Walang forever

26 2 2
                                    

Kahit kelan wala akong time makipag-usap sa kahit anung online chat o kahit kaninong tao maliban na lamang sa girl friend ko. I would rather spend my time chatting with Angela - my girlfriend than having chat with strangers. Ang pinagkaiba nga lang. Yong girlfriend ko parang walang ng gana makipagchat sakin.


Me: Babe, kakauwi ko lang ng bahay. Ikaw?


......typing......


biglang natigil ang pagtatype. ilang minuto na ang lumipas...


seen


Me: Babe, asan ka na? nakaduty ka na ba? hindi ka man lang magreply.


after two minutes. Nag pop up ang facebook messenger ko.


Angela: Babe, sorry. May ginawa kasi ako.

Angela: yes, nasa office na ako babe.


Nakaramdam agad ako ng tuwa nang mabasa ko na sa kanya nanggaling ang message. Agad akong nagreply.


Me: Ah ganun ba. Eh 1 hour pa babe bago ang shift mo ah. Anu ba ginawa mo?


Ilang minuto ulit ang lumipas bago sya sumagot.


Angela: Ah, wala naman babe.


Nainis ako bigla sa nabasa ko.


Me: Anu ba yan babe. Kanina sabi mo may ginawa ka. Ngayon sasabihin mo wala naman. Pinagloloko mo ata ako eh. Sino ba yang pinagkakabusyhan mo ha. Kahit nga yong pagreply sakin napakatagal. Nakaonline ka naman. Seenzoned na lang ako sayo palagi.


Angela: Kung naiinis ka, eh di wag ka na magchat. Wag mo na din hintayin na magrereply ako sayo.


Me: Ah ganun pala ha. Sige kung yan ang gusto mo.


Angela: OK


Parang uusok ang ilong ko sa sobrang inis. Bakit sya ganun? Alam ko na nakaonline sya. Ramdam ko na nandyan lang sya. Binabasa nya lang lagi ang message ko sa kanya. Malakas ang kutob ko na may iba syang kachat eh.

Ang hirap naman ng ganito. Pagod na nga sa trabaho tapos ganito pa ang ginagawa sakin. Gagohan pala to ah. Sige. Gagayahin kita.


Pinangsesendan ko ng message ang mga friends ko sa FB. Meron namang nagreply pero boring.


While scrolling my news feed. May nabasa akong ONLINE CHAT WITH STRANGERS. Isa itong application na kung saan, pwede ka makipagchat sa kahit sinong tao. Exclusive for chats lang talaga. Parang nacatch ang attention ko.


Since strangers naman ang makakachat ko so I decided to try this app. Just for fun.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tol, hindi tayo talo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon