Simula

1 0 0
                                    

Hindi ako makasigaw, sapagkat walang dadaanan ang aking boses, kahit anong pilit ilabas hindi makakawala, walang tinig na mailalabas. Madilim din ang aking paningin walang nakikita, ngunit nararamdaman ang hininga ng dalawang demonyo na itinali ang mga kamay ko, tinakpan ang mga mata ko, at tinapalan ang bibig ko. Tanging tainga lamang ang nakabukas hindi nakakapaglabas puro paloob.

Malakas na tawanan ang aking narinig bago ako nila tanggalan ng damit pang itaas. Naramdaman ko ang kutsilyo bago nila hatiin upang matanggal ang suot kong chest binder. Matapos ang ika-syam na hagupit ng latigo sa aking likuran ay hinaplos haplos ng isa ang aking hinaharap.

"Mahina pero maganda..." Bulong nya sa aking tainga.

Gusto kong kumawala nagliliyab ang buong pagkatao ko.

"Master dalhin mo na 'yan sa loob mauna ka na ako sunod..." Sabi ng alalay nya.

Unti-unti nang tinatanggal ang pagkakabitin ng kamay ko, binuhat ako at pinahiga sa kung saan.

Hindi ako papayag.

Nabuhayan ako ng diwa nang nararamdaman ko ng tinatanggal ang piring sa aking mata.

"Sayang naman kung hindi ko masisilayan ang magaganda mong mga mata" Aniya pagkatama ng aming mga mata. "Gusto ko rin na marinig ang magandang boses mo..." Sabay hila ng tape sa aking labi.

Dinikit nya ang mukha nya sa aking leeg at sinimulan na akong halikan.

"B-baka naman pwede nating pag-usapan 'to... palayain mo ang mga kasama ko kapalit ko-

"Hmm pag-isipan ko pagkatapos ko sa'yo-

"Ayaw mo bang sabayan kita?" Pinilit kong tingnan sya sa kanyang mga mata.

Kadiri pero maitsura sya, sayang isa syang terorista.

"Ito lang pala ang gusto mo dapat sinabi mo agad... sinaktan mo pa ko-

Hindi ko natapos ang aking sinasabi dahil hinalikan nya ang aking mga labi. Napamura ako pero mas ginanahan mang-akit.

"Sandali lang master baka gusto mo ako ang magbukas ng pantalon mo..." Sabi ko matapos makawala sa halik.

"Ang ganda mo, sobrang ganda mo Captain Gutierez..." Parang nawala sya sa sarili na tinanggal ang posas ko.

Pinilit ko ang sarili kong humalik ng labag sa loob. Habang hinahalikan ko ang tyan nya pababa sa loob ng kanyang pantalon ay abala rin ang kamay ko makakuha ng kutsilyo.

"Matitikman mo lang ako kung patay na ko!" Sigaw ko pagkasaksak ko sa kanyang ari.

Ang sigaw nya dahil sa sakit ang nagpatayo sa abot ang aking makakaya, binitbit ko ang shotgun at kumaripas ng takbo ng walang damit pang-itaas.

Gumapang ako sa abot ng aking makakaya upang abutin ang pistol na nasa itaas. Hindi na lamang hangin ang lumalabas sa aking bibig kundi pati na rin ang dugo kong unti-unti ng nilalayasan ang aking katawan. Hindi bababa sa pito ang balang tinanggap ng katawan ko, aking paningin ay tila nababalot ng usok. Malapit na akong hindi makakita.

"Rile, anak bumangon ka..." Isang malambing na tinig na mula isang babae.

Kung hindi ako nagkakamali, is that you mom?

"MAHIHINA PALA KAYO! BAKIT TAYO PINADALHAN NG GOBYERNO NG ISANG HUKBO NA BABAE PA ANG PINUNO!" Natatawang sabi ng isang lalaki bago sya nagpakawala ng isang bala.

Isang bala na naman ang tumagos sa katawan ng isa sa mga kasama ko.

"Ca-captain... bakit ang tagal ng back-up natin..." Sabi ng katabi kong nakahandusay din habang iniinda ang sakit ng katawan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Shooting StarWhere stories live. Discover now