gate at inantay si Papa, matagal ng guard sa school na ito ang Tatay ko kaya nakakuha ako ng scholarship.
"Kylie." Tawag saakin ni Papa. Pag lapit ko sakanya ay may iniabot syang sandwich at Starbucks na coffee. "Binigay yan saakin ng Principal kanina. Maya-maya ay aalis na tayo. Antayin nlng muna natin na lumabas ang Principal." Tumango ako rito at naupo sa isa pang upuan na katabi ni Papa.
Binuksan ko ito at kinain. Hindi ako naka lunch kanina dahil walang binigay na pera saakin ang Papa. Ang sabi nya saakin ay wala pa daw syang sweldo.
"Gusto mo?" Tanong ko kay Papa ng makita ko syang nakatingin saakin. Tanging iling lang ang kanyang isinagot saakin.
YOU ARE READING
One Shot Stories
Short StoryThis is a One Shot Story Collection made by Perfectlymadeforu <3