Maumi's POV
Naglilinis ako ng unit ko ngayon. ang kalat kalat kasi eh pumunta sina alexa rito. nagsleepover sila pero kinailangan narin nila umuwi agad. kaya maaga palang ay umalis na sila.
si Alexa Sanchez, She's my bestfriend sya lang yung taong kahit kailan hindi ako kelan man iniwanan. akalain nyo yun may taong nakatiis sakin hahaha lahat nalang kasi...
tch nevermind masisira lang mood ko kapag naisip ko nanaman 'yun'
antahimik ng ambiance dito sa unit ko. magisa lang kasi ako dito sa condo ko. naiirita kasi ako sa bahay lagi nalang nagbabangayan at nagaaway parents ko
2 lang kami magkapatid, ako yung bunso. si kuya kasi pinadala ni papa sa ibang bansa dahil maraming katarantaduhan na ginagawa dito. ang kuya ko kasi ay isang Frat man leader at playboy.
pero kahit na ganun hiwahiwalay parin kami. di naman kami sobrang mayaman. sakto lang. may ari kami ng isang korean restaurant na pinamamalakad ni mama at si papa naman ay isang Doctor. So hindi talaga kami mayaman
si mama pure korean at ang papa ko naman ay half korean half filipino kaya bakas na bakas sa mukha ko ang pagiging koreana
nakakapagod magisip at maglinis kaya naman umidlip na muna ako dito saglit sa couch ko
-
3:30 pm na nang pagtingin ko sa phone ko10 missed calls
sino naman kaya yan? maya ko nalang tignan tinatamad pa ako
naginat inat na ako at naisipan ko namang lumabas kaya naligo na ako
After 1 hour nakapagayos na ko. nakawhite dress lang ako with brown wedge. then naglagay lang ako ng kaunting lip at cheek tint. di naman kasi ako nagmmake up talaga di ako sanay
parang bigla akong natakam sa ice cream ngayon. kaya naisipan ko nalang na pumunta jan sa ice cream house malapit dito sa condo ko
nang makarating ako sa labas ice cream house, natanaw ko yung ibang mga ka church member ko
"Yumi!!" nakangiting tawag sakin ni ate ange
"Hi Gu--" napatigil ako nang biglang nag vibrate ang phone ko
Jake calling...
tch ano nanaman kailangan neto? kulang pa ba yung pagpapahiya ko sa kanya last week? di pa rin ba 'to natatauhan?
"What?" iritang sagot ko
(Yumi... About last week-) pinutol ko na agad yung sasabihin niya dahil alam ko patutunguhan nyan
"Last week? oh please, hindi mo na kailangan magexplain dahil una palang ay alam ko nang g-ago ka at di marunong magseryoso. Ginanti ko lang ang mga babaeng niloko't sinaktan mo. Tandaan mo 'to, ang taong tarantado, suki ng karma. Isipin mo nalang karma mo ko sa mga babaeng g-inago mo at sinaktan mo. kaya tigil tigilan yang drama mo dahil di uubra sakin yan" malanobela na sabi ko tsaka pinatay si jake
HAHAHAHAHA joke yung tawag. kung pwede lang eh
totoo naman lahat ng sinabi ko eh at tama lang naman ginawa ko. i know he deserves it
pagtingin ko sa mga taong kaharap ko bakas sa mukha nila ang pagtataka at pagkagulat dahil hindi pa naman nila ako naririnig mag mura o magsungit manlang. ganito lang naman kasi ako sa mga taong nananakit ng tao
it's time na rin siguro. mapagkakatiwalaan ko naman sila eh.
"Y-yumi are you... okay?" siya lang naglakas loob na magtanong sakin dahil bakas sa mukha ko ang pagkabadtrip
lahat sila naghihintay sa sagot ko
"U-uhh *clears throat* yep and ex suitor ko yun si jerk este si jake"
"Ex suitor? why? what happened?" nikki
"Well, nahuli kasi siya nung bestfriend ko na may kasamang babae sa may coffee shop doon sa ortigas..."
Kinuwento ko sa kanila lahat ng nangyari sa pagpunta ko dun, sa pagtapon ng iced coffee and sa pagpapahiya. lahat sila ay gulat ang reaksyon yung iba naman naiinis na naiirita
"Aba't sira ulo yun ah?! Asan yun? resbakan na namin?!" napatayo pang sabi ni kuya chris
ganyan talaga yan si kuya chris sobrang protective saming mga babaeng yan. sobrang bait kasi nyan ni kuya chris tas pogi pa kaya crush ko yan eh. shh lang kayo ah HAHAHA
"No need kuya. Actually, Expected ko talaga yun and hinihintay ko lang talaga na gawin niya yun" i smiled pero tila naguluhan pa sila sa sinabi ko
"what do you mean yumi?" kuya chris asked
"Well, sa totoo lang lahat ng pinapayagan kong manligaw is yung mga a-sshole, jerks, douchebag and mga g-ago ba" lalo pa silang naguluhan sa sinabi ko
O.o lahat sila ganyan ang itsura
"Yumi please explain. onti nalang sasabog na talaga ang brain cells ko i mean namin" natawa pa sila sa pagkasabi ni maggie
"I'm a jerk's heartbreaker, pinapafall ko sila, iniiwan at sinasaktan... For revenge"
Automatically, their jaw dropped
-
Author's note:
Hi!! Sorry po sa mga typo's and wrong grammar hahaha tao lang din po ako shunga ehehehVote • comment please
YOU ARE READING
The Perfect Guy
Teen FictionMatalino... Gwapo... Gentleman... Mabait... Talented... Magalang. Haruyjusko Ideal guy diba? kahit sino ay siguradong maiinlove sa taong 'to. sino ba naman ang hindi? nasa kanya na talaga ang lahat... ngunit paano nalang kung ang na...