°Chapter 6°

56 9 0
                                    

°°°Bea°°°
Nakarating na kami sa susunod kong class. I can't believe na ginagawa ko tong act na ito. Somehow I feel guilty for lying to people. Pero kaylangan ko toh gawin eh.
"Sige babe..." Nanlaki naman ang mga mata ko sa tinawag niya saakin.
Ano raw?! Babe?!
Naglabas nalang ako ng isang pekeng ngiti.
"Babe, hihintayin kita after class. Hahatid nalang kita sa next class mo ok"
"Ok ba-ba-..."
"Babe" Hooo! Parang nagsuka lang ako ng bato. Ang sakit sa lalamunan.
"Pasok ka na sa loob" tumango nalang ako at pumasok na ako sa classroom.

Naharap ko naman ang mga tao na nagsitinginan saakin. Lumapit naman saakin si Candy.
"Uy, Bea. So tuloy ba yung fake-" tinakpan ko naman agad ang bunganga niya.
"Manahimik ka nalang Candy. Bawal nila malaman ang tungkol doon" Bigla naman niyang dinilaan ang kamay ko.
"Kadiri ka talaga Candy!"
"Hehehe. Sorry" umupo na kaming dalawa at nag-usap.
"Uy Bea, alam mo ba. Ngayon palang naset ang plan na yan. Kumalat na agad sa school"
"Ha?! Alam nila na-" Nagsitinginan naman lahat ng studyante saakin. Oops! Napalakas tuloy ako.
"Alam nila na fake?" Bulong ko.
"Hindi, ang alam lang nila ay may relationship kayo ni Josh. Don't worry"
"Aahh ok. Akala ko naman...."

Nagsimula na ang class pero halos wala pang ten minutes bigla sumulpot si Diane at lumapit siya saakin. Bigla sinampal niya ako sa mukha ng malakas. Ang sakit!.
"How dare you steal my boyfriend!" Sigaw niya ng malakas. Tumayo naman ako.
"Hoy! Wala akong ninakaw sayo!"
"Meron! Ninakaw mo saakin si Josh! Alam mo unang beses mo palang sa school na ito alam ko na na may binabalak kang masama! I don't trust you!"
"Wala akong binabalak!"
"Bakit mo nagawang agawin saakin si Josh! Nakakahiya kang babaeng ka!"

Sasampalin niya sana ako pero nahawakan ko agad ang kanyang kamay.
"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo pero alam ko na wala akong ginagawa na masama. Ikaw diyan yung mapanghusga, ikaw yung nakakahiya"
"Both of you please stop! Ms. Peurtes please ko back to your class or else I'll send you to the principal's office" Sigaw ni Ma'am. Hinugot ni Diane ang kamay niya at tumingin saakin ng masama.
"Humanda ka Bea Nicolette Santiago, sisiguraduhin ko sayo na hinding hindi mo makmaagaw si Josh saakin! Tandaan mo yan!"

Pagkasabi niya non lumabas na siya ng classroom at napaupo na ako sa seat ko. Kainis naman! Ano bang problema ni Diane saakin? Wala naman akong ninanakaw sa kahit sino. Haay... Buhay talaga.

Pagkatapos ng klase, nagkita na kami ulit ni Josh para isundo ako pauwi.
"Hi babe"
"Hi" hinalik niya ako sa pisngi at kinuha niya ang gamit ko. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa parking.
"Kumusta klases babe?"
"Um...babe may kaylangan tayong pag-usapan....in private"
"Ok babe" pumasok agad kami sa kotse at binato niya saakin ang bag ko.
"Ano ba?! Makabato wagas!"
"Hindi ka kasi marunong sumalo ng maige"
"Aish! Tama na nga. May kaylangan tayong pag-usapan" inandar niya ang kotse.
"Ano yon?"
"Si Diane, ka ano mo ba siya dati?"
"Bakit mo naman natanong? Selos ka?"
"Hoy! Hindi ako selosa!"
"Di nga? Satingin mo ba maniniwala ako?"
"HINDI NGA AKO SILOSA BALIW!"
"Silosa na, pikunin pa. Ano toh, two in one coffee?" Walang hiya talaga siya. Hindi ba niya alam na naririnig ko siya.

Dumertso na ako sa punto para matapos na toh.
"Kasi kanina sumugod siya sa class, tapos bigla niya ako sinigawan. Sinasabi niya na inigaw raw kita sakanya"
"Aah, selos lang siya. Ganyan talaga ang mga ex girlfriends ko" Ex GIRLFRIENDS?!
"GIRLFRIENDS?! IBIG SABIHIN NAKARAMI KA NA PALANG RELATION?! TAPOS AKO PA YUNG GINAMIT MO SA PLANO NA ITO!"
"Kasi ikaw lang yung normal sa lahat ng mga babae na nakilala ko"

Normal? Ano ba ang mga naging girlfriends niya? Multo? Aswang? O kaya halimaw?
"Anong ibig sabihin mo?"
"Sa lahat kasi ng naging karelation ko puro maaarte at selosa. Ayaw ko ng mga agon na girlfriends. Akala kasi ng iba porket popular ako, mas deserving saakin yung mga sexy na babae pero hindi nila alam na yung gusto kong type na babae ay yung simple lang at hindi maarte sa katawan niya. Tulad mo, simple at halos hindi mahalata na may problema"

Love HURTS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon