Naomie's Pov

Dali dali akong bumaba galing kwarto dahil wala ng oras!

First day namin ngayon at nakakainis dahil late ako! nakakahiya kaya..

"Sa school na ako mag-breakfast, Ma! bye na" sigaw ko habang tumatakbo palabas, mahirap pa naman ang sumakay ngayon, may kotse naman kami kaso nga lang ginagamit ni Daddy.

nakarating na ako sa sakayan at andaming tao na naghihintay din ng masasakyan. Mas mahihirapan ako yawa.

Nang may jeep na tumigil ay nakipagsiksikan agad ako, tinutulak ko na kung sino nakaharang sakin. Wala namang mga senior or pwd kaya di na ako nagdahan-dahan.

sa kabutihang palad ay nakasakay ako. Hindi na muna ako nagbayad dahil hinihingal pa ako, grabeng pakikipagsapalaran yun ahh. Ilang saglit lang inabot ko na din ang bayad ko, mahirap na masabihan pako ni kuya 123 eh.

2nd year college na ako, Archi student. Dapat ay pa graduate na ako kaso late kasi ako nag aral..

Nang makarating sa school agad kong hinanap ang classroom ko. Di naman na ako nahirapan since dito na din naman ako nag aral nung first year ako.

Pagdating sa room buti nalang at wala pa ang prof namin.

Agad akong naupo sa bakanteng upuan. Nagulat naman ako nang may biglang humatak sa buhok ko.

"Gaga! magkaklase ulit tayo!" Napatayo naman ako at niyakap ang aking best friend, Hanli ang name nya, Archi din sya obviously and magkaklase na kami since 3rd year highschool, ewan ko ba di na kami nagkahiwalay.

"Si Mielle? alam mo san room nya?" tanong ko. Si Mielle isa pa sya sa mga best friend ko bale tatlo kami. Si Mielle lang ang nahiwalay samin since nag Culinary sya, mahilig kasi syang magbake.

"Oo, mamaya puntahan natin sya. Aaacck grabe magka-klase ulit us, baka tayo na talaga para sa isa't isa bebs!! HAHAHAHA" natawa naman ako sakanya, maya maya pa ay dumating na ang prof namin at wala na kaming nagawa kundi manahimik.

"Good Morning, Class. My name is Eliza Christine Delvalle, I will be your homeroom teacher at the same time History teacher. You can call me Ms. Eli, Nice to meet you all." Muka namang mabait si Ms. Eli, Di naman sya mukang strikta at parang nasa 20s palang sya, maganda sya, maputi at makinis. May kulay ang buhok nya, hindi sya yung usually na kinukulay ng mga teachers na parang copper color, yung sakanya kasi blonde na talaga, from roots hanggang sa pinakadulo ng buhok nya, nagmuka tuloy syang foreigner.

"So, I guess, alam nyo na ang gagawin." Bahagya syang natawa bago ituloy ang pagsasalita "Please, kindly introduce yourself in front"

At tulad ng sabi nya, in-expect ko na to lagi naman may paganyan eh,hindi na bago.

konti lang naman kami sa buong room, nasa 25 students lang kami dito kaya malawak yung room namin.

"Hi! my name is Hanli Bella Decruz, But you can call me baby ay este Bella or Belle or kahit ano. I'm 19 years old, single but married to Troy and 99+others. My hobby is to flirt ay mali my hobby is to be your future baby de eto na talaga, MY HOBBIES ARE  READING, WATCHING, DANCING, SINGING... and eating hehehehe" Napailing nalang ako sa kagagahan ng babaitang ito, first day of school lumalandi na, bilib talaga ako sa confidence ng babaeng 'to.

Nakita ko kung pano tumawa yung teacher sa pinag gagagawa nya na parang proud na proud pa na estudyante nya si Bella.

At dahil tapos na si Bella ako naman na ang susunod. Tumayo na ako at pumunta sa harapan.

"Hi, everyone! My name is Naomie Celests Garlavender, you can call me Nao or Naoms. I'm 21 years old. Ahmm my hobbies are drawing, singing, and playing ukelele. Nice to meet you all.." Yumuko pa muna ako bago umalis ng may nagtaas ng kamay senyas na may tanong sya AT! may hinuha na ako sa kung ano itatanong nya.

"Ahmm, if its okay. May I ask why you're still in second year when you're 21 already?" I knew it, but it didn't offend me, they're just curious and I understand them.

"Uhmm, late kasi ako nag-aral. I started Kindergarten when I was 6  turning 7 years old the same year." Well that time kasi, palipat lipat kami ng bahay dahil sa trabaho ni dad so my mom decided na wag na muna ako i-enroll unless sure na yung work ni daddy sa isang place at hindi na kami magpapalipat lipat.

She seemed contented with my answer so naupo na ako sa upuan ko.

an hour passed and matatapos na yung time ni Miss Eli.

"Okay, class. Since our next meeting will be on Wednesday, I want you to research all about..." pagkatapos nyang magsalita ay ang pagtunog ng bell kaya umalis na din sya.

Iniintay namin na may pumasok na sunod na teacher, di naman nagtagal ay pumasok na din yung sunod na teacher.

Tulad kanina nag-introduce yourself lang din.

Pagkatapos ng napakahabang pagpapakilala nagbreak na kami.

Gutom na gutom na ako kaya dere-deretso na ako pumunta sa cafeteria, iniwan ko na si Bella at paniguradong susunod din naman yun, gutom na talaga ako.

Habang naglalakad ng mabilis ay sumalpok ako sa isang matigas na bagay.

Ouch..

Hawak ang noo ay tinignan ko ang taong nasa harap ko.

Oh shuks... marry me.

Ang pogi! Omg!

"Oh, hey.. are you okay?" Napalunok ako sa lalim ng boses oh my god...

Sarap sa tenga!

"Miss??" Napailing ako, at tumango ng mabilis.. omg

"H-huh? Ah! Yeah, I-I'm okay.. sorry" napakagat ako sa labi ko at bahagyang napayuko..

"You sure..?" Unti unti napaangat ang ulo ko para tingnan sya..

Bago ko pa man tuluyang masilayan muli ang kanyang pinagpalang mukha eh nakita ko yung id nya..

Rem Morquiz
Professor

Huh? Teacher sya? WHAT?!

Nanlalaki ang mata akong tumingin sakanya.

"Teacher ka?!" I heard him chuckled.

"Yes, I am.. and you're a student..huh?" Yes, student pero kering mag apply as baby mo.

Charot

"Uh, yes.. anyway.. I have to go.. bye Prof. Rem.." dali dali na akong umalis don at nagmamadaling pumunta sa cafeteria..

Nawala gutom ko shemayy!

————

I don't know if merong history subject sa architecture (college course?)😭 sorry for that.. hehe anyways end of chapter 1.

Take The Risk Or Lose The Chance (Unexpected Love: School Series #1)Where stories live. Discover now