"Iris, ano uuwi ka na ba ngayong buwan, ha nak? Miss ka na namin ng Papa mo."
"Ma, pakisabi kay Papa na tiisin muna na hindi niya nakikita ang maganda kong mukha. Hindi pa kasi ako pwedeng umuwi, bilin na rin sakin 'yon ng amo ko", mahabang paliwanag ko kay Mama habang kausap ko ito sa telepono.
Napapabuntong hininga na lang ako habang naglalakad sa pasilyo ng Mall na pinuntahan ko, habang naririnig ang malungkot na boses ng ina ay halos maiyak ako, pero baka pagtawanan lang ako at tawaging baliw kung iiyak na lang ako bigla sa mataong lugar, kaya naman todo pigil ako.
"Siya sige, sasabihin ko 'yan sa Papa mo. Magtatampo na naman sa'yo 'yon, Iris", malungkot na sagot sa kaniya ng ina. Malungkot man, pero totoong magtatampo si Papa sa akin. Lalo na't tatlong taon na rin akong hindi nakakauwi sa probinsya namin.
Gusto ko mang umuwi, wala akong magawa, sa kadahilanang hindi naman ako ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan ko. Nagtatrabaho ako bilang assistant secretary ng may-ari ng kompanya, linggo na lang ata ang pahinga ko dahil sa dami ng mga inaasikaso niya at bawat asikaso dapat merong ako. Ano pang silbi ko kung kaya naman pala niya lahat, diba?
"Sige na, Ma. Ibaba niyo na po ang tawag at marami pa po akong gagawin ngayon, mag-ingat kayo diyan ni Papa, ha"
"Oh, siya siya sige. Mag-ingat ka rin diyan. Malilintikan ka sakin kapag may guhit kahit siko mo ah", paalala ni Mama sa akin bago nito ibaba ang tawag.
Itinago ko ang cellphone at muling naglakad sa pasilyo ng mall. Nagtitingin ako ngayon ng pwede kong isuot sa pupuntahan naming meeting sa Palawan. At siyempre, dapat handa ako, paano na lang kung bigyan ako ng oras ng aking amo na mag-relax muna at huwag puro trabaho, diba?
Napansin kong tahimik ata ang Mall ngayon, walang katao-tao kaya naman napanguso ako.
Baka brake time nong mga sales lady? Kaya kahit sila wala man lang?
Nang pumasok naman ako kanina maingay pa ang paligid pero nagbanyo lang ako bago tumawag si Mama ay halos wala na atang tao rito, sa katunayan wala na talagang tao.
Kaya naman kinabahan na ako, paano kung sinara na pala 'yong Mall at bukas ulit magbubukas? Edi rito ako matutulog?
Kinakabahan man pero dali-dali pa rin akong pumunta sa labasan, pero laking gulat ko na lang nang may humila sa aking kaliwang kamay at sinandal ako sa pader.
"Chief, may tao pa pala sa loob", sabi nito habang hawak ang kanang tenga.
"Ha? Hindi ako pulis", awkward kong sagot sa kanya.
Kunot noo ako nitong tinitigan.
"Saan ka ba galing? Kanina pa walang tao rito sa loob dahil may bomba, hindi mo ba alam? Prente ka pa talaga kung maglakad palabas, 'no?" mahabang litanya niya sakin, ngayon ko lang din napansin ang suot nitong pangsundalo.
And wait, what? Bomba sa loob? Kaya walang tao kase may bomba? Putcha nga naman oh.
"Ha? Eh umihi lang naman ako tapos paglabas ko wala ng tao" paliwanag ko sa mamang pulis.
"You, you know what, you're so careless" nag-uusok ang tengang sinabi niya sakin iyon kaya naman agad akong nagalit sa sinabi niya na parang kilala na niya talaga ako kung makapagsalita.
"Ahuh, ikaw" sabi ko sabay turo sa kanya, "Akala mo kung sino ka makapagsalita, bakit huh? Kilala mo ba ako?" tanong ko sa kaniya habang nanlikisik ang matang nakatitig dito.
"No, sino kaba?" pilosopo nitong sagot. Agad nanlaki ang mga mata at butas ng ilong ko sa sinabi niya.
"Iris. Iris Mendoza" matapang kong sinabi sa kanya. Akala ko maiinis na ito pero ngumisi lang ang mamang pulis na ito, kung hindi lang siya pogi at yummy, mukha na siyang manyak kung ngumisi.
"Who ask? Minor." sabi nito sabay layo sakin at kinausap ulit kung may kausap man dahil hawak nito ang kanan niyang tenga.
At ano!?! Minor?!? Ako?!? 23 na ako tapos pagkakamalan lang akong minor ng mamang pulis na ito? Aba, aba, grabehan na siya kung tumira ah.
"Hoy, anong minor? Hindi ako minor, 23 na ako. Hindi dahil sa 4'10 kong height, tatawag-tawagin mo akong minor ah" sabi ko sa kanya habang nakaturo ang kaliwang hintuturo ko sa mukha niya.
"I didn't call you minor because of your height, you're so immature that's why" sabi nito na siyang lalo kong kinainis. Gusto ko na atang hablutin 'yong baril sa kanya at paputakan ito sa ulo.
"Now, you can leave. I ask the chief, you're safe now." pagpapatuloy nito sa sinabi at tumalikod kaagad, kaya naman agad akong nagreact.
"Ano? Ako lalabas mag-isa!?! Sabayan mo ako, paano na lang kung makaharap ko 'yong nagtanim ng bomba? Tapos may isa pa palang bomba? Edi patay na ako? Madudurog pati buto ko? Huhuhuhu hindi na masisilayan ni Papa at Mama ang kagandahan k-" malakas kong sabi, pero natigil din ako nang putulin niya ang sinasabi ko at inis na humarap ito sakin.
"Fuck! You're so annoying, you're too loud!" inis nitong sigaw sakin.
"Edi, samahan mo kasi ako!" sigaw ko rin sa kanya.
"Fine!" napipilitang sagot nito, maglalakad na sana siya pauna nang bigla kong hilahin ang manggas ng uniporme nito, kunot noong humarap ito sakin.
"Edi dalawa na tayo mapapasabugan? Pati ikaw? Hindi na rin makikita ang gwapo mong mukh-"
"Did you hear what I said earlier? I said, you can go now, because you're safe. Wala ng bomba, nahuli na rin ang kriminal?" naiinis na nitong paliwanag sakin kaya hiya akong ngumiti sa kanya at bumitaw sa manggas niya.
Naglakad na ito nang pauna nang tumalikod ito sakin.
"Linawin mo kasi" sisi ko sa kaniya, narinig ko pa ang mabigat nitong buntong hininga.
"So, it's my fault pa talaga?" tanong nito habang naglalakad pa rin sa harapan ko.
"Kasalanan mo naman talaga" mahina kong sabi pero dahil sa muli nitong buntong hininga, alam kong narinig niya 'yon sa akin.
Tahimik kaming maglakad hanggang sa kami'y makalabas. Agad akong umuna nang bigla itong yakapin ng isang babae.
"Hon, you're safe" sabi ng babae habang hawak ang pisngi ng mamang pulis, ay may shota pala siya.
Ewan ko, pero may kumurot sa dibdib ko nang hindi ko malamang dahilan.
"Kuya!" matinis na boses ang narinig ko sa likuran at agad din itong yumakap sa mamang pulis.
"Papaluin ka na naman ni Mama" pananakot nito sa kapatid kaya natawa ito at ginulo ang buhok nito.
Doon lang ata nila napansin ang presensiya ko kaya agad silang bumaling ng tingin sakin.
Nanlaki ang mata ng dalawang babae, kaya agad akong ngumiti sa kanila.
"W-what?-" histerikal na tanong sakin ng shota ni mamang pulis habang nakatingin sakin.
"No, Fil. She's not" may siguridad na sabi sa kanya ni mamang pulis kaya hiyang napangiti ako at tumalikod na lang agad.
Luh si ate girl, pinagkamalan pa akong kabit.
Pero itago ko man o hindi, bakit parang may kumikirot sa dibdib ko? Bakit? Lihim akong napatingin sa kanilang tatlo pero laking gulat ko na lang nang makitang nakatitig pa rin ang kapatid nito at pati siya? Sa akin? Sa akin mismo?
Bakit?
YOU ARE READING
Bullets of Roses
RomanceBecause of bullets, his rose died. But because of bullets, another rose will rise. Can you hold these pieces? A hot bullets and a rose full of thorns.