Chapter 1-Crush to Crusher!?

52 2 2
                                    

Allison's Pov

"Sir good morning sir!" Ang sabay sabay naming bati sa napaka poging commander namin!

Ganito kasi kami every morning. Kaming mga Cadets and Cadettes, ng CAT sa school. Sasaluduhan namin ang lahat ng makikita naming officer. Ang pogi nga ng officer namin na to eh! Siya si Rex Vincent Follocsso. Grabe promise ang pogi pogi niya!!!

"Military secrecy!" Sigaw niya pero parang di ko na din pinansin... nakatitig lang kasi ako sakanya.. atska parang, reddish mata niya! Ngayon, dahil sa katititig ko sakanya, sila lang ang nag recite. Haha.

"Ikaw! Ano rango ko!?" Ang sigaw niya.

"Huy bakala! tinatanong ka!" Ang sabi sakin ng classmate kong si Frances

"Ahhh ehhh ahmmm sir! Cadet Major Follocsso,Rex Vincent Staff 4 Logistics sir!" Yan ang sagot ko sa kanya nang maloka ako dahil nasa harap ko na siya. Shetness! Nakakahiya! Minus ganda points to sakin!!!

"Sa susunod pay attention sa kinocommand hindi sa nagkocommand! Naiintindihan ba!?" Ang pasigaw niyang tanong samin.

"SIR! YES SIR!" Ang sabay sabay naming sagot. Shete nahalata niya ako hahaxD

"You!" Ang sigaw niya sabay turo sakin. OmG!!! Sana kunin niya number ko hahaxD

"Sir!?" Ang sigaw kong patanong.

"Drop like a land drop!" Ang sigaw niya na halos ikabingi ng tenga ko!!! Kaloooka! Medyo nalumbay ako dun ah! Akala ko kukunin niya na number ko hindi pala!-.- ang masaklap pa dun! Push up pala ang gagawin ko!!!

"Sir!? Seriously!? Wala naman po akong nagawa ah!?" Ang pagprotesta ko. Eh wala naman kasi talaga akong ginagawa!

"I said drop!!!" Ang sigaw niya ulit.

"Sir teka lang naman!? Linaw-" di ko naituloy ang dapat na sasabihin ko dahil umeksena siya.

"Pag nagdahilan ka pa, dadagdagan ko yan!!! I will make it 3 weeks push up-s instead of 1!" Ang sabi niya. Aba aba! Medyo malaki din pala ulo ng lokong to eh!

"Teka si-" di nanaman niya ako pinatapos at umeksena nanaman siya.

"3 weeks push up! Count!" Sigaw niya. Now Im the center of attraction here!!! Halos lahat ng studyante sakin nakatingin!

So si ako walang nagawa dahil nagbell na! Alangan namang, bell na nga magmatigas pako sa pagpush up diba!? Edi na late kami sa 1st subject!? Buti na lang nga at si sir Rom ang 1st subject eh! Mabait kasi yun si sir Rom! Kavibes naming mga studyante!

"Sir 1 sir, sir 2 sir..." ang sigaw ko dun sa hallway.. hanggang sa abutin na sa 21 ang push up ko.

"Up!" Ang sigaw niya. Si ako naman siyempre tumayo...

"Sir orders complied with sir! Sir thank you sir!" Ang sigaw ko matapos pumadyak ng tatlong beses! Medyo urat ako ngayong umaga ha!!! Pagpush-up-in daw ba ako eh ang fresh fresh ko pag pasok tapos wala pang tanghali hoggard na kaagad ako! =_= Grrrr! May araw din sakin yang Rex na yan! Di ko na siya crush! Kala niya ah! Napaka yabang pala! Yung as in nuknukan ng yabang!!!

Pinababa na niya ang mga kamay naming naka saludo sa kanya at pumunta na sa room.

"Hoy bakla!? Okay ka lang!? Kapagod yung ginawa mo kanina! Para kang lalaki hahaha" ang bungad sakin ni Frances pag pasok namin ng room.

"Hahaha oo okay lang ako! Ikaw okay ka lang!? May pa pink, pink headband ka pa na may tenga ng pusa eh muka ka namang piglet!!!" Ang sarcastic ko namang sabi. Kaurat kaya! Badtrip ako ha! Badtrip!

Ang Story ng Wattpad ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon