AKIN KA NALANG

11 0 0
                                    

AKIN KA NALANG

Nakatitig na naman ako kay Crush..

Ay wait, di ko na pala sya crush, mahal ko na pala sya.

Nagsimula ito ay nung 2nd year highschool pa kami hanggang ngayong 4th year college na kami.

Classmate ko siya and same course kasi sinundan ko sya. Pinagsikapan ko na kunin itong course nya na to kahit na ayaw ko, pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandito sya, atsaka graduating na ako oh, ngayon pa ba ako aantras? Masaya naman ako kasi lagi kaming magkasama, not actually magkasama na magkasama, yung parang pag nakikita ko sya ayos na. Nawawala na yung pain na gawa ng mga terror kong mga prof.

Hayss. Kelan mo kaya ako mapapansin?

Ilang beses na akong nagpapapansin sa kanya pero dedma pa rin.

Tiningnan ko siyang maglakad hanggang sa pumasok sya sa room ng IV-Crystal.

Tss. Pupuntahan na naman nya si Brianna. Nakakapagselos naman. Huhuhu.

Hindi naman talaga sya mahal nung Brianna na yun e.

Kilala ko yun, playgirl yun e. Isang week 3 boyfriends, or worse, 5. Huhuhu. Masasaktan ka lang mahal kong Charles. T___T

Papasok na sana ako sa room nila upang pigilan si Charles na pumunta dun pero i'm late. Nakita ko si Charles na nakaluhod sa harapan ni Brianna at umiiyak.

"Please Brianna, babaguhin ko sarili ko. Hindi ko na papansinin mga classmate kong babae. Please bumalik ka lang sa akin." -Charles

Aww, bakit mo ba ginagawa yan Charles? Andito naman ako ah? Naaawa ako sayo Charles. Di mo dapat niluluhuran yang mga taong ganyan... Ipaglalaban kita.. It's now or never.

Lumapit naman ako kay Charles at hinila sya patayo, ngunit di sya tumayo.

"Charles hindi mo dapat ginagawa yang mga ganyang bagay. Hindi mo deserve yang... *tingin mula ulo hanggang paa* yang taong gamit na ng iba't-ibang lalaki." sabi ko.

Oo maganda si Brianna, pero naku, kung alam nyo lang, andami ng naka ano yan naku po, baka magka HIV si Charles my labs.

"WHAT?!" sigaw ni Brianna na halatang nagalit sa sinabi ko.

"Gusto mo-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla nalang akong sinabunutan nito. Hindi naman ako nagpatalo at sinabunutan ko rin siya.

Agad namang dumami ang kumpulan at yung iba nagpustahan pa.

Hindi na ako katulad nung highschool Brianna.. Kung akala mo na kaya mo ako, nagkakamali ka. Dati kasi lagi nila akong binubully kasama nung mga alipores nya na sina Mariel and Lottah.

"G-Girls help!" sabi nya na medyo hirapan na kasi napupuruhan ko na sya andami naring nalagas na buhok mula sa kanya.

Bigla namang natauhan yung mga alipores nya at nakijoin na rin sa sabunutan namin.

Madaya sya. Ako magisa sila tatlo?

Nang macorner nila ako, hinawakan ni Mariel yung right hand ko, si Lottah sa left, and Brianna? Nasa unahan ko.

"Madaya kayo! Ako iisa, kayo tatlo!" sigaw ko sa kanila ngunit parang wala silang narinig.

Tapos tuluyan na akong sinabunutan ni Brianna.

"Araaay!"

Nakakaloka naman oh, di ako makaganti.

"STOP!" napatigil nalang si Brianna ng biglang sumigaw si Charles at nabitawan ako ng mga churva na yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AKIN KA NALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon