Chapter 6
--
Hindi ko tuloy alam kung tamang desisyon ba na umuwi kami ni Enzo. Nang makabawi-bawi kasi siya mula sa pagkakahilo ay bumyahe na kami pauwi. Akala namin pareho ay babagsak kami sa higaan dahil pareho kaming pagod, pero tingnan mo nga naman, mag-a-alas-sais na ng umaga, pareho kaming nakatulala sa sofa, pareho nang walang mapag-usapan, at pareho ring walang tulog.
May duty pa naman ako mamaya sa clinic. Siguro mag-a-absent na lang ako. Dibale nang walang sahod, basta't makasama lang akong makakuha ng medical result ni Enzo. Na-co-confuse ako sa priorities ko, pero basta.
"Almusal muna tayo," 'aya ni Enzo.
Agad akong pumayag doon. Dahil pareho kaming bangag, hindi na ako nag-abala pang magluto. Baka mamaya ay malaga ko ang dapat prinitong itlog. Minabuti na lamang naming magpa-deliver ng pagkain sa online app. Ultimo magsaing ng bagong kanin, 'di na namin nagawa. Para tuloy umiikot ang mundo ko kapag tumatayo.
"Hindi ka kaya maubusan ng dugo riyan, mahal, kakapuyat mo?" puna ni Enzo habang pinapanood akong hinuhugasan ang mga mug na pinagkapehan namin.
"Ikaw nga diyan ang dapat tinatanong if okay ka lang ba o hindi dahil galing ka ospital tapos ay hindi ka pa natulog," katwiran ko naman. Dibale nang ako. Naggagamot naman ako para sa dugo at sanay na rin ako.
"Ayos pa naman, gagi." Then he chuckled weakly before laying down in the sofa.
"Maidlip ka muna. Gisingin kita kapag nandito na ang pagkain."
Enzo didn't respond so I took that as a yes to what I said. Katahimikan ang yumakap sa akin. Doon ko lamang naramdaman ang puyat, pagod, takot, at pag-aalala. Pakiramdam ko, habang naghuhugas ng baso ay maiiyak ako.
Wala pang tatlong buwan simula nang sikreto kaming ikasal. Hindi ko pa nasusulit ang mga araw dahil hindi naman kaming araw-araw nagkakasama. We are both busy with our careers, kaya kahit lagi siyang dito na sa akin umuuwi o ako naman sa condo niya, parang nagkakasalisi rin ang oras namin. Madalas pa akong straight duty kaya minsan ay naiiwan siya rito mag-isa.
Doon ko rin naramdaman ang tinatago kong pressure at pag-o-overthink. Hindi naman magtatagal at malalaman din ng pamilya namin ang naganap na kasal. Lalo na ngayon na nagsisimula na akong mag-ayos ng mga ID ko para isunod sa apelyido ni Enzo. Nangungulit na rin kasi ito. Excited na raw makita ang apelyido niya sa pangalan ko. Syempre, payag ako. Gusto ko rin naman, eh.
There are too much to think, it exhaust me sometimes, but it's okay... as long as I have him.
Napabalikwas na lamang ako nang marinig ang pagkatok sa pinto ng apartment ko sabay sabing, "Food delivery, ma'am, magandang umaga po."
Napahugot ako ng malalim na buntong hininga. Akala ko kung ano na. Palagi akong kinakabahan na baka biglang lumitaw ang ate Lucy ni Enzo o kaya sinuman sa pamilya niya.
"Salamat," tanging sambit ko matapos tanggapin ang pagkain at talikuran ang delivery man.
Agad kong nilapitan si Enzo na nakahiga pa rin sa sofa, nakatalikod sa akin. Tinapik ko ang balikat nito habang chine-check ang resibo na binigay sa akin. "Mahal, gising na. Nandito na ang pagkain."
Napapasimangot na lamang ako sa presyo ng bilihin. Pamahal nang pamahal, akala mo'y pinupulot lamang ang pera. Buti pa presyo ng bilihin, tumataas. Sahod namin, hindi.
"Enzo," muli kong tawag ngunit wala akong nakuhang kahit anong tugon mula rito.
Muli ko siya tinapik sa balikat at marahan siyang pinaharap sa akin. Ganoon na lamang ang gulat ko nang bigla na lamang siyang walang balanseng humarap sa akin at bumagsak, nahulog mula sa sofa ngunit nanatiling walang malay.
"Enzo!" tanging sigaw ko sa gulat at agad na kinalong siya. Tinapik ang kaniyang pisngi gamit ang kamay kong awtomatikong nanginig, kasabay ng puso kong binalot ng kaba at takot. "Enzo? Enzo, gumising ka," paulit-ulit kong sambit.
Ni hindi ko mawari kung papaano ako nakabalik ng ospital at kung papaano ko siya naitakbo sa emergency room. Suddenly, he lost consciousness and I can't wake him up. Is that even possible?
All I know that time is that I need him to rush in the hospital as soon as I can. Naiwan akong nanginginig sa labas ng emergency room, umiiyak mag-isa, wala man lang kasama. Gustong-gusto kong tumawag sa pamilya niya, pero mas nauunahan ako ng takot sa mga kritiko nila. Nauunahan ako ng mga 'what ifs' at marami pa.
"Mrs. Villarin?"
Agad akong napatingala nang marinig ang pagtawag ng nurse. Nakasunod sa likod nila si Enzo na tila natutulog lang sa hospital bed na tulak-tulak ng isa pang lalaking nurse.
"Tawag po kayo ni Doc."
Hindi na agad ako nagdalawang isip na pumunta sa opisina ng doktor. Gusto kong marinig ang mga resulta. Hindi ko rin alam bakit kailangan pang puma-opisina, pero bahala na talaga.
Ni hindi ko man lang namalayan na alas-nwebe na ng umaga. Parang kanina, mag-a-alas-sais pa lang, tapos ngayon ay alas-nwebe na. Abalang-abala na ang ospital sa mga walang tigil na paglabas-pasok ng mga pasyente. May mga umiiyak pa na hindi na bago sa pandinig ko.
Nanlalamig ang mga kamay kong pumasok sa opisina ng doktor. Naabutan ko naman itong nag-che-check sa kaniyang computer.
"Tawag ninyo raw ho ako. Cindy Villarin po," pagpapakilala ko.
Itinuro nito ang upuan sa harap ng kaniyang lamesa na agad kong pinaunlakan. "Asawa ni Enzo? Naku, kailan pa kinasal ang batang iyon? Nagugulat ako sa turn of events," bati nito pabalik na tila gusto pang sumagap ng chismis.
"Biglaan lang po," sagot ko rin na hindi na mapakali. I want to get down to business. "Maaari ko na po bang marinig ang balita?"
Tumango ang doktor at inilabas ang x-ray ni Enzo kanina. Agad niya itong pinakita sa akin at itinuro ang isang bahagi roon. "As you can see, Mrs. Villarin, our RadTech found out that Mr. Enzo somehow has about three centimeters lump in his chest that is primary causing chest pain."
I felt like I'm getting deaf.
"We advice to take echocardiogram to confirm the lump. For now, we will watch until he wakes up."
Few hours later, Enzo has awaken.
Three days after, we found out that it's cancer.
--
asereneko.
![](https://img.wattpad.com/cover/326364558-288-k138810.jpg)
BINABASA MO ANG
FS #6: Something We Got To Give
RomanceAwesomely Completed! Drama Monitored by The Project Finish ───────────────────── How far can Cindy Arizala-Villarin stand and fight for her family if the hardest part of the war is loving them? ───────────────────── Written by asereneko 📖 : Let's b...