KABANATA 18

3.8K 226 40
                                    

Kabanata 18.

Nagpaalam sa akin si Behatty ng magdilim na. Sabi niya ay may kailangan pa siyang tapusin. Hindi ko siya pinigilan na umalis dahil gusto ko na rin na mapag-isa.

Hindi ko na rin tinuloy pa ang pagkukwento sa kaniya. Bigla lang akong nawalan ng gana na magkwento kay Behatty. Siguro dahil hindi siya naniwala sa akin.

Umayos ako ng higa sa kama. Napatitig lang ako sa kisame dahil wala akong phone na pwedeng gamitin panglaro ng games.

Mukhang kailangan kong bumili ng bagong cellphone.

Bumuntong-hininga ako.

Hindi ko inaasahan talaga na hindi ako papaniwalan ni Behatty. Akala ko ay kahit hindi niya ako paniwalaan ay sasakyan niya ang kwento ko o kaya makikinig lang siya ng tahimik. Pero mali ako.

Nakakadisappoint talaga kapag nag-expect ka ng something at hindi iyon nangyari.

Buti hindi ko nasabi ang part na mahal na mahal ni 'Ysnia' ng mundong iyon ang 'Naven' na boyfriend niya. Baka akalain pa ni Behatty ay sobrang mahal ko din si Naven.

Kung nangyari iyon ay baka hanggang ngayon ay binibigyan ako ni Behatty ng lecture kung bakit ko dapat layuan si Naven Clementine. Mabuti nalang talaga dahil hindi ko na tinuloy ang kwento ko sa kaniya.

Nang sumapit ang 7 pm ng gabi ay muling dumating si Naven. Dahil kami lang dalawa ang nasa ward ay hindi ko mapigilan na hindi kabahan.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko siya magawang itaboy. Sinabi ko na sa sarili ko na walang magbabago kahit ano pang gawin niya. Kailangan ko iyon panindigan.

"Ysnia, are you hungry?" Tanong niya sa akin at naupo siya sa aking tabi. "I will buy something if you're hungry."

Tumayo muli si Naven. Hindi ko na napigilan ang sarili na hindi magsalita.

"Mom's going to bring us dinner."

Tumigil sa paghakbang si Naven ng magsalita ako. Muli niya akong hinarap at bumalik siya sa kaniyang pwesto sa tabi ko.

Hindi ko tiningnan ang mukha ni Naven. Napatitig lang ako sa kaniyang matipunong balikat at sa kaniyang leeg. Wala na siyang suot na necktie. Nakabukas na rin ang unang dalawang butones ng inner longsleeves shirt niya.

Napatitig ako sa kwintas na nakasabit sa leeg niya. Nang makita ko iyon ay bigla kong naalala ang mga bagay na matagal ko ng ibinaon sa pinakasulok ng utak ko.

***

Seventh Grade, Junior High. East-Metropolis Private High School.

Everything is still pure and beautiful in the eyes of a 13-14 years old grade seven junior high students.

That's also the age when the students started to have a crush or puppy love.

Naven was my classmate back then. Halos lahat kami sa school na iyon ay hindi magkakakilala. Galing kami sa iba't ibang elementary school. Siguro may ilan na magkakakilala na.

Pero isa ako sa mga walang kakilala. Wala akong kaibigan noong magsimula ang klase noong grade 7 ako. Sobrang mahiyain pa ako noon dahil bagong school at bagong classmates.

Pero isang buwan na ang lumipas ay wala pa rin akong nagiging kaibigan na kaclose talaga. Nakakausap ko ang mga kaklase ko pero wala akong masasabing kaibigan ko.

Nasobrahan siguro ako sa pagiging mahiyain noong panahon na 'yon.

Dalawa o tatlong buwan siguro ang nakalipas ng nagkaroon kami ng activity by pair. Duon ko lang nakausap si Naven dahil magpartner kaming dalawa.

The Glitch Of Her RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon