Prologue: Climax

119 6 0
                                    

Marami nanaman akong makikitang fan board na may nakalagay na 'Junhoe oppa!' 'Saranghae Junhoe Oppa!' 'Junhoe Oppa Hwaiting' 'Junhoe oppa handsome' 'Cool Junhoe oppa' 'Junhoe oppa pa-abs ka na nang ma-ulam na kita. muaaah!' 'iK@waszx.lanq_sxzAfhAt-nuah'

Nakangisi sa kawalang iniisip ni Junhoe habang nakasakay sa Mini-bus na provided ng YG Entertainment para sa iKON-ang pangalan ng boy group na kabilang siya

"Hoy, anong nasa isip mo?" Tanong ng katabi niyang si Donghyuk na ka-member niya.

Si Donghyuk ay isa sa mga pinakamagaling sumayaw at may malambing na boses pero tagilid sa biritan. Si Junhoe lang kasi ang kaya bumirit, sabi niya. May itsura si Donghyuk, gwapo 'to kaya lang may natatanging espada. Secret weapon, tsk.

Tumingin si Junhoe sakanya in a poker face

"I have no time for you peasant" Pokerface na sabi ni Junhoe kay Donghyuk. Tumingin ulit siya sa labas ng bintana nang hindi na pinansin si Donghyuk na nag side comment sa sinabi niya

Get ready fans, masisilayan nyo na si Handsome-Cool -Super-Talented Oppa niyo

"Anong nangyari sa Italian Chef na nabaril?" Tanong ni Bobby

Naagaw ang atensyon ni Junhoe sa nagsalitang si Bobby, miyembro din ito ng iKON at siya ang pinaka-magaling mag-rap at may makalaglag panty na ka-cute-an at mantinding appeal. Panis si Junhoe sa jawline ni Bobby na kapag hawakan mo, parang masusugat ka sa sobrang depina nito.

Napa-irap si Junhoe sa tanong ni Bobby. Ayan nanaman tayo sa korning joke ni Hyung

"Ano?" Natatawang tanong ni Hanbin, also known as B.I

Si Hanbin or B.I ay ang kanilang leader. Panis nanaman si Junhoe dahil si B.I ay magaling mag-compose ng kanta, halos lahat ng galaw ng mga bagay na nakikita niya nagagawan niya ng lyrcis, pati yata mismong kagwapuhan ni Junhoe, magagawan niya. Si B.I din ang nagdidisiplina sa grupo kapag may monthly assesment na magaganap.

Mas gwapo naman ako

"He pasta way" Natatawang sabi ni Bobby. Napangisi si B.I at umiling sa joke ni Bobby

"Haha! Daling-dali Kimbap!" Sabi Jinhwan ng maka-getover siya sa joke ni Bobby

Si Jinhwan ang pinaka-matanda sa grupo pero napapagkamalang maknae dahil unang-una mukha siyang bata at pangalawa, kapos ito sa height. Kapos. Sa. Height. Period. Siya din ang isa sa mga choreographer ng grupo kapag may monthly assessment dahil kung kapos siya sa height, bawing-bawi naman siya sa dance moves.

Iyakin naman

Humalakhak naman si Donghyuk at yung iba pa. Samantalang si Junhoe

"Leche, ni hindi nga natawa gilagid ko sa joke ni Hyung, tapos kayo humagalpak ng ganyan?" Sabi ni Junhoe sabay irap

Nakita ni Junhoe na tumayo si Yunhyeong sa upuan niya na nasa harapan lang nilang dalawa ni Donghyuk at humarap ito sakanya

"Hoy Jun! Ang neg neg mo talaga no? First concert natin, dapat masaya tayo. Eh sa inaasal mo parang huling concert mo na 'to e" Sabi ni Yunhyeong sakanya

Tiningnan niya ito na naka-pokerface

"Atsaka, kahit ngayon lang iwas nega ka muna, kasi kung puro negative iniisip mo-sadksmahdkjs"

At dahil nairita si Junhoe sa litanya ni Yunhyeong

"O! Dry lips mo hyung!" Gulat kunwari na sabi ni Junhoe

"Anak ng!" Kaagad na tumalikod si Yunhyeong kay Junhoe at naglabas ng lipbalm sa bulsa nito saka kinuha yung pocket mirror na nasa kabilang bulsa naman

Operation: Reunite iKONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon