Chapter One

7 2 0
                                    

Kristine Panopio


"Anak, inaantay kana ng kaibigan mo!"


Nang sumigaw si mommy ay tapos na rin ako sa pag-aayos ng itsura ko sa salamin.


"Ang ganda ko na," confidence na sabi ko habang nag po-pose pa sa harap ng salamin.


"Hoy! Tama na yang pagpapaganda mo, maganda kana talaga bestfriend."


Napalingon naman ako sa nagsalita no'n at bigla na lang ako nakaramdam ng hiya ng makita ko ang bestfriend ko na nakatayo sa labas ng pintuan ng kwarto ko.


"Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko yung bag ko.


"Hindi kararating ko lang din," sabi nito.


"Hindi ka pa rin ba tapos sa pag-aayos ng gamit mo?" tanong nito bago ako lapitan at tulungan sa pag-aayos ng gamit ko.


"Pasensya na bestfriend, busy ako kagabi" ani ko.


"Ako na diyan, bumaba kana at mag-almusal." 


Tumingkad ako at hinalikan ko siya sa pisngi sabay takbo ko palabas ng kwarto ko, "Salamat bestfriend, i love you." 


"Kristine Panopio!"


Natatawa ako habang tumatakbo ako pababa ng hagdan kasi nai-imagine ko na yung itsura ni bestfriend.


"Inasar mo naman ang bestfriend mong si Vince," sabi sa'kin ni Mommy.


Hindi ko na masagot yung sinabi ni Mommy dahil nagmamadali akong kumain ng almusal malelate na kasi kami eh.


"Bestfriend, antayin na lang kita sa labas" sabi ni Vince na dala-dala yung bag ko. Nag okay sign na lang ako sa kanya dahil medyo busy ako sa pagkain. Nang matapos na ko ay agad na rin akong nagpaalam kay Mommy.


Nakita ko naman agad si bestfriend na nakatayo sa harap ng kanyang motor, bitbit pa rin yung gamit ko. Napangiti naman ako sa itsura nito.


Nilapitan ko naman siya at nakangiti naman ito habang inaabot sa'kin yung helmet na kulay pink. Isusuot ko na sana kaso hinablot niya sa'kin.


"Ako na," sabi nito kaya hinayaan ko na lang siya. Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos niya ang helmet na nakasuot sa'kin.  Ang gwapo talaga ng bestfriend ko, kinikilig ako habang inaalala yung kanina na paghalik ko dito.


"Tara na." sumakay na ito ng kanyang motor kaya umangkas na rin ako. Hindi ako masyadong humahawak sa kanya pag sumasakay sa motor sanay ako sa uniform n'ya lang. Habang umaandar kami ay nakatingin lang ako sa likod niya. 


Napapreno naman si Vince ng may biglang sumulpot na aso sa harap namin kaya napayakap ako sa kanya.

Lucky I'm In-love with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon