Napalingon ako sa pinto ng aking kwarto nang bigla itong bumukas.
“Vien Rose, Bakit gising ka pa anak? Diba pagod ka sa byahe?”
“Hindi pa po ako inaantok manang, saka halos tulog din po ako buong byahe.” Nakangiting sagot ko, binuksan ko ang maletang dala ko para ayusin ang gamit ko.
“Vien anak, ang dami mong dinalang mga gamit, mukhang lahat ng gamit mo sa Maynila ay dinala mo na, mukhang magtatagal ka dito ha.” Bahagya akong natawa sa sinabi ni manang. Dalawang ma-leta kasi ang dinala ko, ang isang ma-leta ay walang laman, may mga balak kasi akong dalhin na gamit na mga naiwan ko dito.
“Manang hindi ko pa alam kung magtatagal po ako dito.” Hindi ko alam kung kaya ko ba talaga magstay dito.
“O’sya inumin mo na lang ‘tong gatas mo dito, dinalhan din kita ng cookies na paborito mo, recipe ng mommy mo ‘yan. Alam ko kasi mas mabilis ka nakakatulog pag kumakain ka ng matamis.” Nilapag ni manang ang tray na may laman na gatas at cookies. Lalabas na sana ng kwarto si manang ng tawagin ko ulit s’ya.
“Manang, p’wede ko po ba kunin ‘yong susi sa dulong kwarto?”
“Vieen….”
“Manang please, handa na po ako. Baka makatulong din po sa’kin ‘to.” Nakangiti kong sagot kay manang.
6 years had passed, I prepared myself for this. Siguro naman kaya ko na, napapagod na din akong tumakas, gusto kong tulungan ang sarili ko.
Tinabi ko muna ang mga maleta ko at pumunta ng veranda ng aking kwarto.
Wala pa din talagang pinagbago dito, ibang iba sa Maynila. Sariwang hangin, sobrang tahimik---maliban sa asong tahol nang tahol, nakatingala s’ya dito sa taas ng veranda at tila parang may gustong abutin. Napatingin naman ako sa hawak ko. Cookies, tingin ko gusto n’ya din tikman ang kinakain ko na cookies.
“Nagugutom kana ba? Ito abutin mo ha” kumuha ako ng cookies sa plato at hinagis ko. Agad naman n’ya itong kinain. Hindi naman gano’n kataas ang veranda na kinakatayuan ko, nasa pangalawang palapag lang din kasi ang kwarto ko.
Natutuwa ako habang pinagmamasdan ko s’yang sarap na sarap sa kinakain na cookies. Recipe ng mommy ko ‘to, ka-partner ng gatas na hinahaluan n’ya ng mga paborito kong chocolates, sobrang hilig ko ang chocolates, tila sleeping pills ko ang mga ‘to kaya pag hindi ako makatulog ito lang lagi ang dinadala ni mom sa’kin sa kwarto.
I miss you so much mom….
Binalik ko ulit ang tingin ko sa baba ng veranda.
“Gusto mo pa ba—huh? Nasa’n na ‘yon?” Nagtakha ako ng ibaling ko ang tingin ko sa asong kanina lang ay sarap na sarap sa kinakain na cookies. Naaninag ko na parang may naglalakad na tao sa ‘di kalayuan, naka-white ‘to na hoodie jacket at white pants. Karga n’ya ‘yong asong kanina lang ay nasa baba ng beranda ko.
“Wala manlang thank you?!” I shouted, alam ko narinig n’ya ako dahil huminto pa ‘to sa paglalakad ngunit hindi manlang ito lumingon at nagmadali ulit sa paglalakad.
*yawn*
Nakaramdam agad ako ng antok kaya Bumalik na ako ulit sa loob ng aking kwarto.
“Bukas ko uumpisahan lahat, sana sa pagbalik ko dito mapatawad ko na din ang sarili ko…”
YOU ARE READING
LA VIE EN ROSE
Short StoryDeath. Regrets. Tragic. I suffered a lot, I suffered everyday. I don't know when to move on, I don't know where to start. Living with an attitude or outlook of posivity in life is hard for me. Trying to see the beauty of everyday. I tried. B...