TRIXY'S POV
"HELLO TRIXY SEXY"
"HEHE HELLO DIN BAT NAPATAWAG KA?ANONG ORAS PALANG HA?"tinignan ko yung relo ko
Alas 3 palang ng madaling araw"WALA GUSTO KO LANG MARINIG BOSES MO, ANG GANDA NAMAN NG SUOT MO BAGAY NA BAGAY ANG BLACK NIGHTIES SAYO"
Nagulat ako ng dahil sa sinabi nya.
Paano nya nalaman na yun ang suot ko ngayon?"NAGTATAKA KABA? HAHA YAN KASI ANG USO NGAYON DIBA KAYA HINDI MALABONG MAGSUOT KARIN NG GANYAN"
kahit gulat binaliwala ko nalang may point naman sya tsaka ito naman ang lagi kong sinusuot kapag matutulog
~~~~
Bigla nalang pumasok sa isip ko yung mga pinag usapan namin kaninang madaling araw
Biglang magsitayuan lahat ng balahibo koIbigsabihin yung mga time na yun nasa loob sya ng kwarto? Or should I say ang kaluluwa nya nasa loob ng kwarto ko?
Tinitigan ko yung cellphone na hawak ko ang cellphone ni George kinalkal ko lahat ng message at lahat ng mga text ko sakanya nandodoon pati narin mga message nya sakin
Paano ng yari yun? Napaka impusible naman nun?
----
Nandito na kami ngayon sa loob ng Taxi pauwi na kami
Hanggang ngayon tulala parin ako*TRIXY SEXY NAG MESSAGE SAYO SI GEORGE*HART**HART* MO!*
Napatingin ako sa Cp ko
Muli kinabahan nanaman akoNapatingin din sakin sina Jess at asunta dahil sa narinig
"B-babasahin mo paba?"-jessy
"Wag na Trix!"-asunta
Bakas sa mga mukha Nila ang takot
Pero kahit anong kaba ang nararamdaman ko gusto ko paring basahin ang message nya
From:George*hart**hart*
Maraming-maraming salamat sayo Trixy ito na siguro ang huli Kong message sayo. At alam ko na alam mo na ngayon kung anong kalagayan ko kaya hindi na ako mag e-expect ng message mula sayo kahit hanggang sa mga huling sandali ko dito sa mundo naging masaya ako akala ko tuluyan ng hindi matatahimik ang kaluluwa ko pero dahil sayo naging ok ang lahat sa akin napaka buti mo hinding hindi kita makakalimutan hanggang sa kabilang buhay ikaw lang ang nag iisang Trixy sexy ko
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang binabasa ang message na to!
Bakit? Bakit ako nasasaktan?
Mahal ko na ba sya? Bakit parang ang hirap tanggapin na ito na ang huling message na matatanggap ko mula sakanya?Napahagulgol nalang ako
Sa loob ng tatlong buwan hindi ko namalayan na nahulog na pala ako sakanya! Na mahal ko na pala sya! Pero bakit ganito? Bakit sa ganitong sitwasyon? Wala pa kaming nasisimulan natapos na agad? Hanggang dun lang ba? Hanggang dun lang ba talaga kami! Hindi ko magawang pagsisihan na nakilala ko sya kahit na ganito lang ang kahihinatnan namin."Mahal kita George. Mahal na kita!"
Bulong ko sa sarili ko
Nandito na ako ngayon sa kwarto napakadilim at napakalakas din ng ulan sa labas"Mahal din kita"
Napabalikwas ako ng marinig ko ang boses nayon, ang boses ni George
Tinignan ko ang bawat sulok ng kwarto ko maging sa banyo pero wala!Pumunta ako sa Veranda ng kwarto para lumanghap ng sariwang hangin.
Napakalakas parin ng ulan maging ang hangin malakas din napakasikip na ng dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko kung ano-ano narin ang pumapasok sa isip ko."Kung maibabalik ko lang kahit na isang araw na magkatext tayo aaminin ko na sayo kung gaano kita ka mahal George."
Naramdaman ko ang isang malamig na hangin na bumalot sa buong katawan ko
Kaya napayakap nalamang ako sa sarili koTHIRD PERSON'S POV
Lingid sa kaalaman ng dalaga na ang malamig na hangin na bumalot sa katawan nya ay ang kaluluwa ni George
"Ikaw lang ang nag iisang George*hart**hart* ko"
Nakangiting sambit ng dalaga na ikinangiti naman ng binata bago unti-unting nag laho.
THE END ...
A/N: PLS READ
Ang kwento pong ito ay ikinuwento saakin ng Tita ko at ngayon ay kinuwento ko naman sa inyo.
Ng yari daw po ito sa kaibigan nya noon so True story po ito.^___^ yun lamang at maraming salamat sa mga nagbasa
Don't forget to VOTE and leave a COMMENT
BINABASA MO ANG
TEXTMATE!
Short StoryKUNG MAHILIG KANG MAKIPAG TEXTMATE KUNG KANI-KANINO LALO NA SA MGA HINDI MO KAKILALA BASAHIN MO ITO AT SISIGURADUHIN KONG TATAYO ANG MGA BALAHIBO NYO ( sa loob ng ilong! nyahahaha)