CHAPTER 30

2.1K 50 0
                                    

EMPEROR EERO POV

MATAGUMPAY na naisagawa ni Herah ang kanyang nais sa loob ng palasyo dahil nasindak niya ng husto si Zairah sa tulong nina Lazaro at ng iba pang mga kawal. Apat na oras ang aming naging paglalakbay pauwi sa palasyo kaya madaling araw na ata nung nakabalik kami.

"Mainam at nakabalik na kayo Mahal na Emperador at Mahal na Emperatris"Ani ni Greco habang nakabantay. Hindi pala siya nagpahinga.

"Bakit hindi ka pa nagpapahinga Greco?"tanong ni Herah sa kanya.

"Napagpasyahan ko na magbantay muna hangga't wala kayong dalawa ng mahal na Emperador kamahalan. Kamusta ang inyong naging paglalakbay?"tanong niya.

"Matagumpay na naisagawa ang aking balak. Magpahinga kana Greco at kaming dalawa ay magpapahinga na din"Ani ni Herah na ikinatango ni Greco Bago umalis.

Hinawakan ko ang kamay ni Herah at hinila siya patungo sa aking silid at ipinasok ko siya doon.

"Ano ang ginagawa natin Dito kamahalan?"tanong niya.

"Nais ko lamang lumigaya kasama ka"bulong ko habang nakangiti na sinuklian naman niya ng ngiti.

"Nais mo bang bigyan natin ng kapatid si Akie?"nakangiting tanong niya.

"Oo"tugon ko.

"Kung gayon ay hindi ko ipagkakait sayo ang iyong nais"nakangiting sambit niya kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Siniil ko siya ng halik at iyon na nga.... May nangyari sa aming dalawa muli at pagkatapos ay nagbihis kami at natulog ng magkayakap.

ZAIRAH POV

MAGDAMAG akong gising at naririto sa aking silid. Sumilip ako sa bintana at nakita kong medyo madilim pa kaya bumalik ako sa pagkakahiga. Paano nakapasok si Herah Dito? At bakit hindi nila siya nakita? Iyan ang mga katanungan na gumugulo sa aking isipan. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mabagal na katok sa pinto ngunit sa takot ko, ay hindi ko pinansin noong una. Ngunit hindi ito tumigil sa pagkatok kaya binuksan ko.

"KYYYYAAAAHHHHH"Ang pagtili ko nang Makita ang labas ng pinto ng aking silid dahil sa nakasulat doon at dugo pa mismo ang ginamit na tinta.

"Magbabayad ka Zairah! MAGBABAYAD KA!! NAGMAMAHAL HERAH"

Tumakbo ako at nagtungo sa kinaroroonan ng ilang mga kawal sa labas ng palasyo.

"SINO ANG NAGSULAT SA PINTUAN NG AKING SILID?? SINO?? SI HERAH BA??"sigaw ko sa kanila.

"Hindi namin alam Ang inyong sinasabi kamahalan!"ang tugon ni Lazaro.

"IMPOSIBLENG WALA KAYONG ALAM DAHIL KAYO ANG BANTAY!!"sigaw ko pa.

"Walang ibang nakakapasok kamahalan! Ipakita mo na lamang sa amin ang sinasabi mong sulat!"Ani pa niya kaya isinama ko siya sa aking silid ngunit nagulat ako dahil Wala na ang sulat na nabasa ko!!

"Nasaan ang sinasabi mong sulat?"tanong ni Lazaro.

"Hindi ko alam! Nandyan lamang iyan kanina ehh!"tugon ko

"Marahil ay dulot lamang iyan ng labis na pag-iisip kamahalan! Kaya kung anu-ano na ang nakikita mo!"aniya na ikinainis ko.

"Sinasabi mo bang nababaliw na ako??"naiinis na tanong ko.

"Wala akong sinabing ganyan. Sige na Kamahalan, babalik na ako sa labas!"Ani ni Lazaro at umalis kaya dali-dali akong pumasok sa aking silid at hindi na lumabas pa.

LAARNI POV

IPINAALAM sa akin ni Lazaro ang plano ni Herah ngunit hindi na ako nakialam pa. MAAGA akong nagising dahil isa ako sa inatasang magkat*y ng baboy. Ang dugo ay isinalin sa Isang malaking lalagyan upang gawing dinuguan. Kumuha ako ng maliit na lalagyan at naglagay ng kaunting dugo Doon at nagpaalam sandali sa kanila. Dumeretso ako sa aking silid at kinuha ang malaking balahibo na ginagamit na panulat. Sinulatan ko Ang pintuan ng kwarto ng br*ha at kumatok. Mabilis akong nakapagtago nang maramdaman kong bubuksan na niya. Narinig ko ang pagtili niya at Nakita siyang lumabas. Nakakatawa. Kinuskos ko ng basahan na basa ang pinto ng kanyang silid kung kaya nung bumalik siya Kasama ang aking nobyo ay hindi na nila nakita ang sulat.

HERAH POV

NAGISING ako nang biglang bumukas ang pinto ng silid ng Emperador at iniluwa nito si Akie. Gising na rin pala ang Emperador at pinagmamasdan ako.

"Magandang Umaga ama, magandang Umaga Ina!"ang masiglang pagbati ni Akie sa amin at nanakbo palapit sa amin.

"Magandang Umaga anak! Ngunit mas maganda pa ang iyong Ina sa Umaga"nakangiting turan niya habang nakatingin sa akin.

"Ayy nako ilang babae na ba ang sinabihan mo ng ganyan?"tanong ko.

"Ikaw lamang liban kay Ina noon"tugon niya.

"Ama, Ina alam ninyo po ba na magkakaroon na daw ng kapatid si Yuri dahil nagdadalang tao ang kanyang ina? Ako, kailan po ba ako magkakaroon ng kapatid?"tanong niya.

"Hindi ko pa din alam anak"sagot ko.

"Basta Isa lamang ang ang masisiguro ko anak, hindi ako titigil hangga't hindi ko naibibigay ang iyong gusto"nakangising turan ni Eero sa anak habang nakatingin sa akin.

LAZARO POV

BUMALIK na ako sa labas na nagtataka. Ano ang sulat na pinagsasasabi niya?

"Anong sulat ang sinasabi niya Hepe? Nakita mo ba?"tanong ni Vener.

"Hindi ko alam Vener. Wala akong nakita nung isama niya ako sa kanyang silid at ipinakita ang pinto"tugon ko.

"Imposible naman na si Herah dahil sinamahan pa natin siya palabas kanina"bulong pa niya sa akin.

"Oo nga ehh"tugon ko.

Maya-maya pa ay sumikat na ang araw kaya naisipan kong pumunta sa aking silid at magpahinga nang nasalubong ko ang Emperador.

"Maaari ba kitang makausap kahit sandali Lazaro?"tanong niya.

"Tungkol saan kamahalan?"tanong ko.

"Tungkol sa nangyari kagabi kay Zairah. Hindi ba talaga ninyo nakita si Herah?"tanong niya.

"Hindi po namin siya nakita at imposibleng makita siya dahil nga Wala na siya"tugon ko.

"Isang bagay pa. Kaninang madaling araw ay lumabas siya at sumigaw. May sulat daw sa pintuan ng kanyang silid na Ang gamit ay tinta ng dugo ngunit nung isinama niya ako pabalik ay Wala na"Ani ko. Kita sa mukha niya ngayon ang pag-aalala.

"Ahm kamahalan, magpapahinga na po ako"Ani ko na ikinatango niya kaya tumalikod na ako.

They All Abandoned Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon