Chapter 2

4 0 0
                                    

Basti's Pov

Nang makauwi kami ni Rica galing sa mall ay dumeretso na ako agad sa aking apartment habang bitbit ang mga binili kong grocery. Sinamahan nga ako ni Rica na mag grocery kahit buryong buryo na sya sa sobrang tagal ko daw mamili, Hahahah!

"Hayss, kapagod!" Sabi ko ng may kalakasan habang inaayos ang mga pinamili ko sa mini ref. Buti nalang talaga nag leave ako for 1 week sa trabahong pinapasukan ko para maiayos ang mga kailangan kong gamit sa padating na pasukan.

Nagtungo na akong cr para makapaglinis na ng katawan. Pagkatapos kong maligo ay dumiretso nako sa aking closet upang magsuot ng pambahay. Agad akong tumalon sa kama upang mahiga.

"Ano na kayang nangyayari sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko?" tanong ko sa sarili ko habang nag mumuni muni.

Ako nga pala ay nag tatrabaho sa isang coffee shop mga mars, MM coffee shop ang pangalan neto, kaya dalian nyo na at bumili sa amin! Endorser ka gurl?

Sa ngayon, may naipon naman ako sa pagtatrabaho sa nakaraang buwan, kaya hindi ako gipit ngayon, hindi ko lang alam kapag nagsimula na ang pasok.

Nagpapasalamat naman ako sapagkat napakabait ng Amo namin sa coffee shop, si Mr. Martin Santos ang may-ari ng coffee shop na pinagtatrabahuan ko.

Humikab na ako at nagbabadya ng bumagsak ang mga talukap ko , kaya pumikit na ako para makatulog. Hindi rin nagtagal ng nakatulog na rin ako dahil na rin sa sobrang pagod.

=_=

Nagising ako sa malakas na tunog ng punyemas kong Alarm clock. Unti nalang talaga ihahagis ko na tong bagay nato! Bwiset.

"Hindi ba pwedeng, matulog muna huh? Takteng buhay toh, Kailangan ko pa ng beauty rest!!! Inis na sambit ko habang nakatitig sa alarm clock na Alas 4 na ng umaga ang oras.

Pinindot ko ito ng may kalakasan, hindi nako magtataka kung masisira itong bagay na to soon. Bumangon na ako ng higaan upang maghilamos.

Pagkatapos kong maghilamos ay kinuha ko ang cellphone ko at muling humiga sa higaan. "Wala naman yata akong gagawin masyado ngayong araw" sambit ko sa sarili ko.

Binuksan ko ang cellphone ko at nagtipa, ng bigla itong tumunog na hudyat ng may tumatawag sa akin. Nakita kong ang baklang kampon ni satanas ang tumatawag sa aking mahiwagang cellphone.

Inaccept ko ang call na dapat pala hindi nalang kasi halos mabingi ang ear drums ng lola nyo dahil sa punyetang tili ng baklang nasa kabilang linya.

"Baklaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" Tili ng bruhang nasa kabilang linya.

"Aray! Punyemas ka bakla. Mabibingi ako sayong bruha ka. Pepektusan kita pag nagkita tayo tamo!" Inis kong sambit habang ni loud speaker ang cellphone sapagkat baka lumuwa na ang mata ka sa sobrang lakas ng boses ng bruha kong kaibigan.

"Ay, sorry Basti Haha, pero kasi eto na nga bakla may good news ako sayo... Kyaaaahhhhhhh" Sambit ni Rica na tila hindi mapakali sa sobrang kilig.

"Ano ba kasi yon bakla? Ang aga aga nambubulabog ka!" Inis na turan ko sa kanya.

"Eto naman, Highblood ka gurl? Red days natin today? Wala ka namang powki, ilusuyunadang hindot." Sambit nya sa kabilang linya.

Righteous talentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon