Sabi nila true love waits, love is unselfish, blind, and full of mysteries. May ibang nagsasabi na alam na nila ang lahat tungkol sa pag-ibig through their experiences. Yung iba naman nagsasabi na eksperto na sila sa ganyang mga bagay dahil nahanap na nila ang kanilang true love. But the truth is...ang true love ay parang star sa langit. Marami ang nagpupumilit na matuklasan ang lahat at magpaka-eksperto dito. Pero ang totoo, walang sino man ang nakakaalam ng lahat-lahat tungkol dito tulad din ng katotohanan na walang sino man ang makakaabot nito.
Isa ako sa mga taong masasabing hindi pa naranasan ang magmahal ng isang taong espesyal. At isa rin ako sa mga sinasabing "kung sino pa ang single, siya pa yung magaling mag-advice."
Minsan nilapitan ako ng isa kong kaibigan. Tinanong niya ako kung tama pa ba ang ginagawa niya na umasang maaayos pa ang lahat sa kanila ng taong mahal niya. Umaasa na muli pang maibabalik ang lahat sa dati. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Because the truth is...mahirap ang umasa sa isang taong ni hindi mo alam kung may pagpapahalaga pa para sa'yo. Para kang nag-aantay tuwing gabi sa pagdaan ng isang shooting star. Umaasa ka na makakapag-wish ka kahit hindi mo alam kung nagkakatotoo nga ba ang wishes sa shooting star. Pero wala naman tayong magagawa dahil ang "pag-asa" ay isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagpapatuloy sa buhay.
Sabi pa ng kaibigan ko, nagmumukha na raw siyang tanga. Nagpapakatanga siya para sa kanya. I can't blame her. Because the truth is...walang nagmamahal na hindi nagpapakatanga. Yung pagpili mo pa lang na magmahal kahit alam mong pwede kang magkamali at masaktan ay isa nang katangahan.
Bakit daw ang hirap magmove on. Move on? Para sa isang taong nagmahal nang totoo, walang ibig sabihin ang salitang move on. Dahil oras na naibigay mo na sa isang tao ang puso mo, hindi mo na ito mababawi pa nang buo.
Sa oras na magmahal ka ng isang tao, hinding-hindi na mawawala ang pagmamahal mo para sa kanya. Parang paghanga lang din sa mga bituin. Maaaring mapagod ka't magsawa sa pagtingin sa kanila at piliin mong hindi na tumingin sa langit kailanman. Ngunit darating at darating ang panahon na muli kang mapapatingin sa kalangitan mula sa kadilimang iyong kinatatayuan. At doon, maaalala mo na minsan sa buhay mo, ang espesyal na bituin na iyon ang siyang nagbigay ng saya at liwanag sa buong pagkatao mo.
Sabi niya sa akin, ang galing ko daw talagang mag-advice. Ang talino ko daw talaga. Sabi ko naman, pag magbibigay ka ng advice sa isang taong broken hearted, hindi mo kailangang gamitin ang utak mo. Puso ang nasaktan at nawala sa kanila. Ang kailangan nila ay hindi isang matalinong isipan kundi isang pusong matatag at marunong umintindi. Isang puso na handang tumulong para maibsan ang sakit at bigat na kanilang nararamdaman.
Marahil sasabihin ng iba, paano ko masasabing totoo at tama ang lahat ng nakasulat dito kung ako mismo hindi ko pa naranasang magmahal at masaktan ? The truth is...I don't even know kung ang mga ito nga ay mga katotohanan tungkol sa pag-ibig. And no one will ever know. Dahil tulad nga ng sinabi ko, ang true love ay parang isang star. Ginawa ito ng Diyos hindi para pag-aralan at alamin ang mga misteryo nito. Ginawa Niya ito upang magsilbing liwanag at inspirasyon sa buhay natin. Mayroon talagang mga bagay na hindi na kailangan pang alamin, kailangan lang nating magtiwala na kung ano man ang mangyayari, it's the best for us. Kaya naman kung ngayon ay nag-iisip ka na kung ano nga kaya ang tunay na kahulugan ng pagmamahal, wag mo nang ituloy pa yan. Just sit back, relax and let it be what it's supposed to be.