The Day You Said Goodnight - One Shot

18 1 0
                                    

It has been 8 months since Ji and Sandy started arranging for their marriage. They were both excited kaya naman they always make sure na nandoon sila in every appointments they have.

Nag-aayos si Sandy ng mga papeles niya sa opisina ng biglang mag-ring ang phone niya, and when he checked who's calling, it's his fiancee - Ji.

"Hello, baby." masiglang sagot ni Sandy.

"Baby ko, nandito na po ako sa lobby. But, don't worry, maghihintay ako. No need to worry, okay?" pag-a-assure ni Ji dahil alam niya kung paano magrereact ang dalaga kapag nalaman na nandoon na sya at naghihintay.

"Okay po. Sandali na lang naman itong papers na inaayos ko po."

"Alright. I'll just wait for you here, baby. I love you," malambing na sabi ni Ji. Napangiti naman si Sandy bago sumagot.

"I love you more, baby ko. See you," and they ended the call. Napatingin naman sya sa collegue slash bff niyang nsi Spring na kinikilig sa tabi niya.

"Oh, anong tingin yan ha?" pang aasar niya.

"Wala lang. Kinikilig lang ako sa inyong dalawa. Naalala ko na naman kwento ng love story niyo. Yung love story na hindi inaasahan, pero nakatadhana para sa inyo. Ayieeee!" sabi ng dalaga at sinundot sundot ang tagiliran ni Sandy.

"Sira ka talaga! Tumigil ka na nga, naghihintay na sya sa baba. Hehe. Saka, wag ka mag-alala, darating din yuj para sa'yo basta wag mo lang itaboy kapag nandyan na ah."

"Tss. Kailan pa? Kapag puti na yung buhok ko?"

"Hahaha. Wag ka mainip, Spring. Darating sila sa tamang oras, sa hindi inaasahang panahon. Ganon. Malay mo sa wedding namin, doon mo pa makilala yung para sayo di ba?" sabi ni Sandy habang nagtaas baba ang mga kilay  nito.

"Psh, siguruhin mo lang na mah gwapo doon ah. Kung hindi lagot ka talaga sa akin,"

"Oo na. Siya mauna na ako, naghihintay na yung prince charming ko sa baba e. Love you, bestie. Bye!"

Pagdating niya sa may lobby at agad niyang nakita si Ji na nakatayo malapit sa may reception area. Hindi na sya nagtaka ng mapansin na nakukuha nito ang atensyon ng mga nagdadaan doon. Matangkad, maganda ang pangangatawan, gwapo, at mukhang mabango kasi ang datingan ng fiancee nya. At, higit sa lahat loyal ito at mahal sya, kaya balewala rito ang atensyon na nakukuha sa ibang tao.

"Baby," malambing na tawag nya ng makalapit sa nobyo. Ngumiti naman agad ng malapad ang lalaki at binigyan sya ng isang halik sa noo.

"Let's go na?"

"Yes po. Saan pala appointment natin today, Ji?"

"Sa wedding botique. We will check the gowns and suits."

Mabilis nilang narating ang store dahil malapit lang din naman ito sa kung saan nag-wo-work si Sandy.

"Good afternoon po, ma'am and sir. This way po tayo," sabi ng staff sa kanila kaya agad naman silang sumunod.

"Baby, are you sure na isusukat mo ang damit mo? Di ba, they were saying na bawal yun gawin before the wedding because it brings bad luck?" nag-aalalang tanong ni Ji.

"Ji, we're already on the 21st century. Hindi na totoo yan mga ganyan. And besides, if I will die first ay dahil yun ang nakatadhana, not because sinuot ko yung damit pangkasal ko. Okay? So, wag ka na mag isip ng kung ano ano. Sige na, sukat mo na yung sayo din."

Agad naman tumalima si Ji dahil alam niyang hindi din naman talaga papayag ang dalaga na hindi maisukat ang wedding gown niya.

"Ma'am, ang ganda ganda niyo po. Bagay na bagay po sa inyo ang napili ninyong style ng damit." papuri ng staff kay Sandy.

The Day You Said GoodnightWhere stories live. Discover now