Just a Dream

27 2 2
                                    

Summer's POV

Kagigising ko lang at naghahanda na ako para pumasok. Foundation kasi namin. Kailangan maaga ako kasi ako ang naasign maghawak ng attendance sheet namin ngayon. At may practice din kami para sa jump street.

"Ate tara na po. Naghihintay na po si kuya KKarding. Hahatid niya daw po tayo ngayon."

Yes, may kapatid ako. Nag aaral din siya sa school ko. Grade six palang siya. Princeton Academy ang school namin.

"Sige! Bababa na!" Sigaw ko.

Nagbabiyahe kami patungo ng school ng biglang......

Blag!

"Kuya anong nangyari?!" Sigaw ni Shaneen.

"Ma'am may nakabangga po sa atin." Halata sa boses ni kuya ang takot. Kase for sure, he'll get fired kapag nalaman ito ni mommy.

"What?!" Sabi ko. Bumaba ako agad ng sasakyan.

"Hoy! Bumaba ka diyan! Tignan mo ginawa mo sa sasakyan ko!" Sigaw ko. Aba matinde 'to a. Ayaw mo pa bumaba ha!

Blag blag blag

Katok ko sa bintana niya.

"Bumaba ka sabi!"

Sa wakas gumalaw na sya kaso binaba niya lang yung bintana. Hindi ko masyado makita ang mukha niya kasi kalahati lang ang binaba niya.

"What? May balak ka bang sirain ang kotse ko? Look, nasira niyo na nga mas sisirain mo pa?" Sabi niya habang nakakunot ang noo.

"Antipatiko ka pala e! Gaguhan lang? Ikaw na nga ang nakasira kami pa sisisihin mo?!"

"Look, I'm in a hurry. Ipaayos nalang natin yan. Huwag ka lang gumawa ng scandalo." Kapal nito a! Ako pa gumagawa ng eskandalo ngayon.

"Here's my calling card. Tawagan mo nalang ako kapag ipapaayos niyo na yan." At nagdrive na siya paalis. Walang hiya yun! Ni hindi man lang sinilip yung nadamage niya. Tinignan ko yung calling card. Winter Kenjie Alfonso? Nevermind.

"Kaya pa bang umandar kuya?" Tanong ko.

"Yes ma'am. Bumper lang naman po yung may damage."

"Okay. Pakihatid nalang po muna kami then iuwi niyo po muna sa bahay niyo."

"Sige po ma'am"

Pagdating namin sa school dumiretso agad ako sa faculty room. Maaga pa naman. 6:35 palang e 7:15 pa naman ang time in ng students sa attendance.

"Good morning ma'am." Bati ko sa math teacher ko.

"Good morning sir." Bati ko sa adviser ko.

"Hi Janineee." Bati ko sa anak niya.

"Hi ate Summeeeww."

"Summer, tutal first day ngayon ng practice niyo, ako nalang magpapaattendance. Sige na. Focus on your practice para manalo kayo. Nandun na daw yung leader niyo."

"Sige po sir. Thankyou po. Babye Janineee."

"Babye atee. Wabyu." Hahaha. Ang cute talaga ng bata na 'to.

------------

Winter's POV

Andito ako ngayon sa dance studio ng school namin. Badtrip nga dahil nabangga yung ferrari ko, alagang alaga ko pa naman yun.

"Ang tagal naman nila." Bulong ko sa sarili ko. Hanggang sa may kumatok na.

"O, Athena. Ayan ka na pala. Anong oras daw dadating sila Dave?" Siya si Athena Pascual, kasama ko sa mga magtuturo sa mga kamember namin.

Just a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon