°°°Bea°°°
Haay... New day at my new school. Kainis talaga. Bakit pa kasi kaylangan pa namin lumipat. Yan tuloy magstastart over again ulit ako with my friends, my life and especially my love life.....Ang perfect perfect na sana ng life ko kung hindi dahil sa dalawang bagay. Una naglipat kami ng bahay dahilcsa business na pinamumuno ng mga parents ko at pangalawa, pinipilit ako ng parents ko na makipagengage sa lalaki na hindi ko naman mahal, si Gerald. Ginagawa lang nila toh para tumaas ang shares ng kompanya namin pero ayaw na ayaw ko yun gawin pero pinilit parin ako ng mga parents ko.
Haay... At dahil rin sa plan nila na makipagengage, nasira ang perfect love life ko kay Andrew. Iniwan ko siya na nasaktan at hindi manlang ako nagmakatatag at tumutol sa mga magulang ko. Pero... Pero... Pero... Sinisisi ko parin ang sarili ko. Hindi ako matapang, isa akong duwag at pinagsisisi ko yon.
"Andrew sorry, pero tapusin na natin ang relation na ito"
"Ha?! Alam mo ba ang sinasabi mo Bea?!" Hinawakan ni Andrew ng mahigpit ang mga kamay ko at nakatingin lang siya saakin. Kapag tiningnan mo lang ang mga mata niya. Malalaman mo na na may lungkot sa loob ng mga yonBumitaw ako sa paghahawak niya. At tumingin ako ng seryoso sakanya.
"Alam ko ang mga sinasabi ko Andrew at seryoso ako. Tapusin na natin to"
"Pero Bea!-" hahawakan na naman niya sana ang kamay ko pero umilag ako agad.
"Patawarin mo ako. Hindi ko na kaya Andrew. Nasasaktan na ako!"
"Bakit?! Dahil ba yon sa engagement plan ng parents mo?! Di ba sabi mo na makakayanan natin toh! Di ba sabi mo na wag na wag tayong susuko at kahit anong mangyari walang makakapaghiwalay saatin! Di ba pangako mo yon?!"
"Alam ko yon Andrew pero bigo na ako! Hindi ko na kaya toh! Mahirap na mahirap!"
"Wag ka nga magpakaduwag Bea! Lumaban ka kung lalaban! Wag ka sumuko nalang agad agad!"
"Hindi mo alam ang mga nararanasan ko Andrew! Hindi mo alam! Minahal naman talaga kita at wala na akong mamahalin pa pero hindi ko pwede pabayaan sina mom at dad!"
"So ganon nalang! Susuko ka na at iiwanan mo nalang ako dito na nasasaktan?! Hindi ka manlang lalaban?! Bea ang puso mo ang nakataya dito! Papayag ka nalang ba na makipag kasal sa tao na hindi mo naman mahal?!"
"Oo! Mas gustusin ko pa yon kaysa sa tao na alam ko naman na hindi ko naman kayang pagkatiwalaan!"
"Bea! Hindi ko mahal si Kory! Hindi! Ikaw lang ang mahal ko! Siya lang kasi ang nagseselos kaya siya nakagawa ng bagay na yon!"
"Tigilin na nga natin toh Andrew, sawang sawa na ako. Mas mabuti pa kung hindi nalang tayo makita pa."Yon ang mga huling sinabi ko bago pa ako tuluyang umalis. Iniisip ko sa mga panahon na iyon. Di ba dapat mas unahin ko muna ang mga kaylangan ng mga magulang ko kaysa sa kanya?! Pero habang tumatagal ng tumagal noong iniwan ko si Andrew, lalo lang ako nasaktan ng nasaktan dahil masakit na malaman mo na ikaw ay hindi oa nagmomove on pero ang dati mong boyfriend ay nahmove on na agad agad.
Sa buong taon na iyo ay yon ang pinakanakakalungkot na taon para saakin. Marami akong nasaktan at pinagsisihan ko
Pinagsisisi ko!•TOK! TOK! TOK!•
"Ate? Gising na. Nakahanda na ang breakfast!" Sigaw ng kapatid kong si Bonnie sa kabilang bahagi ng pinto. Pinunas ko ang mga luha ko at binuksan ang pinto.
"Sige Bonnie, susunod nalang ako" naglabas ako ng pekeng ngiti para hindi na mag-alala si Bonnie.
"Ate umiyak ka ba?"
"Ha! Hindi ah. Sige mauna ka na kumain. Magreready pa si Ate"
"Sige!" Bumaba na si Bonnie at nawala na ang ngiti ko sa mukha.Patawad Bonnie at nagsisinungaling ako. Pero ayaw kita pagalahanin....
Pagkatapos kong maghanda para sa school bumaba na agad ako. Nakita ko na kumakain ng breakfast si Bonnie mag-isa. Nasa trabaho na naman siguro sina Mom and Dad. Mas inuuna pa nila ang work kaysa sa family time.
"Ate! Halikana kain ka na! Yaya made pancakes" sabi ni Bonnie habang sumusubo ng malaking piraso ng pancake sa bunganga.
"Hindi na ako kakain. Busog pa ako"
"Awww, not even one bite?"
"Bonnie, busog pa talaga ako"
"Ate naman eh! Please!"Haay naku... Ginagawa na naman niya ang puppy eyes niya. Alam niya kasi na hindi ko siya matitiis.
"Aish! Sige na nga! Pero isa lang ha!"
"Yehey! Dali ate upo ka na" ngumiti ako at umupo sa tabi ni Bonnie. At least siya yung nagpapasaya saakin lalo na kapag sobrang nalulungkot ako.Pagkatapos namin kumain sumakay na kami sa isang black ferrari. Kinuha ko ang phone at headphones ko at nakinig ako sa "The Heart wants what it wants" by Selena Gomez. Haay... Pasukan na. Kainis talaga!
"Ate! Ate!" Lumingon ako kay Bonnie at lumapit siya saakin.
"Ate, excited ka na ba sa new school natin?!"
"Mmm... Oo"
"Ako nga rin eh! Excited na ako magmeet ng new friends! Driver bilisa niyo po ha! Para may mameet na agad akong friends!"
"Yes po ma'am" sabi ng driver.Umandar na ang kotse at umalis na kami. Pinikit ko ang mga mata ko at finocus ko ang pakikinig sa music.
Nang natapos na ang kanta sumunod ko namang narinig ay "Buko" by sabay napadilat ako sa kantang yon. Haay... Ito ang isang memory namin ni Adrew. Ito ang naging Theme song para saaming dalawa. Haha, palagi nga namin toh kinakanta eh. Nakakamiss rin pala ang mga masasayang moments namin pero hindi ko parin makakalimutan ang mga masasama.Bigla may naramdaman akong tumulo sa pisgi ko. Pinunasan ko naman agad yon.
Hindi ako pwedeng umiyak iyak. Ako nga ang nangiwan eh. Kaylangan ko nalang tanggapin to at magmove on.
Ilang minuto na kaming bumabyahe at sa wakas nakarating narin kami sa Romello Heights, ang bago naming school. Haay... Ito na!
Binuksan ng driver ang pinto at bumaba na kami.
"Ma'am, utos ng parents niyo na susunduin ko po kayo pagkatapos agad ng lahat ng classes niyo"
"Ok thank you" nagbow ang driver at umalis na.
"Wow! Ang laki rin pala ng school na ito!"
Malaki nga. Baka puro mayayaman ang mga nandito. Tiningnan ko ang oras at maaga pa pala. Hinawakan ko ang balikat ni Bonnie
"Sige Bonnie, punta ka na sa class. Maraming friends ang naghihintay sayo"
"Hmmm! Ok bye ate!"
"Bye" tumakbo na papasok si Bonnie at ako namam ay lumakad lang. Pagkapasok ko sa loob, namangha naman ako. Magkasing laki lang ang school na ito sa dati kong school.Lumakad lang ako at hinanap ko ang locker 248. Nang lumalakad ako bigla may taong bumangga saakin at napatumba ako sa sahig. Great! First day of school natumba agad. Tumigil sa pagtatakbo yung taong nakabangga saakin at tinulungan akong tumayo.
"Sorry ha! May humahabol kasi saakin eh"
"Huh? Sino naman yon?"
"Ah wala lang, pabayaan mo nalang yun. Ah ako pala si Candy, Candy Starfire"
"Ako naman si Bea Nicolette. But call me Bea"
"Hi Bea! Ngayon lang kita nakita dito. Transferee ka ba?" Tumango nalang ako.
"Aahh ok! How 'bout I give you a tour around"
"Ok"Nagtour around the school kami ni Candy. Pinakita niya saakin ang cafeteria, school gym, schooltheater, clubrooms, music room, computer room, mga classrooms at iba pang extra information tungkol sa school.
"And that's the end of the tour. Any questions? Anyone? No one? Ok"
"Sooo... Nagustuhan mo ba ang school namin?"
"Oo. Maganda"
"Good! Saka nga pala. Dahan dahan ka lang dito ha. Minsan kasi kapag naging center of attention ka dito. Mabilis magkalat yun. Alam mo naman kasi may School newspaper tayo kaya maraming chismis ang mga kumakalat sa school na ito. Kaya stay low lang"
"Ok thanks for the warning hehehe"
"Alam mo ba Bea. Feeling ko na magiging best of friends tayo"
"Talaga?!"
"Oo kung papayag ka lang"
"Syempre payag ako. Your a fun person Candy"
"Pangalan ko pa nga lang nasusugar rush ka na hahaha! Gets mo, Candy tapos sugar rush hahaha!"
"Uhuh, ayos yun ha"Nagusap lang kami ni Candy nang usap parang marami kaming common things na hate at likes. It's like were ment to be best friends. Ilang minuto na kaming naguusap ni Candy at nagring na ang bell. Naku! Time for class.
BINABASA MO ANG
Love HURTS!
RomanceSi Bea Nicolette Santiago ay katatapos lang sa isang harsh break-up niya kay Andrew Bay. Hey, ginusto niya yon pero ilang araw palang ang lumilipas pinagsisisihan na agad ni Bea ang ginawa niya. Dahil sa pag-aalala ng parents ni Bea sakanya, lumipat...