Nagdaan ang ilang araw at wala pa ring maalala si Sofia, ngunit nagpumilit na siyang pumasok sa unibersidad na pareho nilang pinapasukan ni Jade. And Jade was always by her side. Ipinakilala nito ang iilan sa kanilang mga guro at kanilang mga kaklase na kumukuha rin ng kapareho nilang kurso. At matapos ang huli nilang klase ay nagtungo sila sa pantry upang magmeryenda.

"How are you feeling?" Ang tanong ni Jade. "May masakit pa ba sa'yo?"

"'Yong ulo ko. Saka medyo mabilis ako mapagod," ang tugon naman ni Sofia habang kumakain ng doughnut. "May mga nakapagkuwento sa'kin ng tungkol sa'yo."

"Really? At anong kalokohan ang mga sinabi nila tungkol sa'kin?"

Sofia chuckled. "Nakuwento nila kung pa'no ka nanligaw sa'kin no'ng first year college pa tayo. You gave me a dozen of roses in front of the whole class. They said you were such a romantic chick. Habulin ka raw ng mga babae."

Natawa naman si Jade. "Talaga lang ha? I didn't expect them to say that." Marahan niyang kinurot ang ibaba ng labi ni Sofia. "Pero ikaw ang nakakuha ng atensyon ko. You are the apple of my eye."

Sofia stared at Jade's eyes. She wanted to remember their romantic moments. Their sweet kisses. Their cuddles. Their warm embraces. She wished she could remember how much she loved her. Ngunit kahit anong pilit niya ay walang alaalang pumapasok sa kaniya at tanging kirot sa ulo lamang ang kaniyang nararamdaman.

Sofia's smile suddenly faded. "Sana maalala ko na lahat. Kung pa'no tayo noon. Gusto ko na ulit 'yon maramdaman."

"Then we'll make new memories," ang nakangiting sabi ni Jade.

Hinawakan ni Sofia ang kamay ni Jade. "Can we go home? Tell me more about me. About you. About us."

* * *

Hinatid ni Jade si Sofia pauwi sa condo unit nito sa Makati City. Agad silang nagtungo sa isang kuwarto at naghalungkat ng mga lumang photo albums, at nang makaipon na ng mga ito ay umupo sila sa kama upang tingnan ang mga litrato.

"So where are your parents?" Sofia asked Jade while browsing the pages of her photo album.

"Nasa Davao. Pero since high school, dito na ako sa Maynila nag-aral. 'Yon 'yong mga panahong nakilala na kita."

"At sa Quezon City ka nakatira? Bakit hindi ka na lang dito?"

Mahinang natawa si Jade. "No'ng college ako, iniwan na sa'kin ni Tita 'yong bahay niya do'n no'ng nagmigrate na siya sa Canada. Actually, do'n na tayo tumira. Do'n na tayo nag-live in."

"Ah, talaga? Kailan tayo babalik do'n?"

"Saka na natin pag-usapan 'yan, magpagaling ka muna," ang sagot ni Jade. Kumuha siya ng isang class picture na nakasingit sa hawak niyang photo album. "Ito tayo no'ng nasa senior high school pa lang tayo."

Kinuha ni Sofia ang class picture at matagal itong tinitigan. Napansin niyang may katabaan pala siya noon. She then noticed a familiar girl beside her with a boy's hair cut and a grumpy face.

"Ikaw 'to, 'no?" Ang tanong ni Sofia habang itinuturo ang babaeng kaniyang katabi sa litrato.

Tahimik lamang si Jade na pigil ang pagtawa.

Biglang napahalakhak si Sofia. "Ikaw nga 'to! Ang pangit mo!"

"Ang yabang mo ah! Akala mo kagandahan ka no'n!" Ang natatawang wika naman ng isa.

Sofia put out her tongue to tease her girlfriend. Hindi nakapagpigil si Jade at kiniliti niya ito sa tiyan. She went on top of Sofia, held both of her hands, and tickled her armpits with her chin. And Sofia cannot stop giggling.

Biglang huminto si Jade at napatitig sa mga mata ni Sofia.

"Why?" Sofia asked.

"Ang ganda mo," ang wika ni Jade. "I just... missed you so much," aniya.

At dahan-dahan niyang inilapat ang kaniyang mga labi sa malalambot na mga labi ni Sofia.

Naramdaman ni Sofia ang init ng mga labi ni Jade. She then responded to Jade's fervent kisses and slowly put her arms around her girlfriend's nape. She felt a burning sensation within her. That sensation of longness for those romantically intense kisses.

And she felt a sting inside her head.

Sofia suddenly moved her face away from Jade's.

"Are you okay?" Ang nag-aalalang tanong ni Jade.

"I don't think this is right," ang sagot naman ni Sofia. "It's... It's not the right time."

Tumangu-tango si Jade. "Okay," ang kaniyang wika. Dahan-dahan siyang umalis mula sa ibabaw ni Sofia at umupo sa kama. Tila nakuha na niya ang ibig nitong sabihin.

Bumangon si Sofia at tiningnan si Jade. "I'm sorry," aniya. At saka siya lumabas ng kuwarto.

Girls, Women, Lesbians: FORGET-ME-NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon