I.

11 2 2
                                    

IIBIGIN PA RIN KITA

Nasisilayan ang iyong mga ngiti
Sa akin nama’y nagdudulot ng hapdi
Paano sasaya kung siya ang pinili
Aalis na lang ba o mananatili

Paano ako kung siya ang ‘yong ligaya
Hindi ako nasanay na magparaya
Bahala na, sa akin ay ikaw lang
Sa damdamin mo ma’y siya ang mas matimbang

Hayaan mo lang akong umibig sa ‘yo
Sa aki’y sapat kahit sa malayo
Dahil gustuhin ko man na mapalapit
Ngunit hindi, siya na ang iyong langit

Oh nagdurugo yaring damdamin, Sinta
Dulot mo na aking tanging sinisinta
Sa huli, lahat ay mayroong hangganan
Ika’y dumating upang may matutunan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

2023.Where stories live. Discover now