R-18. Read at your own risk.
"What? What is that?" nakangiwing tanong ni Faye habang minamata ang kamay ng Kuya niya na nakahawak sa aking bewang.
Hindi umimik si Sir Silas. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang hawak pa rin ang bewang ko. Si baby Remi na buhat buhat ko ay nag-iingay, salita siya nang salita na hindi naman namin maintindihan. Napanguso tuloy ako.
Binuksan ni Sir ang kotse. Tumingin ako sa kaniya. "Get in," sabi niya na agad ko namang sinunod.
Umayos ako ng upo sa kotse. Nasa harapan ako katabi si Sir Silas na busy sa pagda-drive. Nakasimangot pa rin siya pero wala ata talagang pakialam sa kaniya si Faye na iniirap irapan lang siya.
"Here, Ate Aila. We should eat this one first, baka kasi mag-make tayo ng mess if 'yung nasa stick ang first nating ie-eat." Inabot sa akin ni Faye ang magnum ice cream na nasa malaking cup.
Ngumiti ako sa kaniya bago nagpasalamat. "Thank you," anas ko.
Tumango lang siya at hindi na umimik pa. Binuksan ko ang ice cream at tinanggal ang paper na nakatakip para sa pangalawang lid. Sumandok ako gamit ang plastic spoon at halos mapasayaw dahil sa sarap nito.
"It taste so good, Ate Aila 'no? I love this ice cream since I was so maliit pa," daldal sa akin ni Faye.
Tumingin ako kay Sir. Nakasimangot pa rin siya. Sumulyap siya sa akin kaya napakurap kurap ako at nagiwas agad ng tingin. Sumandok ako nang kaunting ice cream. Itinapat ko ang kutsara sa bibig ni baby Remi na agad naman niyang kinain.
"Hmm," nasasarapan na anas ni baby Remi. Sinubukan niya pang kunin sa akin ang ice cream pero inilayo ko agad dahil baka magkalat kami dito.
Nang makarating kami sa tapat nang mansiyon ay basta na lang itinigil ni Sir ang sasakyan. Bumaba siya ng kotse at ibinigay sa guard ang susi ng sasakyan.
Pumunta siya sa side ko at binuksan ang pintuan. Kinuha niya sa akin si baby Remi at hinintay akong lumabas ng kotse pagtapos ay sinara niya na iyon.
Pagtapos noon ay iniwan na niya akong mag-isa. Humaba ang nguso ko. Hmp, paasa talaga ang Sir Silas na 'to! Siguro wala siya sa menopausal stage ngayon kaya medyo mabait siya sa akin.
__
Mabilis na lumipas ang ilang linggo. Tahimik ako habang tinitignan si baby Remi na salita nang salita na hindi ko naman talaga maintindihan. Ang tanging naiintindihan ko lang ay ang thank you at bye niya sa tuwing inaabutan niya ako ng laruan sabay alis.
Pinabantay ulit siya sa akin ni Sir Silas dahil may urgent meeting na naman siya. Problemadong problemado na naman ang mukha niya kanina bago umalis. Kahit si Sir Theo na retired na sa paghawak ng kompanya ay kita kong na-stress din.
Malakas na humikab si Remi. Tinaas niya ang kaniyang kamay at namamasa ang mata na tumingin sa akin. Ngumuso ako at agad na lumapit sa kaniya. Kumapit siya sa braso ko bago yumakap sa aking leeg.
"Sleep na ikaw, baby?" malambing na tanong ko. Hinaplos ko ang kaniyang likod.
Gumawa siya ng maliliit na ingay at hindi na muling umimik pa. Isa sa napansin ko ay sa tuwing inaantok na siya ay nawawala ang pagkamadaldal niya.
Hinele hele ko siya hanggang sa makatulog siya sa aking leeg. Ibinaba ko rin naman agad siya sa kama bago ako nag-unat nang kaunti dahil medyo nangalay ako.
Tumingin ako sa orasan. Alas dose pasado na. Kaya pala inaantok na rin ako. Bumuka ang aking bibig dahil sa paghikab. Kumurap kurap ako at pilit na nilabanan ang aking antok. Pero, hindi ko na talaga kinaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/326748506-288-k541676.jpg)
BINABASA MO ANG
Single Dad Club 1: Tempt
General FictionDahil sa hirap ng buhay ay napilitan si Aila Ramirez na magtrabaho sa Maynila. Iniwan niya ang buhay sa probinsya at nag-trabaho sa puder ng mga Montero. Ang akala niya ay magiging maid lamang siya na puro household chores ang ginagawa. Ang hindi n...