Isang ordinaryong araw para sa iba. Pero para sa akin, araw ito para pasayahin ang maraming tao. Bumangon ako ng kama at nagtungo na ko ng banyo para maligo. Pagkatapos noon ay bumaba na ako para mag-agahan.
Ako lang mag-isa sa condo ko. Walang yaya, walang kasama. Tanging ako lang. Cereals na lang ang kinain ko para mabilisan. Tsaka medyo maaga ang calltime ko ngayon.
1 new message received.
“Good Morning Moe! Goodluck on your prods later. ;)”
Napangiti ako ng simpleng mensaheng yun galing kay Mama. Masasabi kong nakumpleto na rin ang araw ko ngayon kahit umaga pa lang. Pero sana may mas kumumpleto pa mamaya.
Bumaba na ko ng parking lot. Nakita ko na doon si Kuya Edgar.
“Good Morning Kuya Edgar!” Bati ko sa kanya. “Good Morning din po Sir. GMA na po tayo?”
“Sa flower shop po muna tayo Kuya.” Sinunod naman ako ni Kuya Edgar. Pumasok na ko sa loob ng kotse at umalis na rin kami.
Habang nasa daan, tinanong ako ni Kuya Edgar kung bakit sa flower shop muna kami didiretso. Ngumiti na lang ako sa kanya. Naiintindihan na siguro niya ko.
Matagal ko nang driver si Kuya Edgar kaya alam na niya ang bawat sulok ng buhay ko. Lahat na yata nasaksihan na niya. Pati ang showbiz career ko, family matters, pati na rin ang buhay pag-ibig ko.
“Para po ba sa kanya ang mga bulaklak Sir?” Usisa ni Kuya Edgar. Tuwang tuwa pa siya habang tinitignan niya ko sa rearview mirror.
“Opo Kuya. Pambawi lang. Nami-miss ko na kasi siya.” Tsaka ako tumingin sa may bintana. Sakto namang nakita ko yung billboard mo sa may Edsa.
Napakaganda mo talaga. Kaya halos lahat ng lalaki nahuhumaling sayo eh.
“Sir, nandito na po tayo. Kayo na po bibili o ako?”
“Ako na po Kuya.” Tsaka na ako bumaba ng sasakyan. Napasigaw yung ale nung nakita niya ako. Natawa naman ako sa kanya.
“Ale, isang bouquet nga po ng orange roses.”
“Sige po Sir.” Pagkatapos niyang iabot sakin ang mga bulaklak, nagbayad na rin ako. Nag request pa ng picture si Ate kaya pinagbigyan ko na rin. Tutal, ang ganda ng mga binigay niyang bulaklak.
“GMA na po ba tayo Sir?”
“Opo kuya.”
Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa GMA. Dumiretso na agad ako sa studio. Konti pa lang kaming artists doon. Medyo napaaga rin kasi ako.
Nagpunta ako sa dressing room niya. “Maq, wala pa ba siya?”
“Wala pa eh. Pero papunta na daw. Malapit na. Gwapong gwapo ata tayo ngayon ah?” Biro sakin ni Maqui.
“Always naman eh Maq!” Napangiti siya sa sinabi ko. Inilapag ko na yung mga bulaklak sa mesa kung saan siya madalas umupo. “Lagay ko na to dito ah?”
“Sige. Sabihin ko na lang sa kanya yan.” Tsaka na ako umalis.
Nakasalubong ko sa labas yung Mama niya. Biglang kumabog yung puso ko. Di ko alam kung bakit. Sanay naman ako na nakikita Mama niya.
“Good Morning po Tita.” Bati ko. “Good Morning din Moe.” Nung ngumiti na si Tita, natanggal yung kaba na nararamdaman ko. Ang weird ko yata masyado. Nagpaalam na ko kay Tita pagkatapos.
Nagtago ako dun sa isang dressing room para makita ko siya. Nakasuot lang siya ng tshirt tsaka shorts. Pati na rin yung couple shoes namin. Napangiti pa ko kasi suot ko din yung akin.